Biglang bumaba itong isang malaking chopper sa malaking mansyong pagmamay-ari ni Governor Alfonso at iniluwa naman nito si Maryan na naka-aviator shades at naka-lip gloss na pink.
"Baby, pakiabot!" utos nito sa bodyguard niyang sinlaki ng bakulaw at ibinigay ang susi ng helicopter niya. Siya na ang nagpipiloto ng helicopter dahil marunong naman siyang gumamit nito.
Naglakad siya papunta sa ibaba ng mansyon. Napakalaki nito, parang kalahati ng SM Mall of Asia, kaya kinakailangan pa ni Maryan ng megaphone para tawagin ang lahat ng yaya niya. Mahigit 69 ang kanilang yaya ngunit may favorite dito si Maryan.
"Yaya 21, akin na nga ang megaphone!"
"Opo, senyora!" Ibinigay agad kay Maryan ang hinihiling nito.
Sumigaw si Maryan sa buong mansion gamit megaphone niya at nag-echo pa ito. "Yaya Kurachaa cha chaa chaaa! Yuuhooo hoo hoo hoo!"
Ang kaso, wala pa ring dumarating kaya umupo saglit si Maryan saka nag-Smule at kumanta ng Akin Ka Na Lang ni Morisette.
Sintunado ang boses niya at nakapagpa-ingay sa buong mansyon, with echo pa kaya nagtakip ng tainga ang lahat ng maid sa loob. Hanggang sa dumating na si Yaya Kuracha—ang mayordoma ng mga maid nila. Tila hingal na hingal ito dahil sa katatakbo at may kasamang limang yaya.
"Yaya Kuracha! Maganda ang boses ko, di ba?!"
Hindi sumagot ang mga kasama ni Yaya Kuracha at yung isa ay tumatawa pa nang patago kaya biglang sumigaw si Maryan.
"Oo naman, Maryan. Ang ganda-ganda ng boses ninyo! Pang-world class!" ani Kuracha na siya lang ang sumagot sa lima.
Agad tumalas ang mata ni Maryan at huminga nang malalim. Natahimik siya saka sumigaw.
"You! You! You! And you! All of you! Tanggal na kayo sa trabaho ngayon din!"
"Madame! Please, 'wag po! Paano po ang pamilya naming umaasa sa amin!" Nagmakaawa ang mga katulong ngunit matigas ang puso ni Maryan.
"Layas! Lumayas na kayong apat ngayon din! Get out of my mansion! Get out! Mag-empake na kayo!" Nilapitan niya agad si Kuracha.
"Bakit ang tagal mong dumating?" At pinandilatan niya ang matandang kasambahay.
"Kasi po ang haba ng tinakbo namin. From kusina hanggang dito sa pangalawang palapag."
"Bakit? May elevator naman, ah! Sige, pahinga ka muna dahil daig mo pa ang aso kung ilabas ang dila. So disgusting. Eww!"
"Sira po ang elevator natin, senyora," hiningal na sinabi ni Yaya Kuracha habang tagaktak ang pawis nito.
"Problema ba 'yon? Eh di, umimbento kayo ng jetpack gaya ng sa San Andreas GTA! 'Sus ko po!"
"Mukhang imposible naman 'yon, senyora. Hindi naman po kami inventor o kaya ay scientist." Hirit niyong isa pang maid na kakarating lang hawak-hawak ang cell phone.
Humarap bigla si Maryan doon. "Sinasagot mo ba ako?" Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Di ba, sabi ko sa inyo, lahat ng gusto ko ay gagawin n'yo? So, ano ang gagawin n'yo ngayon? Eh di, umimbento kayo ng jetpack! Ngayon na ngayon din! Within 24 hours! I fucking need it!"
Natatakot na ang mga ibang maid na naroon at sumisilip sa pangyayari.
"Senyora! Tawag po galing sa babaeng sinasabing kalaguyo daw ng tatay ninyong si Don Alfonso!" Natatakot na ibinigay ng isa pang yaya ang isang wireless na gawa sa pilak na telepono.
"Hello! Putang ina ka! Kung sino ka man didikit-dikit sa dad ko, higad ka! 'Wag mo nang balakin pa dahil dadaan ka muna sa akin!" sigaw ni Maryan nang biglang may narinig siyang nagtawanan.
"Uy! Chill, Maryan. Si Paola ito. Punta ka rito sa Starbucks. Meeting tayong mga Fancy."
"Okay. I hate the joke. Mainit pa naman ulo ko. 'Tsaka 'wag sa Starbucks. Coffee Bean na lang. 'Lam n'yo nang tambayan 'yan ng mga social climber, di ba? I hate that! Gosh."
***
Nagkita-kita ang Fancy Girls sa Coffee Bean.
"Oh! Eto na pala si Maryan!" ani Ritchie at nakipagbeso-beso sila rito.
"So, ano'ng meron, mga meow meow?" ani Maryan.
"We have a dare kay Kaye na mag-held ng isang bobonggahing home party, arf arf!" pagngisi ni Ritchie.
"Without her sibling's consent? Quack quack!" patuloy ni Paola.
"Just for fun lang naman, meee meee mee!" pagsingit ni KC.
Napakanta sina Ritchie at Maryan ng "Old MacDonald had a farm, E-I-E-I-O." Sumabay sa pagkanta nila sina Paola at KC hanggang sa magtinginan na sa kanila ang mga nasa café.
"Tangina n'yo. Kulang na naman kayo sa pansin at gamot pampakalma!" tahimik na pagsingit ni Kaye habang busy at tutok na tutok sa cell phone mag-type.
"Tangina mo rin, Kaye! Why so rude? Nagkakatuwaan kami rito, masyado kang kill joy! Why so serious ganda?" nagtitimping pasaring ni Ritchie.
Agad inagaw ni Maryan ang cell phone. Binasa niya nang malakasan ang nilalaman at walang iba kundi mga murang ipapadala sana nito kay Ethan.
"Ano ba, Maryan! Akin na 'yan!" galit na sinabi ni Kaye at inaagaw, ngunit matigas pa rin si Maryan at tawang-tawa na binasa para asarin ang kaibigan.
"Ikaw, Ethan, mamatay ka sana. Kanina pa ako text nang text pero may ka-sex ka yata. Sino man ang kalaguyo mo, pupugutan ko ng ulo gamit ang abrelata. Tapos ang bilat niya ay . . ." Di natuloy basahin ni Maryan ang nilalaman ng draft ni Kaye pagkatapos siyang dapuan ng suntok ni Kaye sa tiyan kaya't napaluhod siya.
Natigil ang tatlo na tumawa.
"Kayo! Pakialaman n'yo lahat, 'wag lang yung relasyon namin ni Ethan!" galit na sinabi ni Kaye.
"Okay, sorry, I'm out. Maryan, besty, okay ka lang? 'Kaw na ang mag-imbita at maglista ng pupunta sa home party ko, ha! Ang kulit mo kasi! Kainis ka. Sige na at maiwan ko na kayo. Don't worry! I accept the home party challenge dahil may violin session ang Ate Kiki ko!" At nag-walkout sa kanila si Kaye.
"Maryan, okay lang you?" tanong pa paglapit ni na Ritchie, KC, at Paola at hinimas ito.
Pagbangon ng ulo ni Maryan ay halos kumalat ang maskara niya dahil sa kakaiyak.
"Anong okay sa ginawa niya, eh halos sumakit na yung tiyan ko at pumutok ang bituka ko sa loob! Nagdi-dysmenorrhea pa naman ako ngayon. Hayop na Kaye na 'yan. Baliw talaga sa lalaki! Humanda siya!" Napaisip si Maryan. 'Hindi ko papalagpasin 'to, Kaye!'
BINABASA MO ANG
Gold Digger
Romans{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and Famous. Sosyal, habulin ng lalake. Matalino at higit sa lahat ang socialite fuckgirl ang magbabago ang buhay pagkatapos niyang malaman na am...