DEANNA's POV
Kakahatid ko lang kay Jem. Susunduin ko siya mamayang 2pm kaya nandito ako sa mall dahil kailangan kong bumili ng gamot.
Mag iisang linggo na ring masama ang pakiramdam ko, hindi pa dumadating ang araw na sobrang ayos ng pakilasa ko.
Kailangan kong bumili ng gamot sa makati, nakakatawa man, pero sobrang kati ng balat ko.
1:30 na kaya naman nagmadali na ako.
"I'm sorry Miss!" sa pagmamadali ko, nabangga ko yung babae kaya naman nahulog lahat ng gamit niya.
"It's ok— Deanna!?" pagtingin ko, si Mika.
Sa dinami dami ng mga tao sa mundo, talagang yung cheater pa ang nakatadhana kong makita.
"What's up?" naiilang na sabi ko sakanya, ex ko ba naman to!
"Do you mind if I invite you for uhm, late lunch?" landi pa rin talaga, bwiset.
"Uhm, sorry pero kailangan ko pang sunduin si Jema." napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.
"Galanza? Girlfriend mo??"
"Oo, sa tingin mo hindi kita kayang palitan?" pabiro kong sabi sakanya, hello??? lamang na lamang si Jem sa puso ko.
"Nice meeting you! Ingat ka, deanna!"
"Btw, where's Ara?" tanong ko sakanya.
"We broke up 2 weeks ago, she's still inlove with Jema."
"Ohh? She's mine now." nakangiti kong sabi sakanya at umalis.
1:50 na rin nung nakabili ako ng gamot kaya nagmadali akong pumunta sa Adamson.
"Jem!" yakap ko sakanya pagkakita ko, ilang araw ko rin siyang kasama sa condo dahil inaalagaan niya ako.
"Okay ka na ba, deanna?" hinipo niya yung noo ko, tsaka niyakap. Huy sarap sa pakiramdam!!
Pinagbuksan ko siya ng pinto, nang makasakay siya, plano kong ikwento sakanya na nagkita kami ni Mika.
"Btw, bab. Nakita ko si Mika kanina and guess what, nagbreak sila kasi Ara is still inlove with you hahahaha." natatawa kong kwento sakanya.
"Really? Hahaha, nakakatawa sila. Wait, gamot to para saan?" tanong niya nang makita niya yung gamot na binili ko.
"Sa makati, bab. Ang itchy kasi ng balat ko nung mga nagdaang araw."
"I think kailangan mo na magpacheck up."
"Tomorrow. Wala lang naman to, sus lagnat lang."
"Wag ka nga Wong! Mas maigi na yung safe kesa naman lumala pa."
Nang maihatid ko siya, bumalik agad ako sa condo.
Pero wait?? Bakit nandito ang sasakyan ni Mika? Sa kakasunod ko sakanila noon, natandaan ko na pati plate number niya.
Ano na naman bang kailangan nito?
'"D-deanna.." nagulat ako nang biglang bumaba si Mika.
"Oh? Bakit ka nandito??"
"I w-want you back.. I still l-love you.."
Napatawa ako bigla, ano ba to? Joke time!!?
"Teka, Mika. Nagpapatawa ka ba? May girlfriend ako hahaha."
"Hindi deanna.."
"Alam mo, mika... Nung umalis ka, akala ko hindi na ako magmamahal ulit. Ayoko ng maniwala sa pagmamahal, halos makalimutan kong mahalin ang sarili ko sa sobrang pagmamahal ko sayo. Ilang babae ang nilaro ko dahil sa panloloko mo sakin, tapos babalik ka? Na parang walang nangyari?"
"I'm sorry, deanna. Patawarin mo ako, ang tanga tanga ko for doing that. Pero, deanna.. Pwede pa naman diba?"
"Yun ang akala mo, mika. Dumating si Jema, parang magic na natauhan ako. Na para siyang anghel na nagpakita sakin para maniwala ulit. Para mabuo ulit, at binigyan niya ako ng pagmamahal na kahit kelan, Mika.. hindi mo naiparamdam."
"Deanna.."
"You may now leave, Mika."
Pumasok ako sa condo, kaloka tong si Mika... inistress niya ako.
MIKA's POV
Masakit din na marinig kay Deanna yun, pero kasalanan ko naman diba?
I'm really sorry, Deanna. For hurting you, pero masaya ako na nandiyan si Jem.
Masaya talaga ako para sakanya. Masakit pero kailangan tanggapin.
Basta deanna ah? Pag iniwan ka ni Jem, nandito lang ako. Pero malabo yun, sa boses palang ni deanna, ramdam kong mahal na mahal niya si Jema.
Maybe It's time for me to let go..
DEANNA's POV
Nagising ako pero hinang hina na naman katawan ko.
Kelan ba aayos ang pakiramdam ko? Kailangan ko na talagang magpacheck up.
Tinawagan ko si Jem na nasa klase niya ngayon.
Deanna :Hello Jem? Pacheck up ako today. Ingat ka ah? I love you.
Jema : I love you, too. Pagaling ka na ah? Wag mo na ako susunduin.
Deanna : Try ko pa din bab. I love you.
Binaba ko na yung tawag. Kinakabahan ako sa magiging resulta, alam ko kasing may mali na sakin.
Nandito na ako sa ospital, si Doctora Hanes ang nakaassign sakin.
Nagconduct na sila ng mga test.
Kinakabahan talaga ako....

YOU ARE READING
TOTGA
Fanfic10:05 am. Please stop the time. Please let her live. I am the reason for her to live.. Please wake up, before 10:05 ends... I love you still, I always will.