Chapter 31 - Collapse

191 3 2
                                    

Tahimik ang lahat pagkatapos magkwento ni Jennie. Mahirap paniwalaan. Kahit si Jisoo na may konting alam ay nagulat din.

Chaeng: But how did your stepbrother end up being the owner of YG.
Jennie: During the 3 years na nasa New Zealand sya, he already took over their family business. And ayoko man aminin, his looks plus his brains plus his ability to manipulate people made a lot of things easy for him
Jisoo: Yung gagong yun pala ang dahilan kaya sira sira buhay natin. San nakatira yun Jennie, sunugin ko bahay.
Chaeng: Jisoo...
Jisoo: I shut up. Please go on.
Chaeng: So, he just decided to buy YGE? Wow...
Jennie: Nakwento kasi sa kanya na nag-audition ako. Pinilit ko kasi mag-audition si Jisoo nung umuwi na ko, tapos sabi nung mga artist managers and casting directors, I should audition as well since I had the look daw. So I did, and now here we are.
Chaeng: So when he came here to Korea, he... What did he do, Jennie? Ano nangyari nung nag-18 ka?

Pagkatanong ni Chaeng ay tatayo si Lisa. Magpapaalam ito na pagod na at gusto ng matulog.

Jisoo: Baby, medyo foul ka dun.
Chaeng: Sorry Jennie. Hindi ko narealize agad kung gaano kahirap para kay Lisa na marinig lahat ng yun.
Jennie: It's not your fault Chaeng. Siguro pahinga na nga tayo. Bukas ko na sagutin kung may tanong pa kayo.
Jisoo: Pahinga ka na nga bes. Tulog na tayo, back to work na bukas e.
Jennie: Good night Chu, Hubby, thanks for listening.
Chaeng: Goodnight. Comfort mo muna yang honey mo. At may pag-uusapan pa rin kami ni Miss Park Jisoo.

Hahatakin ni Chaeng si Jisoo papasok sa kwarto nito. Papalabasin niya muna si Dalgom at tapos ay ilolock ang pinto. Makikita ni Jennie na lalapit si Dalgom sa kanya. Magsosorry to at papasok sa kwarto ni Lisa at ilolock din pinto.

Dalgom: Ay wow. Ginawang 5th wheel ung aso. Iniwan na nga sa sala, wala man lang nakalabas na hapunan. Sino ang tunay na hayop sa tin? SINO!!!

Maririnig ni Jennie ang madramang alulong ni Dalgom sa labas ngunit hindi niya papansinin. Si Lisa ay nakatalukbong ng kumot sa kwarto niya. Hihiga si Jennie sa tabi nito at yayakap.

Jennie: Hey. Tahimik ka.
Lisa: Hindi ko naman kelangang magcomment di ba?
Jennie: I guess so... Pero wala ka bang gustong itanong?
Lisa: Marami... Pero feeling ko masasaktan lang ako e. At ayokong mahirapan ka pang sumagot.
Jennie: Ayos lang ako Lisa. Ask me anything. Sasagutin ko lahat, no matter how painful it gets for both of us. As long as magkasama tayo.

Haharap si Lisa kay Jennie at ilalabas na ang mukha nito. Halos magkadikit na ang kanilang mga noo sa lapit ng higa nila sa isa't-isa. Yung ine-exhale ni Jennie ay ini-inhale ni Lisa. Ganun.

Lisa: Did you really love him?
Jennie: I really did. I think siya ang first love ko. Pero that doesn't matter since you're my last.

Biglang hahalikan ni Jennie ang noo ni Lisa.

Lisa: How many years does he have on you? Saka, is this even a legal thing?
Jennie: Walang contract syempre. But he has a notebook that he uses to keep track. I still owe him 7 years. 5 na lang sana pero I had to make sure that Jill was taken care of.
Lisa: You mean yung usapan niyong tulungan si Jill without her knowing ay binayaran mo pala? Why do you keep sacrificing yourself?
Jennie: Nung una, I just didn't care. I was helping people, and that made me happy. I didn't mind that he owned me.
Lisa: Then why tell us now. What changed?
Jennie: You, Lisa. You made me want to own my life again. Ayoko na ibigay sa kanya ang dapat na para sayo.

Hahalikan ni Jennie ang ilong ni Lisa. Tahimik na naman si Lisa.

Jennie: Is that all?
Lisa: Did you do it?
Jennie: Do what?
Lisa: Did you give yourself to him?

Marupok Pero Hindi Mabaho [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon