Pagkatapos naming dumating sa bahay ay ibinaba na niya ako mula sa pagkakabuhat.
"Ano'ng napala mo? Tigas kasi ng ulo mo. Sa panahon ngayon, yung mga gaya mo, hindi basta-basta pwedeng maglibot sa lugar na 'to mag-isa. Sige na, ipagluto mo na ako."
"Ayan ka na naman, eh! Di ba, sabi ko sa 'yo, hindi ako marunong magluto?" Nilayasan ko siya.
Sinisilip ko siya habang nanonood siya ng Eat Bulaga. Nagtago ako sa may gilid at tinawagan si Max.
"Hello, babe? Napatawag ka?"
"Dalhan mo ako ng McDo Happy Meal naman o! Tumutunog na ang tyan ko. Gutom na ako, babe, please!"
"Saan ka?" Sinend ko ang location ko kay Max sa Whatsapp.
Habang naghihintay ako sa tawag ni Max ay may nakita akong puno ng bayabas kaya lumabas muna ako. Hindi ko na tiningnan pa kung ano'ng ginagawa ni Ogre. Basta, kusa lang akong lumabas.
Pagkarating ko sa harap ng punong bayabas ay syempre, ginamit ko ang utak ko, di tulad ng mga tangang tao sa mundong ito. Sinungkit ko noong una ang mga bayabas kaso ayaw tamaan kaya sinubukan kong akyatin dahil gutom na gutom na talaga ako at kinain ito.
Makalipas ang ilang minuto o oras . . .
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo diyan? Bumaba ka diyan! Nagiging unggoy ka na ngayon kung umakyat ng puno!" Nagulat na lang ako nang marinig ko boses ni Rojz sa ibaba kaya bumaba ako.
"Ano sa tingin mo'ng ginagawa ko?"
"Talagang hilig mo ng prutas at gulay, 'no?"
"Oo, healthy kasi siya at ayaw kong ipahamak ang sarili ko sa mga unhealthy food."
"Ano pala ito?" Inangat ng kamay niya ang hawak niyang Happy Meal McDo na ikinagulat ko kaya't inagaw ko iyon sa kanya.
"Ano 'to?" pagsisinungaling ko.
"Maryan naman. 'Wag mo na akong paikutin pa. Tara at kailangan mo na talagang magluto ng itlog dahil hindi na talaga magbabago ang isip ko 'pag ako ang napuno sa 'yo. Hindi na kita susulputin pa at magtatago ako para di mo na ako mahanap habambuhay! Binabantaan na talaga kita!" Dinuro pa ako ng ogre na 'to. Seryoso siya as in, kaya kailangan ko na talagang sumunod sa mga patakaran niya.
Noong una, yung noodles. Tinuruan niya ako. Medyo madali dahil ibo-boil lang yung tubig at buksan ang plastic na paminta at madami pang cheche-bureche.
Ngunit noong sa itlog na, parang mahirap dahil tumatalsik pa ang mga mantika nito.
"Masakit 'yan, Rojz. Please naman, kawawa skin ko!" pagmamakaawa ko.
"Hindi pwede! Kailangan mong matuto!" Iniwan niya ako pagkatapos niyang maipakita sa akin kung paano.
Makatapos ang ilang minuto habang nakaupo siya, inilagay ko na sa mesa ang itlog na niluto ko.
"Ano 'yan? Ipapakain mo sa akin 'yang tutong na itlog na 'yan?"
"Sorry na, Rojz, palpak eh! At saka, pati pagbukas ng itlog ay nahihirapan ako."
"Paano ka di mahihirapan eh ang hahaba ng kuko mo! Sabi ko na sa 'yo noon pa na mag-nail cutter ka. Sige, ikaw na ang kumain ng tutong na itlog na 'yan! Bibili na lang ako sa labas!"
Naiyak ako sa sinabi niya at nagdadabog pa siya. Kinain ko na lang ang tutong na itlog habang luhaan ako kasi pinaghirapan ko naman 'yon, eh. Di ko ma-carry na umulam ng itlog kasi ang kadalasan kong kinakain ay lobster at iba't ibang klase ng seafood.
Pagkatapos ko kumain ay nagpahinga na ako't umupo sa tv. Biglang pinatay na naman ito ni Rojz.
"May gagawin ka pa Maryan. Maglalaba ka!"
BINABASA MO ANG
Gold Digger
Romance{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and Famous. Sosyal, habulin ng lalake. Matalino at higit sa lahat ang socialite fuckgirl ang magbabago ang buhay pagkatapos niyang malaman na am...