Dahan-dahang nabuksan ang pintuan ng hospital room ni Don Alfonso na ikinagising ng matandang nangangayayat na at iniluwa nito si Maryan.
"Hello, Dad. Mano po." Lumapit ito sa amain at binati ng pagmamano sa kamay.
"Kumusta ka na, hija?"
"Mabuti naman, Dad. May gusto palang dumalaw sa inyo," nakangiting sinabi ni Maryan.
"Sino?" Pagharap niya sa pinto ay nabuksan ito ng mahinang-mahina hanggang sa iniluwa nito ang nag-iisa niyang anak na si Rojz. Matangkad, matipuno, gwapo at naka-formal attire.
Dahan-dahan siyang lumapit sa ama.
"Sino ka?" tanong ng matanda kaya't naluha si Rojz at sinagot ito. "Si Laruzzo po."
Sunod-sunod ang iyak ng matanda at pinalapit sa kanya si Rojz at niyakap nang mahigpit. Naramdaman din ni Rojz ang higpit ng yakap ng matanda sa kanya na tila dumadaloy pa sa kanyang dugo o ang tinatawag na lukso ng dugo.
"Patawarin mo ako, anak, sa nagawa ko. Hinanap ka namin ni Arianna pero wala kaming nakita ni anino mo dahil hindi namin mahanap ang kakambal kong si Bernard. Ang huling sinabi niya lang sa akin ay lumayas ka raw at ipinambayad niya ang perang ibinigay ko sa kanyang utang sa casino kaya patawarin mo ako kung hindi maganda ang sinapit mo sa buhay. Mahal na mahal ka namin, anak."
Naiyak naman si Rojz habang pinakikinggan ang ama kaya't rumesponde rin siya nang mariin na pagyakap.
Iniwan na muna sila ni Maryan para makapag-bonding habang umiiyak din ito sa tuwa.
Makalipas ang ilang oras ay bumalik si Maryan sa hospital room ng amain. Inabutan muli niyang nagkakatuwaan at masaya sina Rojz at Don Alfonso Lioness nang maispatan siya ng matanda.
"O, Maryan! Tuloy ka, hija. May sasabihin ako sa inyong mahalaga."
"Ho? Ako, Dad?"
"Oo, Maryan."
Lumapit naman si Maryan at hinawakan ni Don Alfonso ang kamay ni Rojz. Pagkalapit ni Maryan ay hinawakan din ng matanda ang kamay nito.
"Naalala mo ba, Maryan, dati. Noong hindi pa ako nagkakasakit, ang sabi ko ay may gusto akong lalaki para sa 'yo, kaya ayaw ko kay Max." Tumungo naman si Maryan sa sinabi ng ama-amahan dahil sinisekreto niya ang relasyon nila ni Rojz.
"Ang gusto kong lalaking pakakasalanan mo habambuhay ay walang iba kundi ang aking anak."
Nagulat si Maryan at napayakap bigla sa ama. "Thank you, Dad! Thank you!" bulong nito habang nakangiti naman silang tinitingnan ni Rojz.
Nang bumitiw na si Maryan sa pagkakayakap ay sinabi na rin niya sa ama. "Dad, kami na pala ni Rojz."
"Eh ano pa'ng hinihintay ninyo? Magpakasal na kayo bago pa ako pumanaw," biro ng matanda at nagkatinginan sina Rojz at Maryan sa nakakatuwang balitang gusto ng ama na mangyari sa kanila.
***
Makalipas ang ilang linggo, habang hinihintay ni Maryan si Rojz sa may Shield ay biglang tumigil ang sasakyang GMC.
Sa sobrang pagkagulat ni Maryan ay nabilaukan siya sa kanyang iniinom na Coke galing sa McDo Happy Meal at itinago ang mukha sa handbag na Coach nang bigla siya binusinahan.
Pagkababa ng bintana ng tinted GMC ay dumungaw si Kyrie. "Maryan, si boss, kailangan kang makausap. Sakay na."
Walang magawa si Maryan kaya sumakay na lang siya sa loob at sinalubong na naman niya si Don Lighi Totnak na ngayon ay governor na.
"Hello po, Gov."
"May ibibigay ako sa 'yo, mah lady." At inabot ng unanong bumbay ang isang susi. Susi ng Rolls Royce na ikinagulat ni Maryan.
BINABASA MO ANG
Gold Digger
Romance{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and Famous. Sosyal, habulin ng lalake. Matalino at higit sa lahat ang socialite fuckgirl ang magbabago ang buhay pagkatapos niyang malaman na am...