Chap. 20

886 17 4
                                    

"Tingnan mo'ng ginawa mo!" naasar na iyak ni Maryan.

"Ano'ng ginawa ko?" kunwaring sagot ni Rojz.

"Tigil-tigilan mo ako, ogre ka! Alam kong sinasadya mo 'yon. Ano pala'ng napala mo?" Inikot ni Maryan ang ulo niya at seryoso ang mukha.

Hindi makapagsalita si Rojz na guilty.

Bumangon na lang si Maryan saka pumunta sa kanyang bag at kinuha ang isang pocket Mac laptop at inilagay ito sa gilid ng kama. Dumapa siya sa kama pagkatapos at ginamit ito.

"May dadamitin ka ba?" tanong ng binata.

"Ano sa palagay mo?"

"Aalis ako." Iniwan din siya nito.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ay tumayo si Maryan at lumapit sa may pinto para pakinggan kung wala na ang mga yapak.

Ngunit nang tinangka niyang buksan ang pinto ay parang sinampal siya ng galit dahil nakasara ito.

"Bullshit! Ogreee ka talaga! Hayop ka! Kidnapping 'tong ginagawa mo sa akin, Rojz dahil, kinukulong mo ako!" Nagdadabog siyang pumunta sa terrace para magyosi ng Dunhill flavor dahil pikon na pikon siya.

Makalipas ang mahabang minuto ay may nagbukas na ng pinto ng motel room at ito'y si Rojz.

"Maryan! Maryan!" tawag ng binata at nang makaisang hakbang siya ay sinugod siya ni Maryan nang malakas na sampal kasabay ng sunod-sunod na palo sa dibdib.

"Hayop ka, ogre! Bakit mo 'ko kinulong dito sa loob? May balak kang masama sa akin, 'no?" sigaw nito habang di pa rin nito tinitigilang paluin ang binata.

Ilag naman nang ilag si Rojz sa mga sampal at palo sa kanya ni Maryan hanggang sa di siya nakapagpigil at hinawakan niya ang magkabilang kamay nito bago lumapit sa may pinto saka binuksan ito nang buo. "Ayan! Lumabas ka na kung gusto mong lumabas! Kasalanan ko ba kung di ko alam na nag-automatic mag-lock ito 'pag wala ang keycard? Sige, paluin mo pa ako tapos tumakas ka na! Bukas ang pinto para sa 'yo." Malakas hanggang sa pahinahon na sinabi ni Rojz sa dalaga habang nakahawak pa rin sa kamay ng dalaga na sinasampal sa dibdib nitong matigas at sa mukha.

Dumistansya siya sa dalaga saka tinanggal ang sapatos at vest bago humiga sa sofa.

Na-guilty naman si Maryan at nagtanong.

"Ano 'yang mga dala mo?"

"Tingnan mo para malaman mo. 'Yan ang dahilan kung bakit ako lumabas," anang binata habang pumipito, at nakasandal at nakataas ang kamay.

Nang tiningnan ni Maryan ang loob nito, mga instant ramen, iba't ibang klase ng Japanese food, at mga damit ng pambabae. Ngunit nagulat siya nang may kasama pa itong isang red night gown.

"Akin ba 'to lahat?" tanong ni Maryan.

"Ay hindi! Para 'yan sa girlfriend ko!"

"Seryoso? May girlfriend ka?"

"Marunong kang umitindi ng sarcasm, Maryan?" inis na sinabi ni Rojz.

Tumango na lang si Maryan at nagtimpi rin.

Gumabi na. Nasa balcony si Maryan at pinagmamasdan ang bawat hampas ng mga alon dahil ang motel na kinaroroonan nila ay sa tabi ng dalampasigan.

Bigla niyang naalala si Max kaya't naluha siya. Hindi kasi niya inaakala na kung kailan kailangan na kailangan niya ang kasintahan ay iyon pa yung parang binabalewala siya.

Parang sinasalo na naman niya ang kamalasan na pati ang pagiging ulila niya sa totoo niyang magulang ay iniisip niya. Paano kasi, ayaw ni Rojz na magpakita sa ama nito kaya kay Kuracha na mapupunta ang mana. Pati yung paano siya umoo sa engagement ring ng unanong bumbay.

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon