E14

4.1K 89 109
                                    

MIKA's POV

"Ara, let's talk. Pagpahingahin mo muna si Deanna."

Lumabas kami at pumunta sa park ng ospital.

"Jema deserves to know!"

"Alam ko! Pero naiintindihan ko rin siya at hindi ko siya pwedeng hadlangan sa gusto niyang mangyari!"

"Why didn't you tell me?"

"Eh ara sino ka ba!? Dapat ko pa bang ipaalam sayo!? Alam ko deserve malaman ni Jem pero yun ang hiling niya sakin! Ang magagawa ko nalang ay wag akong umalis sa tabi niya!"

Hindi siya nakaimik, sa tingin ko naiintindihan niya ang gusto kong ipunto.

"Alam mo ba kung anong sinabi niya sakin, Ara? Ayaw niyang nandiyan si Jem kapag namatay siya. Ayaw niyang maging miserable si Jem, ayaw niyang mas masaktan pa."

"She sacrificed, didn't she?"

"Wag mo akong tatanungin kung anong nagawa ko para malaman  ni Jem. Kung makikita mo lang si Deanna habang sinasabi yan sakin. Sa tingin mo, magagawa ko pang balewalain yun? Yun nalang ang magagawa ko para sakanya."

"I u-understand."

"Ang hirap sakin na umupo lang doon at panoorin siyang maghirap. Ang hirap sakin na kausapin siya, at pakinggan kung gaano siyang nangungulila kay Jema. Ang hirap na wala akong magawa.."

"Sana kumapit siya. Kahit sa pinakamalabong pagkakataon, sana kaya pa."

"Pumayag ka sa gusto ni Deanna. Go for it, take care of Jem. Yun ang gusto niya, hilingin mo na. 50% nalang ang chance niya, gusto niyang masaya si Jem."

"Hindi ko kaya."

"Kayanin mo. Dahil ako? Kinaya ko. Mauna na ako, umalis ka na rin rito baka may makakita pa sayo. Wag na wag mong sasabihin kay Jem, wag mong pangunahan si Deanna."

"Naiintindihan ko, ye. Ingat ka."

Hindi ko na napigilan ang luha na kanina pang gustong pumatak.

Deanna, ito nalang magagawa ko para sayo :( Patawarin mo ako dahil ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan.

Patawarin mo ako, Deanna... hangga't nakikita kita, babawi ako.

ARA's POV

Habang paalis ako ng ospital, dumiretso ako sa Razon.

Hindi ko inaasahang nandun sina Jem, training siguro.

"Ara! Where have you been?"

Bakas ang saya sa mukha niya, kahit papaano nakalimutan na niyang maging malungkot.

Paano pa kaya pag nalaman niyang ganun ang lagay ni Deanna?

"Mall lang. Nagtingin ng shoes." Bakas ang bigat sa loob ko nang sabihin yun sakanya.

Gusto ko si Jem, at gagawin ko ang gusto ni Deanna. Ang pasayahin siya, dahil ayokong mapunta lahat ng ginawa niya para sakanya.

"Jem.. I like you!" masigla kong sabj sakanya.

"Gaga ka!"

"So if you're willing, uhm let me court you. I don't need a yes or no, just wanted you to know."

"O-okay.."

"Forgive me for what I have done 3 months ago. I am very much willing to start all over again."

JEMA's POV

Sa ilang linggo kong kasama si Ara, wala namang nabago sa nararamdaman ko kay Deanna.

"O-okay.." Nag aalangan kong sagot dahil hindi pa naman buo ang nararamdaman ko talaga para sakanya.

Walang makakapantay kay Deanna.

"Forgive me for what I have done 3 months ago. I am very much willing to start all over again."

Pero siguro oras na talaga para kalimutan ang lahat samin. Matagal ng tapos, gusto ko ng makalimot. Ayoko na siyang maalala.

"I'm saying yes, Ara."

Ngumiti siya tsaka ako inalalayang umupo, oras na para sumaya.

Pero kung sasagutin ko man siya, yun ay ang buo ko ng nakalimutan ang nararamdaman ko kay Wong.

Ayokong pumasok sa relasyon nang hindi sigurado.

MIKA's POV

Nagising ako nang manginig si Deanna sa kama.

Damn it! Anong nangyayari!

"NURSE PLEASE! NURSE!!!"

Kebabagal ng nurse, nakakaimbyerna!!!

"WALA NA BANG IDADALI PA!?" aning na aning na ako dito!

Pumasok sila kasama ang doctor! May mga chineck silang kung ano ano!

Nagbago ang life line ni Deanna, hirap na hirap siya at wala na naman akong magawa.

Kagulong kagulo ang mga nurse sa pagkabit ng kung ano ano sakanya.. At eto ako, nakatayo habang pinapanuod siyang halos sumuko sa buhay niya.

Ang hirap, ang sakit...

"She's not responding, Doc..."

TOTGA Where stories live. Discover now