Lumipas ang isang linggo ng ganun ganun lang. Hindi pinahalata ng apat ang kanya-kanya nilang pinagdadaanan. Ang nakahalata lang ay si Manager Alvin. Kaya nung minsan na mag-isa niyang pinagmaneho si Jisoo ay kinumusta na niya.
Manager Alvin: Maam Jisoo, sa likod na po kayo umupo, nasira po kasi seatbelt dyan sa harapan.
Jisoo: Okay lang manong. Maingat ka naman magdrive e.
Manager Alvin: Trouble in paradise maam? Halata po kasi e.
Jisoo: Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko e.
Manager Alvin: Sinubukan niyo na po ba yung mga basic? Sabihin totoo, humingi ng tawad, maglambing, ganun maam?
Jisoo: Ulit-ulit na. Pero nasaktan talaga siya e. Hindi ko naman gusto itago un, wala na naman kasi talaga. Ito kasi ung nangyari.Kinwento ni Jisoo ang mga nangyari simula kay Bogum hanggang sa away nila ni Chaeng. Tinanggal na lang niya ang mga issue at ang mga konektado kay Jennie. Sumisinghot at nagluluha si Manong.
Manager Alvin: Parada lang muna ko saglit maam. Napuwing po ako e.
Jisoo: Napuwing ka sa loob ng saradong nakaaircon na sasakyan. Ano lumipad sa mata mo, kulangot?
Manager Alvin: Feelings maam, may tumamang feelings. Pero maam, tingin ko kelangan nyo mag-usap.
Jisoo: Ayaw nga akong kausapin e. Napuwing ka rin sa tenga?
Manager Alvin: Ni Sir Bogum maam. Baka oras na para ibalik niyo yung singsing. Hindi niyo na naman kelangan ng reminder na may nagmahal sa inyo dati nung worst niyo, lalo na at may nagmamahal sa inyo ngayon ng buong-buo. Baka yun yung hindi niya matanggap maam. Na suot niyo pa rin ung symbol ng pagmamahal ni Bogum. How do you compete with a perfect love story even if its already in the past?
Jisoo: Omaygad manong. Bakit may sense ka?
Manager Alvin: Di niyo natatanong maam, kung anong baba ng IQ ko, ganung taas ng EQ ko.
Jisoo: Engot Quotient?
Manager Alvin: Baba na po kayo maam. Lakad na lang kayo ng 4 na kilometro. Ingat po.Mangingiti ulit si Jisoo. Darating sila sa YG ng masaya. Pagbaba nila ng sasakyan nga lang ay may hindi siya inaasahang makakasabay.
Jermy: Chu!! Long time no see! Manager Alvin, how's Jianne?
Pilit na ngingiti si Jisoo. Bago pa siya may masabing hindi na niya mabawi, magsasalita si Manager Alvin.
Manager Alvin: Very well sir. She is candidate again for new medicine. I am very happy sir. Thank you for all the help.
Jisoo: Pwede ka magtagalog manong. Nakakahiya english mo. Nakakaintindi naman yang si Maya.
Jermy: Oo nga manong, natutunan ko na rin yung language since matagal na rin ako dito. Miss Jisoo, sana pag nasa office, Sir Jermy pa rin ang itawag mo sakin.
Jisoo: I'm sorry sir. Ay floor ko na. Bye manong, bye sir.
Jermy: Miss Jisoo, if you don't mind, would you see me at my office later? After you're done for the day.Tatango lang si Jisoo at aalis na. Darating siya sa practice room nila at nandun na ang tatlo. Si Chaeng ay nakikipagkulitan kay Jennie at Lisa, ngunit pagdating ni Jisoo ay lalayo ito.
Chaeng: Let's start. Dance video muna. Let's start with Freedom
Pwepwesto na silang apat. Nakasetup na ang camera at walang ibang tao sa kwarto.
Jisoo: Nakasabay ko sa elevator si Maya. Pinapaakyat ako sa office niya.
Chaeng: What?? No! You can't.
Jisoo: Hindi siya request. Utos siya from the head of YG.
Jennie: Sasamahan ka namin. Haharap tayong apat sa kanya. Once and for all.
Lisa: Pero may magagawa ba tayo? Pag kinonfront natin siya malalaman lang niya na alam namin. Hindi ba makakasama lang yun for you Jen?Matatahimik ang apat. Hihinto sila panandalian at haharap sa isa't-isa.
Chaeng: Lisa's right. Wala tayong panlaban.
Jisoo: Okay lang, ako na lang aakyat. Baka naman wala lang kasi. Bibigyan lang ako ng bagong solo, ganun.
Jennie: I hope so Jisoo. Masyado tayong helpless sa ngayon. Wala tayong maipanlaban sa kanya.
Jisoo: Tapusin na muna natin tong choreo at tapos bahala na. 6 na kanta pa irerecord natin. Sana umuwi na sya pag natapos tayo.
BINABASA MO ANG
Marupok Pero Hindi Mabaho [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] I started writing this because I was bored. And I needed something to do while waiting for BLACKPINK's concert. And my friends liked it. So I kept writing and now, March 3, 2019, the Asian leg of BLACKPINK'S world tour just ended. So I...