Chap. 28

806 15 1
                                    

Pagkatapos halikan ni Rojz si Maryan na parang tsubibo at nagbitiw ang kanilang mga labi. Biglaan siyang sinampal ni Maryan dahil sa nagulat ito.

"Rojz?" Saka napatitig si Maryan.

Naghubad din ng pangtakip sa mukha na stockings ang dalawa pang kasama ni Rojz na sina Jomar at si Jose.

Biglaan na namang niyakap ni Rojz si Maryan. "Please, don't cry dahil sa hinayupak na 'yan! Nandito lang ako. Ang 'yong rebound boyfriend. Hindi ka nawalan. Siya ang nawalan!" Hanggang sa bumitiw ito at tiningnan si Max.

"Tara, Maryan! 'Wag n'yong pakawalan 'yang hayop na 'yan!" utos ni Rojz sa dalawang kasama na may hawak kay Max habang bugbog-sarado ito at nakatitig sa dalawa.

Hinila ni Rojz ang kamay ni Maryan palayo sa kanila hanggang pumunta sila sa parking lot at sumakay sa kotse.

"Sakay!" utos ulit ni Rojz sa dalaga kaya't sumakay naman si Maryan sa kotse nitong Lamborghini.

"Ano na naman ba'ng naisipan mo at ginawa mo 'yon, Rojz. Kakainis ka, alam mo 'yon?"

"Matagal na kasi akong nanggigigil sa lalaking iyon. Wala siyang kuwenta at napatunayan din natin ngayon kung ano'ng habol niya. Sinayang ka lang niya kaya akin ka na ngayon!" Humarap muli ito sa dalaga at nakipagtitigan. "You're still beautiful even in the midst of the night!" At hinalikan na naman niya ito sa labi.

She allowed him to bite and suck her lips habang ang dila nila ay nagsimula muling mag-espadahan at maglasahan. Biglang huminto si Maryan at bumitiw habang naghahabol ng hininga. "Rojz, this is not the right place and time."

"Bakit? Ayaw mo ng sex in the car?"

"May sasabihin ako sa 'yo," seryosong sinabi ni Maryan.

"Ano 'yon?"

"May sakit ngayon si Dad at kailangan na kailangan ka niya."

Sa sobrang inis ni Rojz ay bigla siyang nagdabog kaya napasuntok siya sa manibela na ikinasanhi ng pagbusina ng kanyang kotse. "Damn it! Ayan na naman ang matandang 'yan. Kailangan ba talaga siyang masingit lagi sa relasyon natin para lang mahalin mo ako? Look! Alam mo na'ng lahat. Bilyonaryo ako. Wala nang silbi ang mana, Maryan! I don't need his wealth!"

Biglang naiyak si Maryan. "May cancer siya sa colon. Stage 3 na at ang tangi niyang hiling bago siya mamatay ay makita ka at mapatawad mo siya."

"No. I can't. Ginawa akong boy ng kapatid niya. Tapos muntikan pa akong ibenta sa bakla noong teenager pa ako, Maryan!" gigil na paliwanag ni Rojz.

"Sige na, Rojz, para lang sa akin."

"Ayoko! Sinasabi mo lang kasi iyan kasi ikaw ang nabigyan niya ng karangyaang buhay. Samantala ako? Wala. Lumaki sa hirap! Kaya hindi mo alam kung ano ang pakiramdam! Wala akong pakialam sa kanya kahit ama ko pa siya! He doesn't deserve to be respected and to be forgiven!"

Sa sobrang inis ni Maryan ay bigla niyang nasapak ang binata habang bumubuhos ang kanyang mga luha. "Rojz, 'wag na 'wag mo 'yang masabi-sabi sa harapan ko dahil napakasuwerte mo pa rin at kilala mo kung sino ang tunay mong mga magulang! Masuwerte ka at buhay pa ang ama mo. Ako? Ni hindi ko alam kung saan ako nanggaling. Saan ako nagmula. Sino ang nagluwal sa akin. Ano ang aking lahi! Masakit pa niyan ay doon ako sa basurahan napulot ng mga magulang mo tapos 'yan ang masasabi mo sa akin na sana mamatay si Dad? I am thankful to have your parents as my parents too. Tapos sasabihin mong masuwerte ako sa kalagayan ko? You must be greatful at hindi ka tinapon sa basurahan o pina-abort ng nanay mo noong pinanganak ka niya. Rojz, I am craving for the real love of my biological parents. Kung ganyan ka makapagsalita sa mga magulang mo, mas mabuting maghiwalay na lang tayo!"

Lumabas si Maryan sa kotse ni Rojz at naglakad papalayo habang humahagulgol sa iyak. Nakonsensya naman si Rojz sa nasabi niya sa dalaga at natulala.

***

Makalipas ang tatlong araw, nagkita-kita muli ang Fancy Girls.

"Congrats, girl, for being a dean lister sa PolSci course!" sabi nina Paola at KC.

"Maryan, may naghahanap sa 'yo. Importante daw," sabi ni Kaye. Pagtalikod ni Maryan ay agad siyang naimbyerna dahil si Max ito.

"Maryan, sorry, hindi ko alam kung ano ang masasabi ko ngayon. Break na kami ni Camille."

"And so?"

"Gusto kitang suyuin ulit kung bibigyan mo pa ako ng isa pang chance. Alam ko na hindi ako mayaman gaya ng mga pinapangarap mong mga lalaki at kaya ko lang sa 'yo ipagmalaki ay ang pagmamahal ko." Biglang may mga goon na humawak sa magkabilaang braso ni Max na ikinagulat niya at marami sila.

Parang men in black ang nagsulputan na goons sa unibersidad kaya pati ang Fancy girls ay na-shock.

"Gasgas na 'yang mga katagang 'yan, Max. Practical na ang mga tao ngayon, taghirap na." Biglang sumulpot ang boses ng isang lalaki. At nang magpakita ito, walang iba kundi si Rojz. Basang-basa ang buhok na tumutulo pa sa matipuno at maskuladong katawan nito. At ang tanging takip lang sa kanyang katawan ay ang tapis ng tuwalya na tangi ring nagtatakip sa kanyang pagkalalaki. May kagat-kagat din itong rosas.

Biglang nagtilian ang mga bakla at nagkagulo. Nagsitinginan ang lahat ng babae sa campus.

"Liit mo, bro. Laki mong KJ," nakangising sabi ni Rojz kay Max.

"Anong KJ? Kill Joy? Ikaw nga 'tong kill joy sa atin eh!" galit na sambit ni Max.

"Hindi kill joy, bobo! KJ as in Kulang sa Jakol! Pandak mo kasi!" sabi ng malalim na boses ni Rojz at lumapit ito kay Maryan.

"Pwede ba, Rojz, 'wag mong dalhin dito ang pagka-exhibitionist mong hayop ka. Nakakahiya. Naghubad ka pa! Hindi men's shower room ang campus ko! 'Nyeta, ano ba'ng problema mo?" bulong na pagkainis ni Maryan.

"Of course, para suyuin ka. Talagang mag-e-exhibition ako rito alang-alang sa 'yo!" Ibinigay ni Rojz ang kagat-kagat niyang pulang rosas kay Maryan at biglang tinanggal niya ang tapis ng tuwalya na nakatakip sa kanyang katawan. Biglang napapikit ang lahat ng nanonood habang yung mga hokage na babae at bakla ay naglaway dahil akala nila ay ipapakita na ni Rojz ang kanyang kahabaan.

Ngunit nang pag-alis ng kanyang tapis ay may kartolinang nagtatakip sa kanyang kahabaan o pagkalalaki, nakasulat doon ang 'Sorry, diyosa ko. Maryan, pupuntahan ko na ang aking ama. Para sa 'yo. Just love me harder!'

Sa sobrang pagka-entertain ng mga nanonood ay napalakpakan sila at nagsitawanan habang kinakantiyawan ang dalawa. "Tara na?" nakangiting sabi ni Rojz at biglang narinig nila ang isang helicopter.

"Nandyan na ang chopper ko na maghahatid sa atin kay amang Alfonso! Nagbago na ang isip kong puntahan siya dahil sa 'yo," nakangiting sinabi ni Rojz at hinawakan si Maryan saka isinakay sa chopper niya.

***

Habang nasa helicopter sila ay inabot ng pilot at mga bodyguard ni Rojz ang kanyang trouser at suit, pati mga alahas at aviator glass kaya't nakatingin lang sa kanya si Maryan.

"Grabe! Ang galing mo at napaniwala mo akong skwater boy ka. Bakit di ka na lang nag-artista?"

"Gusto kasi kitang maangkin. Gano'n ako sa 'yo kabaliw."

"Yung tattoo mo pala sa likod, sino ba talaga si Maryan sa buhay mo o sa nakaraan mo?" gigil na gustong malaman ni Maryan.

"Siya yung tanging babae na minahal ko at first love ko kaya ako naging bilyonaryo."

Agad nahaluan ng selos si Maryan kaya hindi na lang umimik hanggang sa makita na niya sa malayuan ang hospital.

"Ayun na pala at nasa destinasyon na pala tayo, Rojz. Bagong hospital 'yan ng presidente ng Pilipinas. May chopper parking din 'yan!"

"Okay, doon tayo bababa," utos ni Rojz sa piloto ng kanyang helicopter.

Medyo kinakabahan siya pero napagdesisyunan na talaga niyang harapin ang ama. This is what Maryans wants him to do. Naliwanagan din siya sa sinabi ng kanyang mahal na dalaga. Hindi habambuhay ay may kinikimkim kang galit sa puso mo. Matuto kang magpatawad at bitiwan ang nakaraan dahil Diyos nga, nagpapatawad, tao pa kaya?

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon