E8

4.5K 99 4
                                    

DEANNA's POV

Kausap ko ngayon si Dra. Hanes, nagconduct sila ng mga test due to symptoms daw na nararamdaman ko.

"Do you love drinking alcohol, Ms. Wong?"

"Yes, doc. Naging hobby ko siya noon, broken hearted eh haha. Pero now? Hindi na ulit ako nakakainom." Nadismaya siya sa narinig ko, ano ba talagang meron sakin?

"Okay so, these are the symptoms you've been feeling for the past few days. Vomitting, Anorexia, Itchy Skin, Loss of appetite, Weakness, and  Weight Loss."

"What now, doc?"

"We conducted different kind of tests, based on the symptoms you told me, I thought It's only Cirrhosis."

"Cirrhosis?"

"It is scarring of the liver due to alcoholism. Nahihirapang magfunction ang liver mo kasi hindi mo agad naagapan. You already have Cirrhosis ever since, sa tingin ko hindi mo lang napansin yung symptoms kaya umabot sa paglala niya."

"It is dangerous?"

"Cirrhosis, kaya pa. But Ms. Wong, I'm sorry but your health is in danger."

"Bakit po Doc?"

"You have a liver cancer, stage 1, Ms. Deanna."

Pumatak ang mga luha ko sa nalaman ko, cancer? It's so dangerous.

Anytime, pwede akong mamatay?

Paano si Jema? Hindi ko kinakaya yung mga nalaman ko. Hindi!! Ayokong tanggapin, ayokong harapin.

"Do I still have chance of surviving?"

"Yes. But skipping medicines will push your cancer to go through stage 2 and so on. Sobra siyang delikado, around 30,000 in USA die every year due to liver cancer."

"Any percentage??"

"You only have 80% due to Cirrhosis. Hirap na hirap magfunction ang liver mo, Ms. Wong."

Bakit kailangan pang mangyari to? Bakit ngayon pa? Kung kelan masaya na ako?

JEMA's POV

Kakagaling lang sa check up ni deanna kaya nandito ako sa condo niya, gusto ko siyang kamustahin.

Pero makikita mo talaga na mahina siya, malungkot yung mga mata niya.

"Deanna, kamusta? Ano sabi ng doctor?"

Pumatak naman ang luha niya habang nakayakap ako sakanya, hindi ko maiwasang malungkot dahil sa nararamdaman niya.

"O-okay naman daw ako, love. Lagnat lang daw, kailangan lang ng p-pahinga." Napapansin kong hirap na hirap siyang mag salita.

"You should rest, bab. Nandito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo okay?"

Humagulgol siya habang nakayakap sakin, grabe naawa na ako kay Deanna :((

"I love you, Jem. Sobra sobra kitang mahal."

"I love you too, wag ka na umiyak Deanna okay? Gagaling ka na nandito na kaya ako." Pagpapagaan ko sa loob niya.

"Kung alam mo lang kung gaano ko kaayaw ang sitwasyon. Sana umabot pa, sana kaya pa. Sana Jem... wag kang aalis ah?"

"Ano ka ba Deanna! Para ka namang namamaalam niyan eh! Wag ka nga hahaha."

"Kapag d-di ko na kinaya, patawarin moko ah??"

"Hushh deanna, sleep."

Niyakap ko lang siya, kung makikita niyo sa ngayon parang hindi siya yung deanna na masigla.

Makikita mo kung gaano siya kapagod.

DEANNA's POV

Schedule ng check up ko kay Dra. Hanes ngayon, naihatid ko na si Jema at sa pagtatago ko kay Jem, nakakalimutan ko na ang pag inom ng gamot.

"Good Morning, Ms. Wong."

Isang mahinang ngiti ang iginanti ko sakanya, sa mga araw na nag ka cancer ako? Hinang hina ako.

Nagconduct ulit ng mga tests and xray, wala lang akong reaksyon dahil sa pagtagal ng araw, unti unti ko ring natatanggap.

Gusto kong maging masaya si jema, at ayaw kong sakin siya masaktan. Gusto ko munang umalis, gusto kong mag isip.

"Based on the tests we've conducted, lumalala ang cancer mo Ms. Wong. Take your meds and be mindful of your health."

"I drink my meds, doc."

"I don't think so. Malala ang cancer, Ms. Wong. Ako na ang nagsasabi sayo, your cancer can kill you. Kayang kaya kang talunin ng cancer mo."

Wala akong nasabi dahil alam ko naman. Eh anong gagawin ko? Ayokong malaman ni Jem, pero ayoko rin namang mawala.

Umalis ako at sinundo si Jem.

Nawawalan ako ng gana sa lahat, gusto kong lumaban pero nanghihina talaga ako. Ayokong malaman ni Jem kasi ayoko siyang masaktan.

"H-hi jem." hindi ko ipinahalatang nanghihina na ako sakanya kasi ayoko siyang mag alala.

"I missed you!" sabi niya sabay halik sa pisnge ko.

Hinayaan ko siyang magdrive kasi hindi ko talaga kinakaya.

Buong byahe akong hindi nakaimik dahil pakiramdam ko hindi ko kakayanin.

Pagkarating namin sa condo, hinatid niya lang ako. Simpleng ngiti lang ang isinusukli ko sakanya.

Nang makarating kami sa condo, ako ang pinagbuksan niya ng pinto at inalalayan.

Ako dapat ang gumagawa nito kay Jema eh, bakit kasi ganon pa yung nangyari?

"A-alis na ako, b-bab." nauutal niyang sabi, napapansin niya siguro yung pagkawalang gana ko.

Patawarin mo ako, Jem.

"M-may problema ba tayo, deanna?"

Hindi ako nasagot kaya naman umiling lang ako, saka siya yumakap at umalis.

"I love you, deanna." Narinig ko pang sabi niya bago ako pumikit.

Huminga ako ng malalim dahil nanunuyo yung lalamunan ko.

"I l-love you, jem.."

Pero wala na akong natanggap na sagot, umalis na nga talaga siya..

TOTGA Where stories live. Discover now