E10

4K 83 4
                                    

MIKA's POV

Labag sa loob ko ang mga plano ni Deanna, masasaktan pa rin si Jem sa gagawin niya pero ano pa nga ba ang magagawa ko kay Deanna?

Yun nalang ang hiling niya sakin, sinaktan ko na siya noon, dapat akong bumawi.

Nandito kami sa park na madadaanan ni Jema, nakikita ko na siya sa malayo.

Kita kong napaluha si Deanna, sa malayo palang kita mong malungkot si Jema.

Sa paglapit ni Jema, bigla ko na siyang niyakap. Ayokong gawin to, ayokong masaktan kayo pareho pero kahit papaano naiintindihan ko si Deanna.

"A-anong m-meron??" gulat na gulat niyang tanong habang tumutulo yung luha niya.

Kahit ano yatang akto ko na nagulat ako hindi umeffect, sobra ko kasing nararamdaman yung lungkot ni Jem.

"Ayoko na, Jem. It's just that, It will always be Mika. Hindi kita minahal, I am breaking up with you."

"N-no.. no deanna! hahaha grabe ka magjoke! ramdam na ramdam kong mahal mo ako deanna, wag ka nga! h-haha." kitang kita ko kung gaano siya nagmatigas, kung gaano niya pineke yung mga tawa niya.

Kung ano si Jem ngayon, siya si Deanna nung nagpumilit akong umalis. Ganyang ganyan siya, and I didn't know It would be this painful.

"Joke? Hindi ako nagbibiro Jem, isa ka lang sa mga babaeng pinaglaruan ko. Alam mo naman siguro yun diba?"

"N-naalala mo pa ba kung paano tayo nagkita? H-haha ang saya nun Deanna! May game pa tayo next week diba? Maghaharap pa tayo sa court! H-hahaha deanna please naman oh.. wag naman ganito.."

"Ang desperada mo, Jem. Maawa ka sa sarili mo."

"Natatandaan mo pa ba bab yung sinabi ko? Yung niloko ako ni Ara pero ako yung nakipaghiwalay?? Dahil ayoko maging selfish? A-ayoko atang gawin yun n-ngayon eh.. Hindi ko p-pala kaya.. Deanna, isipin mo kung paano tayo nagsimula, wag kang aalis deanna.."

"Hindi na ako m-masaya sayo. Nandiyan na si Mika at mahal niya ako. Diba Mika?"

Ayokong umimik pero kinailangan ko, sana patawarin ako ni Jem sa magagawa ko...

"Y-yes, Jem. I'm sorry, please umalis ka nalang?"

Sinampal niya ako, pero tiniis ko. Dahil naiintindihan ko, sobra.

"You flirt! Nasan ka nung magkanda miserable si Deanna dahil sayo!? Ako yung nandiyan, pero ako pa rin ang iniwan.." humahagulgol niyang sabi..

Hindi ko kinaya kaya napaiyak ako, God knows kung gaano akong nagsisi sa ginawa ko. At ayoko ng may masaktan pa.

"Oo, sinaktan ko si Deanna. Nagkamali kasi ako Jem eh, kaya nandito ako. Gusto ko siyang kunin sayo, kaya please? Back off." Awang awa ako kay Jem, kasi halos mawalan siya ng lakas sa ginagawa namin.

Kita kong nahihirapan na si Deanna, sumasakit yata yung liver niya kasi kanina niya pa yung kinakapa.

"Please M-mika, umalis na tayo, sobrang sakit na ng liver ko.." bulong niya sakin.

Wala akong choice!

"Umalis ka na, Jema. Please, nagmamakaawa ako.. umalis ka na.."

"I love you, Deanna. I'm letting you go." Pinunasan niya yung mata niya tsaka umalis.

"I love you too, Jem." at doon siya nawalan ng malay!

Sinugod ko agad siya sa ospital, at hinanap yung doctor niya.

Kinabitan siya ng iba't ibang aparatos, wala akong nagawa kundi lumuha.

Nang maging stable ang kalagayan niya, kinausap ako ni Dra. Hanes.

"You are Ms.Wong's???"

"Friend."

"Okay, I told her to rest pero hindi siya nakinig. Hindi nakapag function ang liver niya kaya naubusan siya ng lakas. We'll conduct tests. As soon as possible, babalitaan kita."

"Magiging okay po ba siya?"

"Walang kasiguraduhan. It also depends on her. Sa pagskip niya ng mga gamot, ay ang paglala ng cancer niya. Hindi basta basta ang cancer."

Ano pa bang dapat kong gawin?

JEMA's POV

Sa pag alis ko sa park, wala akong maramdaman kundi sakit.

Paulit ulit kong naririnig yung mga sinasabi niya, paulit ulit... sa bawat ulit, pasakit nang pasakit...

Totoo bang nangyayari samin to? Kasi masaya pa kami last week eh, sobrang saya pa.

"I'm sorry, Mis—"

"Jema??"

"Uy A-ara.."

"Kamusta ka? Asan si Deanna?"

Ngumiti ako nang mapait..

"She just broke up with me."

"Hatid na kita sa dorm mo, tomorrow rin ah?"

Siguro, kailangan ko ng kadamay.. Kaya hinayaan ko siya, ayokong malunod sa sakit, gusto ko siyang kalimutan

Hindi ko maiwasang maiyak, hindi ko maiwasang malungkot..

I miss you, Jem.. balik ka na :(( h

TOTGA Where stories live. Discover now