Chap. 13

805 16 2
                                    

Maryan PoV

Pagkarating ko sa bahay ay nagulat ako nang wala na roon sa puwesto ng tabi ng gate ang taong grasang lagi kong napagti-trip-an.

Pagkapasok ko sa mansyon, nagulat akong sa harapan pa ng pinto may ginagawang kababalaghan si Yaya kuracha at ang bodyguard kong si Baby. Unang view ko pa lang ay naglalakihang puwet ni Baby na tinubuan ng parang mapang peklat at lawlaw na suso ni Yaya kuracha na parang twin tower na bagsak na bagsak pagkatapos tamaan ng eroplano.

Nang buksan ko ang aking pintuan sa loob ng kuwarto ay isa pa 'tong mga alaga kong unggoy na nagme-mate. Akala ko pa naman, bakla itong si RonJeremy, tsk.

Punyeta! Lahat na lang ng makita ko ay nagtatalik! Buti na lang at na-disturb ang utak ko para puntahan si Dad sa office room niya at kausapin.

***

Pagkapasok ko roon sa office ay naroon si Dad na nagbabasa suot-suot ang may grado niyang salamin.

Agad akong lumapit sa coffee machine at pinaandar ito saka siya nilapitan at niyakap.

"Glad your back, Dad. I miss you!" Pagkabitiw ko ay tila iba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Saan ka kumuha ng pera pampiyansa sa akin!"

"It doesn't matter, Dad. Ang mahalaga ay lumaya ka na!"

"Answer my question, hija!"

Hindi ako nagsalita. Ayokong sabihin ang totoo at inabot ko ang kape na tinimpla galing sa espresso machine.

"Don't get me angry, Maryan! Answer my question! Saan ka kumuha ng gano'n kalaking halaga ng pera!" Nagulat na lang ako sa pasigaw na tanong ni Dad.

Nakakapikon na siya kaya panahon na rin para malaman ko ang mga kasagutan sa tanong ko! Pagkakataon na ito!

"Kung maka-demand kayo ng sagot, Dad, ay wagas! Aren't you happy na hindi na kayo nakakulong? Let me also ask you a question which is more important to be answered immediately!"

Tumaas ang kilay ni Dad sa tono rin ng pagsasalita ko na tila galit kaya hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.

"Dad! Ampon n'yo lang ba ako? Hindi totoong anak?"

Napansin ko na medyo namula si Dad at nanginig. Tinanggal niya ang kanyang may gradong salamin at inilagay sa malaki niyang table.

"To tell you the truth, Maryan, dahil matanda ka na and you are now 23, yes! You are my adopted daughter."

Naiyak na lang ako. "Who's my real parents, Dad?"

Bumuntonghininga na naman siya. "Actually, hindi ko alam sino ang mga magulang mo. Your mother Ariana and I just found you in a trashbag. Nakita ka namin sa isang basurahan kaya kinupkop ka namin and treated you like our real daughter. Parang anghel ka sa amin na hulog ng langit."

"So, totoo pala lahat ng sinasabi sa akin ni, Arissa!" pag-iyak ko. Parang sinalo ko na ang mundo. Tama nga si Arissa. Basura lang pala ako. Binasura lang noong baby. Ni hindi ko alam kung sino ang nagluwal sa akin.

"Sinong Arissa? Your cousin? Bakit? Nandito ba siya sa Pilipinas. Ni hindi tumawag sa akin si Mr. Santos?" pagtataka niya.

Pero di ko na kinaya at nilayasan ko siya saka tumakbo sa kuwarto. Ibinuhos ko na lang sa unan ang mga hinanakit ko.

Masakit na totoo palang wala sa dugo ko ang Lioness blood. I am just a nobody, a trash person like hobo. Misfortunate lady. Hindi pala talaga ako dugong bughaw. But somehow, I still needed the wealth!

Biglang may kumatok sa kuwarto ko at pagbukas ko, Si KC kasama ang veterinarian.

"Ayos ka lang, Maryan? Ito pala yung sinasabi ko sa 'yong doctor ng mga hayop. Si Doc Archer Labrador," ani KC.

Gold Digger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon