Chap. 27

792 14 1
                                    

Nakatulog si Maryan na nakasandal sa baywang ni Rojz.

Pinagmasdan ni Rojz ang mukha nito at binulungan sa tainga. "I love you so much, Maryan." At hinalikan niya ito sa noo saka inihiga ang dalaga sa kama nang mabuti at tinabihang matulog.

Kinaumagahan, naunang umalis si Rojz dahil may bibilhin siyang regalo para sa belated birthday ni Maryan. Dumaan siya sa pet store at natipuhan ang napakagandang Persian cat na flat-faced na kakulay ni Garfield.

"Sana magustuhan mo 'to, mahal ko," nakangiting sabi ni Rojz sa sarili.

Ngunit nang hapon pagkauwi niya, di niya akalaing sasalubong pala sa kanya ang malakas na sampal ni Maryan na ikinagulat niya kaya naibaba niya ang bahay ng pusa.

"Liar!"

"Bakit? Ano'ng ginawa ko, Maryan?" Nakahawak sa pisngi si Rojz.

"'Wag kang magmaang-maangan pa. Sinabi sa akin ni Ritchie na isa kang mayaman. Lahat ng ito ay pulos palabas. Pagmamay-ari mo ang isang Men's perfume company. Daks ka raw at muntikan mo siyang bugbugin dahil sa isang expo sa Paris kaya ka niya nakilala. At habang nasa male cubicle kayo ng panglalaki ay sinilipan ka niya ng ari na ikinapikon mo!"

Pinakita ni Maryan ang lahat ng litrato na nakunan sa may expo sa Paris. "Tinanong ko rin si Aling Cecelia pati si Jose at napaamin ko sila. Lalo na ang mga kapitbahay! Grabe ka! Kaya pala ayaw mo ng mana dahil marami ka nang pera. Mas mayaman ka pa sa ama mo! Pinagti-trip-an mo lang pala ako kaya mo ako pinapunta rito. WELL, GUESS WHAT! THE SHOW IS OVER, YOU CLOSET PERVERT ASSHOLE!" Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ni Maryan habang sumisigaw at pinagtutulakan ang binata.

"Look, Maryan, sorry di ko sinasadya. It's not what you think." Hindi na pinakinggan pa ni Maryan ang binata at itinulak niya ito sa huling beses nang malakas at lumayas na siya sa pinto palabas para iwan ito.

***

Pagkatapos mabuksan ang malaking main door ng mansyon ni Alfonso ay iniluwa si Maryan na nagdadabog at umiiyak pa rin. Halos kainin ng tunaw na mascara ang buong mukha nito.

"Where is Dad?" sigaw nito pagkatapos lapitan si Yaya Kuracha.

Ngunit nagulat siyang may ilaw na ang buong mansyon at balik ulit sa bilang ang mga katulong dahil marami na sila.

"Senyora, si Don Alfonso. Ibinigay na kay Don Lighi Totnak ang pagiging governor dahil ano . . ."

"Ano 'yon! Sabihin mo sa akin at bakit dumami na bigla ang mga yaya at balik sa dati ang mansyon na may ilaw na at malinis!?"

"Senyora, mas mabuti pang samahan ko na lang kayo sa hospital para madalaw mo doon ang amain mo."

Mas lalo itong naiyak nang marinig niya iyon sa bibig ng yaya nito. Tila sinalo niya ang kalungkutang nadarama. Nawala lang siya nang isang buwan ay tila masyado nang marami ang mga nangyari sa loob ng mansyon.

Hindi alam ni Maryan kung maghihiganti pa rin siya sa ama niya at dadalaw o hindi na. Pero hindi rin niya ito matiis dahil ito ang nagpalaki, nagbigay sa kanya ng tamang aruga, at pagmamahal sa kanyang pagkabata.

Minarapat na lang niyang dalawin ang amang nasa Stage 3 na pala ang colon cancer. Sinamahan siya ni Yaya Kuracha.

***

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay pumasok siya nang dahan-dahan. Naiiyak na rin si Yaya Kuracha sa muling pagkikita ng dalawa.

Tila binagsakan ng mabigat na bagay ang dibdib ng dalaga nang makita na niya ang amain niyang namayat na at mahina na nang kumilos habang may nakalagay nang tube sa ilong.

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon