Chap. 16

794 23 2
                                    

Pagkapasok ni Maryan sa loob ng kuwarto ng amain niya ay dahan-dahan niyang isinara ang pinto saka nagsalita ang ama.

"Umiiyak ka?"

"Opo, duh-daaa . . . Never mind."

"Dapat lang," anang ama na ikinagulat ni Maryan saka siya lumapit dito.

"Patawarin n'yo ako, Governor."

"Pasalamat ka at di kita ipinakulong dahil sa pagtatangkang pekein ang mga papeles."

Agad naluha ang dalaga sa sinabi ni Don Alfonso.

"May sasabihin ako sa 'yo na dapat mong malaman."

"Ano ho iyon?"

"Nanganganib na ang buhay ko ngayon. May gustong pumatay sa akin."

Nagtaka ang dalaga. "Bakit po nanganganib? Kilala n'yo ba kung sino ang nagtatangka sa buhay n'yo?"

"Actually, may kakambal ako na di mo alam. Siya si Bernard. Identical twin ko." Napaismid ang dalaga pagkarinig niya roon. Unang tumatak sa isip niya sina Henry at Denis.

"Maryan, namatay siya dahil may pumatay sa kaniya ngunit naabutan ko pa siyang nag-aagaw-buhay sa hospital. Siya rin yung nakunan sa America na nag-ca-casino. Talagang may gustong sumabotahe sa akin," anang matanda.

"Hindi po ako 'yon. Baka ako pa ang pagbintangan n'yo, ha!"

"Bakit? Sinabi ko bang ikaw?"

Natikom muli ang bibig ni Maryan na tila masama ang loob dahil dire-diretsong magsalita ang kanyang ama-amahan.

"I want you to find my one and only son na nawawala. Siya si Laruzzo Lioness. Siya ang tanging pwedeng magmana ng aking kayamanan at lahat."

Natigil si Maryan hanggang sa ikinuwento ni Alfonso ang nakaraan.

***

"Alfonso, hindi ko matatanggap ang anak mong 'yan sa isang prosti! Hindi ko akalaing mabubuntis mo ang kababata mong prosti. Ang masama pa nito ay kasal tayo no'ng mga oras na iyon!" sigaw ni Arianna, ang asawa ni Alfonso.

"Mahal, wala na tayong magagawa. At saka, patay na si Celestine. Sino'ng mag-aalaga sa bata? Dugo ko pa rin iyan?"

"I am sorry, Alfonso, pero mamili ka? Yung anak mo kay Celestine na si Laruzzo o ako?" Saka siya iniwan ng umiiyak niyang asawa.

Walang ibang magawa si Alfonso dahil hindi rin niya kayang pakawalan ang asawa. Si Laruzzo na anak niya, na sa oras na iyon ay limang taon gulang pa lang at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay dinala na lang ni Alfonso sa kapatid niyang si Bernard.

"Bernard, sa 'yo muna ang anak kong si Laruzzo."

"Ano namang gagastusin ko diyan, Alfonso? Isa lang akong hamak na bugaw ng mga babae sa Olongapo!" sigaw ni Bernard.

"Babayaran kita ng isang milyon, basta lang kupkupin mo siya na parang tunay mong anak. Ito ang mga litrato na magkasama kami ng ina niya. Ipakita mo sa kanya paglaki niya bilang patunay na ikaw talaga ang totoo niyang ama kunwari."

Ngumisi naman ang kakambal nito noong marinig nito ang isang milyon.

"Sige, tol! Ako'ng bahala sa anak mo. Aalagaan ko 'yan na parang totoo kong anak."

Simula noon ay lumipad na papuntang America sina Arianna at Alfonso. Ngunit sa kamalasang sumapit sa kanilang mag-asawa ay tinubuan ng malaking cyst ang obaryo ni Arianna kaya ito naoperahan. Naalisan na rin ito ng obaryo kaya imposible na silang mag-conceive ng anak.

Nagsisisi na rin si Arianna kaya't sinabihan na niya si Alfonso na kunin na lang ang anak niyang si Laruzzo para iyon ang kukupkupin nila bilang anak. Ngunit huli na ang lahat dahil hindi na rin ma-contact ni Alfonso ang kakambal niyang kapatid. Kahit mga trace man lang nito sa Pilipinas ay wala.

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon