Chapter 13 - Cabin in the Woods

310 10 15
                                    

Magigising si Chaeng ng 2AM at babangon. Tahimik niyang bubuksan ang kanyang pinto at pupunta sa kwarto ni Jisoo. Makikita nyang mahimbing ang tulog nito at yakap si Dalgom. Uupo siya sa sahig katabi ng kama ni Jisoo at hahaplusin ang buhok ni Jisoo. Makikita siya ni Dalgom at titigan sya.

Chaeng: *pabulong na magsasalita* Hi Dalgomie, I'm just checking up on her.

Pipikit na muli si Dalgom. After a few minutes, susubukan na tumayo ni Chaeng ngunit biglang hahawakan ni Jisoo ang braso at kamay niya.

Chaeng: Okay. I'll stay for a few more minutes.

Maghuhum ng lullaby si Chaeng at isasandal ang ulo niya sa may unan ni Jisoo... ... ... Magigising na lang ito sa tahol ni Dalgom at magugulat. Nandun pa rin siya sa pwesto niya at may kumot na nakapatong. Inayos din ang unan para hindi siya mangawit at makatulog ng maayos kahit nasa lapag lang. Babangon na ito at hahanapin si Jisoo na wala na sa kama.

Chaeng: Unnie?
Jisoo: Kitchen!!! Tara na dito, breakfast na.
Chaeng: Wait, did you cook breakfast?

Dali daling lalabas si Chaeng pero syempre, paganda muna ng konti sa salamin at mumog. Maaamoy niya ang surprisingly masarap na amoy galing kusina at makikita si Jisoo na nakaapron, hoop earrings at nakatopbun ang buhok. Magluluto lang, nakaporma pa.

Jisoo: Good morning. Malinis ba kamay mo? Pakiayos naman ung bangs ko, nakakairita e.
Chaeng: What's going on?

Lalapit siya kay Jisoo at makikita niyang pawis na ito. Ihaharap ni Jisoo ang mukha niya kay Chaeng at magugulat na lang sila pareho sa lapit nilang dalawa. Ngunit bago pa may umatras, agad ng inayos ni Chaeng ang buhok ni Jisoo at dahan-dahang hinawi ang bangs papunta sa likod ng tenga nito.

Jisoo: Thank you. Upo ka lang muna, I'm almost done. *susunod na lang si Chaeng habang nagtataka sa mga nangyayari. Nananag-inip ba siya?*
Chaeng: What did you cook unnie?
Jisoo: Uhmmm... Wait. Gumawa ako ng pancakes kanina kaso binaon nung dalawa, ito na lang natira.

Ilalapag ni Jisoo ang plato na may tatlong almost heart-shaped mini pancakes na medyo toasted ung isang side.

Jisoo: Kinuha kasi nila yung magaganda yung luto. Hindi ko napansin na yan yung mga natira. Okay lang, wag mo na kainin yan, baon na lang natin.
Chaeng: Awww... They look cute unnie... YUM!! Delicious too!!
Jisoo: Huy, wag mo na pagtiisan yan, bigay ko na lang kay Manong mamaya. Eto na kainin mo.

Maglalapag naman ngayon ng isang plato si Jisoo ng isang bowl ng pasta at kung anu-anong side dishes.

Jisoo: Yan ay... Aglio Olio daw. Olive Oil at bawang daw yung meaning nun. Tapos hindi ko alam kung anong gusto mong katerno... Parang lahat kasi kinakain mo e. Eto, may grilled na chicken breast fillet, kimchi kaso hindi yata bagay, nagtoast din ako ng wheat bread, saka may ano rin. Sandali.
Chaeng: Unnie, okay na to. Ang dami na nito masyado.

Halatang medyo natataranta si Jisoo at mapapansin din ni Chaeng ang mga band-aid sa kamay nito. Tatayo ito at dahan dahang lalapit habang nakatalikod si Jisoo at may hinahanap sa ref.

Jisoo: Hindi, kasi marami tayo gagawin mamaya so dinamihan ko na luto. Baon na rin yung iba. Saka par---

Matitigilan na lang si Jisoo ng maramdaman niya si Chaeng sa likod niya na for the first time ay binack hug si Jisoo. Softly, she whispers.

Chaeng: thank you...
Jisoo: Huy Chaeng. Sandali. Nakakahiya. Pawis na pawis pa ko.

Magugulat si Chaeng na si Jisoo ay nahihiya. Bibitaw ito at iikot na si Jisoo paharap sa kanya ngunit hindi makatingin kay Chaeng.

Marupok Pero Hindi Mabaho [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon