Chap. 6

962 14 1
                                    

Agad dumating si Maryan kasama ang ama nitong si Governor Alfonso sa burol at kulay itim lang ang suot nila.

"Itayy! Bakit mo kami iniwan? Bakiiiit?!" hagulgol ni Powkey na nagwawala habang nasa harapan siya ng kabaong ng ama.

Habang pinanonood ito ni Maryan na kunwari ay nakikiiyak din ay bigla siyang nagulat nang magsalita si Henry na katabi niya.

"Nandyan ka pala, babe. Ang ganda mo pa rin kahit nakaitim ka," nakangising sinabi nito. Ngunit pagkatingin ni Maryan sa kaliwa ay si Denis na naman ang naroon. "Kaya nga! Umiiyak ka ba? Medyo mo kahawig si Kristine Hermosa 'pag umiiyak ka. Ayieee!"

Nasa gitna na naman siya ng kambal kaya't nagtitimpi na naman siya sa inis dahil naalala muli niya ang nangyari sa plane.

"Akala ko, nahuli na kayo ng mga bodyguard sa plane?" tanong ni Maryan.

"Hindi, babe, kasi pinagbigyan kami ng bodyguard mong kahawig at sinlaki din ni Dwayne Johnson," sagot ni Denis.

Agad namang tumingin si Maryan sa likod niya dahil nandoon si Baby na tinutukoy nila kaya't nagtaas siya ng middle finger at pinandilatan ito.

Napansin naman ito ni Henry. "Babe, 'wag mo siyang pagalitan. Dapat nga matuwa ka dahil buhay kami. Anyway, salamat pala at dumalo ka rito sa burol ng aming ama."

"Nope, I came here because of my dad."

Sa kabilang banda . . .

Kausap ni Governor Alfonso ang asawa ng vice governor at napatanong. "Sino ang pumatay sa kanya at sino ang papalit?"

Biglang nabuksan ang pinto . . .

Dumating itong isang grupo ng mga nakaitim na vest. Malalaki ang katawan nito at mga maskulado pa. Iniluwa nila sa pinakahuli ng kanilang daan ang isang lalaking naka-gel ang buhok, may malalaking singsing na pilak, plantsado ang damit mula ulo hanggang paa, kumikintab na sapatos, may silver na ngipin, at nakasalamin ng itim na mukhang mamahalin. Iyon nga lang, may height siyang katulad ng kay Dagul. Sa madaling salita ay midget o unano na may lahing bumbay dahil sa komplikasyon ng kanyang balat.

Naglakad siya papunta sa burol ng vice governor kaya't nakuha niya ang atensyon ng mga dumalo maliban lang sa dalawa dahil busy mag-usap.

"Governor Alfonso," tawag niya.

Biglang tumalikod ang governor at hinahanap ang boses habang katabi ang asawa ng namatay na tila nagtataka din kung saan nanggaling ang boses.

"Governor Alfonso, nandito ako!" sabi ulit ng unano.

"Naririnig mo ba 'yon, madame first lady vice?" tanong ng Governor.

"Oo nga, eh! Kaso parang wala naman siya rito?" pagtataka din ng ginang dahil sa hindi mahagilap ng kanilang mata ang pagkabansot ng unano sa harapan nila.

Napahalakhak tuloy si Denis kaya't pinandilatan siya nina Maryan at Henry. Siniko agad siya ni Maryan at binulungan. "'Wag kang maingay. 'Wag mo ring sasabihin kung saan yung unano, para may thrill!" ngising sinabi ng dalaga.

Nagtataka pa rin ang dalawa kaya't agad nainis ang unano. Niyakap niya ang binti ng governor at kinagat nito kaya't nagulat si Governor Alfonso at napatalon sa takot. Nasipa tuloy ang unano at lumipad ito sa ere at naihagis pagulong-gulong sa red carpet.

***

Makalipas ang oras. May bukol na ang unanong ito at nagpakilala habang nilalagyan ng ice ang ulo nito ng mga bodyguard nito.

"Pasensya ka na. Hindi kasi kita nakita agad dahil sa maliit kang tao," awa ng governor.

"It's fine. Ako pala ang matalik na kaibigan ni vice governor at ako ang magiging kapalit niya bilang vice governor din. Nakapag-usap na kami at may contract din siyang nilagdaan patunay na ako ang papalit sa position niya. Ako si Don Lighi Totnak. Ito ang contract namin," pagpapakilala nito at inabot ang isang folder.

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon