E11

3.9K 89 2
                                    

ARA's POV

Bago ko makasama si Jem ngayon, sinabihan na agad ako ni Mika sa nangyari.

*** FLASHBACK ***

*Mika calling*

Mika : Dadaan diyan si Jema, please Ara.. Wag mo siyang iwan. Naghiwalay sila ni deanna, pero believe me, may rason siya.

Ara : Anong rason?

Mika : It's not my story to tell. Basta mahalagang rason, at wag na wag mong sasabihin kay Jem yun. Wala ka sa posisyon Ara, nandito ako para kay Deanna. Alagaan mo si Jem.

Ara : H-hindi kita maintindihan. A-are you giving her to me??

Mika : Damn it! Hindi yun ang ibig sabihin ko, I just want you to be there for her. Magbrebreak down yan, wag mong iiwanan.

*** END OF FLASHBACK ***

Kaya naman hindi na ako nagulat nung sinabi niyang naghiwalay sila ni Deanna.

Mahal ko si Jema, oo. Pero deserve niya si Deanna eh. Hindi ko man alam ang rason kung bakit sila naghiwalay, basta ang sabi lang ni Mika na may rason si Deanna.

Sinundan ko na sila makalipas ang araw na maghiwalay kami ni Mika, nakita ko na sobrang masaya sila isa't isa.

Kaya naniniwala ako na may rason talaga si Deanna, hindi niya magagawang iwan si Jem nang ganon lang.

Kaya rin hindi na ako nag abalang guluhin sila, dahil gusto ko lang naman maging masaya rin si Jema matapos nung ginawa ko.

"How are you, Jem?"

"Malungkot. Ano pa nga ba? Kagayang kagaya mo si Deanna."

"Sorry sa nagawa ko noon, Jem. Sobrang gago ko lang talaga, alam mo naman ako noon, napakababaero. I'm sorry Jem."

"Ano ba nakukuha niyo sa paglaro niyo sa nararamdanan ko?"

"Trust deanna, jem. Trust her."

"What?? Trust?? Eh? Hahaha nagpapatawa ka pa ba? Sa tingin mo maniniwala pa rin ako sakanya? No. Hindi na ako magiging tanga."

Naiintindihan ko naman siya dahil wala talaga siyang kaalam alam sa nangyayari.

"Minahal ka naman nun." at minamahal Jem, wala lang talaga ako sa posisyon na magsabi.

"Sakanya na mismo nanggaling na hindi niya ako minahal, bakit pa ba ako maniniwala?"

"Dahil yun ang nararamdaman mo, wag kang maniwala sa sasabihin niya, pakinggan mo yung puso mo."

"Minahal niya ba talaga ako? O nabulag lang ako sa katotohanan na nandiyan siya para sakin?"

Hindi na ako nakaimik dahil alam kong lalo lang siyang maguguluhan, gusto ko siya bigyan ng oras para mag isip.

"Sige na, Jem. Bukas ah?"

Tumango naman siya bago pumasok tsaka ako umalis.

MIKA's POV

Pumasok si Dra. Hanes nang magising si Deanna, kitang kita mo kung gaano siya kalungkot at kamiserable.

"Deanna Wong. Liver Cancer stage 3. Symptoms of Cirrhosis to Cancer. Scarring of the Liver because of alcoholism. Reached 3 stages in just 2 weeks due to skipping of medicines. Has 50% of surviving as of Feb 2019. That's your over all record, Ms. Deanna."

"How long is 50% chance, Doc?"

"Equal. That depends on your body. Mahalagang mahalaga ang pag inom ng gamot, una palang sinabi kong dito ka na magstay sa ospital."

"Could I still s-survive?" tanong niya kasabay ng pagpatak ng luha niya. Awang awa ako kay Deanna...

"50% is still far, Deanna. But, it's really dangerous. According to my records, some of my Liver Cancer patients died with 30% chance."

"Anong kailangan niyang gawin, Doc? Para gumaling siya?"

"Chemo and medicines."

"Gagaling ba ako diyan?"

"It's your choice, Ms. Wong. Mauna na ako."

DEANNA's POV

"Bakit kailangang mangyari to?" umiiyak kong tanong dahil ayokong mahiwalay kay Jema pero pinipilit ako ng sitwasyon.

"Plinano ng Diyos, Deanna."

"Sana hindi nalang nangyari, pero hirap na hirap na rin ako Mika. Gusto ko nalang ring sumuko."

"Hindi makakabuti sayo yan, Deanna. Nakadepende sayo kung makasurvive ka, isipin mo si Jem. Kailangan ka niya."

"Ayoko na..."

TOTGA Where stories live. Discover now