DEANNA's POV
Sa halos isang buwan akong may cancer, kailangan na daw akong iconfine.
Lumalala yung cancer ko, paano ba ako makakainom ng mga gamot kung buong araw akong inaalagaan ni jem at ayokong malaman niya?
Panibagong araw na naman, isa na namang araw ang mangyayari para patuloy kong isipin na masasaktan ko si Jem.
Mahal na mahal ko si Jema, sobra ko siyang mahal. Kung may choice lang ako, kung meron lang..
Schedule ulit ng check up ko kaya naman dumiretso ako sa ospital.
"Ms. Deanna. I have a bad news."
"Ano pa nga ba doc?"
"Stage 2. You'll suffer. Once It goes up to stage 3? You'll lose your chance of surviving dahil sa pagskip mo sa mga gamot. You need to stay here, kailangan mong maconfine para namomonitor namin ang health mo."
"Ayoko, doc."
"You decide, Ms.Wong. The longer you do this to yourself? Possible na 30% nalang ang chance mo para makasurvive."
Hindi ako nakasagot, si jema lang ang nasa isip ko.
"I'll think about it, Doc."
"Tatapatin kita, Ms.Wong. Maliit ang chance mong makasurvive. Lalo na at pinapabayaan mo lang ang mga gamot mo. If you stay here at the hospital, you can still survive."
"Yes, Doc." wala akong choice kundi sagutin siya, ano pa bang rason para lumaban?
"Come to my office, possibly, next week."
Isa siyang napakahirap na desisyon para sakin, dahil kapalit non ay ang paglayo ko kay Jema.
Ayokong maging miserable siya, ayoko siyang masaktan. Ayokong nasa tabi niya ako pag namatay ako. Ayokong maranasan niya yun.
Kaya habang maaga pa, lalayo ako.
"Why are you in the hospital?"
nagulat ako nang magsalita si Mika sa likod ko."What the hell??? Sinusundan mo ba ako?"
"No. Nagpa check up ako a while ago. 3 days na akong may lagnat. How about you?"
"L-lagnat lang."
"You're lying. Ganyan ka magsinungaling deanna." Sasabihin ko ba sakanya?
Wala na talaga akong nararamdaman kay Mika pero sa tingin ko kaya niya akong tulungan.
"Liver Cancer, stage 2. Kailangan ko ng maconfine, ayokong masaktan si Jem..."
"Then??"
Bumuntong hininga ako bago magpatuloy.
"Makikipaghiwalay ako kay Jema habang maaga pa. Ayokong nandiyan siya pag namatay ako, ayokong maging miserable siya. Sinaktan na siya ni Ara, ayoko ng dugtungan pa."
"Masasaktan pa rin siya, Deanna. Ayokong mangyari kay Jema yun."
"Mamatay rin ako, mika. Atleast hindi ganun kasakit, si jem lang ang nasa isip ko. Ayokong nandyan siya pag namatay ako."
"Walang kasiguraduhan kung mamamatay ka, deanna."
"May sakit pa rin ako, Mika. Doon pa lang? Miserable na si Jema. Never akong nakainom ng gamot kakatago sakanya, binibigyan na ako ng taning ng doctor. Imposible na."
"Damn it! What could I do for you!" lumuluha niyang tanong sakin..
Sobrang hirap saking magdesisyon, nararamdaman lang ni Jema ang nasa isip ko.
"Pretend to be my girlfriend. Gusto kong mahuli tayo ni Jem. Gusto kong matapos ang lahat samin sa ganung paraan. Para hindi maging mahirap para sakanya ang kalimutan ako."
"N-no.. Hindi ko ata kayang gawin yan kay Jema.."
"Please, Mika. I don't want her to ger hurt please.. I am begging you..."
"O-okay.. But let me be there through your operations and therapy. Ayokong mag isa kang lumaban, gusto kong makasurvive ka para kay Jema okay?"
"Bukaa, 2pm ang alam ni Jema na susunduin ko siya. Walking distance lang yung adu sa dorm nila, alam kong madadaanan niya tayo. Yakapin mo ako pag nandyan siya."
Tumango siya at umalis, pagkarating ko ng condo, tumawag si Jema.
Hindi ko kayang sagutin dahil dapat maging malamig ang pakikitungo sakanya, dahil ayokong mahirapan sa pagalis ko, ayoko siyang mahirapan lalo.
Jema : bab! di mo ko tinetext kanina! okay ka na ba love? may sakit kapa rin ba?
Deanna : is it really necessary to text you jema?
Sinagot ko siya nang ganun kahit hirap na hirap ako, kahit ayoko, kahit masakit.. ginawa ko.
Jema : a-ahh.. deanna may p-problema ba??
Deanna : Oo, ikaw j-jema. you're so c-childish.
sa bawat pagbigkas ko ng mga salita, durog na durog ako. gusto ko nalang umalis, gusto ko nalang maging mag isa.
jema : s-sorry b-bab. sige rest ka na. i love- - -
Pinatay ko na agad ang tawag bago niya pa matuloy. Ayoko siyang marinig, dahil alam kong mahihirapan ako...
I love you, jem. Mahal na mahal kita, sobra.

YOU ARE READING
TOTGA
Fanfiction10:05 am. Please stop the time. Please let her live. I am the reason for her to live.. Please wake up, before 10:05 ends... I love you still, I always will.