Chap. 23

789 16 1
                                    

Umuwi si Maryan sa mansion na sawi dahil hindi nila nahuli at nahanap si Rojz at tuluyan na itong nakatakas.

Pagkapasok niya pa lang sa mansyon ay sinalubong siya ni Yaya Kuracha.

"Senyora, kailangan na kailangan ka raw makausap ni Governor Alfonso sa opisina niya."

"Ha? Ngayon na ngayon na? Wala man lang ako pahinga galing Japan!" nanggigigil sa inis na sinabi ni Maryan.

"Opo, ngayon na ngayon na raw."

Agad pumunta si Maryan at kumatok ito sa opisina ng amain bago pumasok.

Habang nakaupo sa swivel chair ang ama ay umikot ito paharap sa dalaga habang umiinom sa isang maliit na baso ng alak.

"Maryan, hija, may naaalala ka ba?"

Napatungo si Maryan at nagsalita nang mahina. "Opo, eight months na."

"Correct, it's been eight months and I am still not getting any information about my son, Laruzzo."

Biglang inabot ni Maryan ang mga litratong nakunan ng spy na magkasama silang dalawa ni Rojz.

"I find him in Hilton hotel in Japan. Pero pag-uwi namin dito sa Pilipinas, nakatakas siya."

Agad nanlaki ang mga mata ng matanda sa galak. "Buhay talaga ang anak ko? Diyos ko. Ano'ng sabi niya tungkol sa akin Maryan?"

"Sabi niya, ayaw niya kayong makita pa."

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Governor Alfonso. "Well, bibigyan pa kita ng dalawang pang buwan bilang palugit. I'll give you two more months to bring my son home!" ngising sabi ng matanda.

"Sorry po, Dad, pero ayoko na po. May pera naman po ako kaya hindi ko na siguro kailangan ng mana mo." Pagtalikod ni Maryan pagkatapos tanggihan ang ama ay naluluha na naman siya.

"Maryan!" Tawag ng amain kaya nahinto si Maryan. "Kung hindi mo siya madala sa akin within two months, binabago ko na ang isipan ko sa hindi pagdedemanda sa 'yo. Dahil idedemanda talaga kita. I will acuse you on attempting to fake the documents of my properties para mapunta sa iyo ang mana. I have the evidences, Maryan! Just be nice and do what I want. Di mo pa ako kilala," sigaw ng Don.

Biglang napatalikod at napaharap sa kanya si Maryan. "Ganito na lang ba tayo, Dad? Hindi ba pwedeng ibalik sa dati ang samahan natin na parang normal na mag-ama lang. Kahit wala si Mom? Ipagpapalit mo ako sa anak mo na hindi ka kayang tanggapin at iniluluwa ka na sa buhay niya bilang ama? Dad naman. Nandito pa ako. itinuring ko na rin kayong parang tunay na ama, inalagaan at minamahal! Am I not enough, Dad?" iyak ni Maryan.

"I'm sorry but my decision is final. 'Pag di mo nadala dito si Rojz na anak ko, I will never treat you as my daughter like before. Wala akong pakialam kahit mabulok ka sa bilangguan. Sabihin mo nang matigas ang puso ko. Ganyan talaga ako dahil hindi kita kadugo, Maryan, at nakakalimutan mong ikaw ang unang trumaydor sa akin. You failed for my test!" Ininom ng Don ang kanyang alak.

Lumayas na si Maryan sa kuwarto ni Don Alfonso nang padabog. "Now I know, lumabas na rin ang totoo mong kulay, Don Alfonso Lioness. No wonder na ayaw sa 'yo ng anak mo dahil ganyan ka kasama!" galit na sinabi ni Maryan habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha habang naglalakad palayo.

***

Kinaumagahan, pagkatapos muling magkita-kita ng Fancy Girls.

Nagulat silang namamaga ang mga mata ni Maryan nang alisin ang salamin niyang Coach.

"Mudeeer! Anyare?" sigaw ni Ritchie.

"Akala pa naman namin masaya ka dahil sa bagong boylet mo."

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon