E12

4K 88 0
                                    

JEMA's POV

It's been a week. Pero walang araw na hindi ako umiyak, walang araw na hindi ako nalungkot, at walang araw na hindi ko siya namiss.

I love you, Deanna. I always will.

Pero siguro dapat na kitang palayain, dapat na akong kumawala, dapat na akong bumitaw.

Kasama ko si Ara ngayon pero kahit kelan, si Deanna talaga.

Halos araw araw kong kasama si Ara, saksi siya sa mga iniiyak ko. Nandiyan talaga siya, hindi kagaya noong bigla niya nalang akong iniwan.

Nandito kami sa lasalle, may tune up kasi. Paniguradong makikita ko ang pinaka kinakainisan kong tao, si Mika.

"Eat, jem." sabi ni Ara sa tabi ko.

"Ayyy sorry naman may iniisip lang."

"Ano?"

"Deanna."

"Oh, what about her?"

"I'm ready to let her go."

ARA's POV

Nagulat ako nang sabihin ni Jema na willing siyang maglet go. Pero may part sakin na okay lang, may part na hindi.

Kinailangan kong puntahan si Deanna, gusto kong magpaalam sakanya na kung pede.. sakin muna si Jem.

Gusto ko siyang ligawan, gusto ko siyang pasayahin ulit. Gusto kong bumawi.

"Let go? Why? Diba mahal mo pa siya?"

"Oo naman, Ara. Pero love, is also to surrender. Kung hindi siya masaya sakin, bakit ko pa ipipilit. Gusto ko lang rin naman siyang maging masaya, kung kay Mika siya? Edi dun siya."

Mahal na mahal ka ni Deanna, kaya ka niya iniwan. Ayaw niyang masaktan ka, yun ang sabi ni Mika.

"Paano pag nalaman mong may rason siya?"

"Whatever that is, it's unacceptable. She cheated. End of story."

"Are you really willing to let her go?"

"Oo, pagod na rin ako maghintay na baka isang araw, babalik siya. Pero sa isang linggo, hindi ko siya nakita, at lalong hindi ko rin siya naramdaman."

"Do you hate her, Jem?"

"Hate? Hahaha I can never hate her. Hindi kaya ng puso, inis, galit? siguro. Iba kasi si Deanna."

"Tara na, simula na ng tune up. Hahahah let's have a bet, if manalo kayo? You'll let me prove you na nagbago na ako. And hmm, if matalo kami??"

"We'll stay friends, only."

"Ohh, smooth HAHAHA."

Nagsimula na ang tune up kaya naman kailangan kong galingan, grrr!!!

Bago magsimula yung game, dumating si Mika. Kita ko kung paano naningkit ang mata ni Jema.

Service ni Fhen Emnas, nareceive ni Dawn tapos sinet ni Kim sakin tapos block ni Jema!!!

"Sorry." natatawang asar niya sakin kaya naman sa susunod na point ginalingan ko.

Pagkaset sakin ng bola... nablock ulit ni Jema! Pero nacover ni Mika kaya naman halatang inis si Jem at di na ako blinockan kaya naman lusot ang palo ko.

1-1

"Tsk, kahit kelan annoying." rinig kong sabi ni Jem kaya naman napatingin ako kay Mika na nakatingin kay Jem.

Set point na namin, dikit ang laban 23-24, ang nakakatakot pa si Mika ang service tapos nasa likod si Jem HAHAHA

Pagkaserve ni Mika, dumiretso sa direksyon ni Jema at....

SERVICE ACE!

Kaya naman nakuha namin ang set 1, 23-25!

"Hindi pa tapos, Mika Reyes."

"Bring it on, Jema. Receive muna bago magyabang." nakangiting sabi ni Mika tapos si Jem naiwang naiinis hahaha

"Damn it!" sabi niya tsaka tumalikod.

Sa paglayo naman ng set 2, sobrang inis na si Jema kaya naman puro outside palo niya.

24-20 ang score, lamang kami.

Sa pagserve ni Kim ng bola, nareceive ni Jema at sinet ni Jema papunta kay?? JEM NA NAMAN?? Ang layo ng pinanggalingan ni Jem!

AND GUESS WHAT NAFACIAL NIYA SI MIKA.

Napaswag naman si Jem habang kami tinulungan si Mika, nakangiwi siya at willing gumanti.

Hiningi niya ang bola kay Kim tsaka nagrunning attack na sinadyang papuntahin kay Jema!

Nakuha ni Jem pero naabangan ni Mika sa net, regalo! Tumama sa ulo niy, malupit magswag si Mika kaya naman asar talo talaga si Jem.

Nakuha namin ang set 2 kaya nagpatuloy kami sa set 3.

"Mika! Yabang mo ah, ilang points ka na ba?" nang aasar na naman si Jem pero si Mika, nakikisakay lang. Alam ko namang naiintindihan niya si Jema.

Sa pagdating ng set 3, umarangkada sina Jema natambakan kami ng 5, 20-15. Kaya naman tumawag ng time out si Coach.

"Hindi active ang blocks ng middles natin! Timingan niyo, ilang beses na prinactice yan ah? Ilaban niyo yan! Mika! Bantayan mo yung Galanza!"

Gigil na gigil talaga si Jema, halos siya lang ang napuntos sakanila.

Hinabol namin ang lamang kaya naman nag 23-23.

Kagulo ang depensa sa likod kaya sinetan ni Kim si Mika ng quick at yun... BAON!!!

23-24

Long rally para sa match point namin, kita mong inis na inis si Jem kaya naman pagkapalo niyaaa...

BLOCK BY MIKA REYES!

Sa huli panalo kami, kaya naman lumapit agad ako kay Jema

"Jema, so hahayaan mo na ako??"

"Hmm, oo? Hahayaan lang naman HAHAHAHA."

"Thank you, Jem."

"Thank you, A-ara." tsaka niya ako niyakap..

TOTGA Where stories live. Discover now