E17

4.5K 103 7
                                    

JEMA's POV

"J-jem..." nauutal na sabi ni Mika sakin.

Gusto ko lang malaman ang totoo!

"Sabihin niyo na ang totoo! Hirap na hirap na akong mag isip, hirap na hirap na akong manghula kung ano ba talagang nangyayari sa paligid ko!"

"J-jem.. It's hard for us to tell you kas—"

"Mas nahihirapan akong alamin kung ano bang totoo sa hindi!"

"It's time, ye. Let's tell her."

"And you knew about this, Ara!? All this time! All this time, I trusted you! ANG BULLSHIT NIYO!"

"YOU WEREN'T THERE! You were not there Jem! Nung oras na hiniling niya na wag ipaalam sayo! Kung gaano siyang nahihirapan habang iniisip niya yung mararamdaman mo! You were not there Jem at hindi mo nakita ang rason kung bakit hindi ako nakatanggi sa gusto niyang mangyari kahit hindi ako pabor!"

"I DESERVE TO KNOW!"

"Alam ko! But she deserve to rest! Pag hindi ko tinupad ang hiling niyang itago sayo? Anong mararamdaman niya! Lalo siyang manghihina, mahihirapan, ayaw niyang nandun ka.. lalo na kapag namatay siya. Yun, yun ang sabi niya."

"Namatay? ANO BA ANG TOTOO!!!! DIRETSUHIN NIYO NA AKO!"

"She has a cancer. Liver Cancer, stage 3! That cancer almost killed her last night! SHE'S FIGHTING FOR HER LIFE PARA SAYO!!! She's doing everything to make you happy, even if it takes her own life Jem." umiiyak na talaga siya, at lalo na ako.

Nanghihina ako kapag naiisip kong ganun ang kalagayan niya, I'm sorry Deanna. I'm sorry...

"H-hindi ko maintindihan k-kung bakit ayaw niyang m-malaman ko.. H-hindi ko maintindihan.."

"Nung sinabi mo sakanyang ayaw mo na masaktan ulit, doon siya sumugal. Ayaw niyang makita mo siyang ganun, dahil alam niyang masasaktan ka. Ayaw niyang nandun ka kapag namatay siya, ayaw niyang maranasan mong mamatayan ng mahal sa buhay. Ayaw niyang masundan pa yung mga masasakit na pangyayari sa buhay mo kaya nakiusap siya saking tulungan siya..."

"She thought everything would be better by hiding it from me.. But It's more painful, and I can't take it anymore.."

"Gusto niyang matapos ang lahat sa inyo sa ganung paraan para makalimutan mo agad siya. Gusto niyang ligawan ka ni Ara. Hindi para ipamigay ka, you know why?"

"P-para s-san?" hirap na hirap akong magsalita..

"She wants you to be happy, even it that happiness.. no longer includes her."

"H-hindi niya dapat tinago sakin dahil mas lalo akong n-nasasaktan ngayon Mika.."

"Dahil hindi naman niya alam na malalaman mo.. Nung mga nagdaang araw, masaya ka naman diba? And that is her intention.."

"She's my happiness, hindi ko maintindihan.. bakit siya umalis..."

"She has no choice. Alam mo ba, last night? She almost die! Konting konti nalang, wala ng chance. Nirerevive na siya, sobrang hirap sakin na wala akong magawa! Ang hirap saking manuod LANG! I'm so useless last night Jem.."

"W-what happened to her?"

"And I said your name, and she survived."

"Asan si Deanna? Bring me to her.."

Nakarating kami sa room ni Deanna.. I'm so scared to enter, I am so scared to see her..

"Natatakot ako..."

"Don't be..."

Saka ko binuksan ang pinto.. at hindi tumigil ang pagpatak ng luha ko.

"D-deanna..."

Sa pagtingin ko sa munti niyang buhok, sa aparatos na kakabit sakanya... hindi ko kinaya...

"Deanna ko..."

Hinaplos ko ang muka niya, buhok niya... ilong, labi... miss na miss na kita deanna..

"Balik ka na sakin... Gising ka na diyan oh.. Mahal kita, mahal na mahal.."

"Jem, mag uundergo ng Chemo si Jem bukas. Magigising siya, it will only take less than 5 minutes, tapos makakatulog na ulit siya. Yung gising niyang yun, pwedeng yun na yung huli.. It depends on her, Jem. If magising siya within 2 days, mawawala na yung cancer niya and if not.. she's dead.."

"Deanna.. nandito na ako.. the reason for you to live is me, deanna. I'll give you the reason to live.."

"I love you deanna, I always will.."

TOTGA Where stories live. Discover now