Pagkatapos mahubaran ni Maryan ay naghanap agad ito ng pantakip sa katawan ngunit wala. Kinuha na lang niya ang malaki niyang Coach handbag at pinantakip sa ibabang parte ng kanyang katawang habang ang braso naman niya ang ipinantakip niya sa dibdib. Nanggagalaiti siya sa galit at nang tatakbo na siya papalabas ng pinto ay bigla siyang hinarang ng binata.
"Umalis ka sa harapan ko! Buwisit ka!" sigaw ni Maryan kay Rojz.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Bastos ka talagang manyak ka! Lumayas ka diyan! Lalabas ako at maghahanap ng maisusuot!" matinding sigaw ni Maryan na halos lumabas na ang ugat sa leeg ngunit kalmado lang ang binata.
Bigla silang may narinig na mga yapak sa labas. "Hmp! Rojz, tsk tsk tsk. You won't get away with this. Nandiyan na naman ang goons ko to hunt you down!" pang-aasar at nakangising sinabi ni Maryan kay Rojz.
"'Yon ang inaakala mo." Ngumisi rin si Rojz at bigla niya itong binuhat saka ipinasok niya si Maryan sa katabing malaking sako. Isinara, itinali't binuhat niya ito na parang si Santa Claus at kinuha ang isang baril.
Agad siyang lumabas at pinagbabaril ang bawat makitang goons para lang bumalik sa torture room at kunin ang wallet bago tumakbong muli.
"Uy! Pakawalan mo na ako rito! Nilalamig na ako rito!" pagmamakaawang sigaw ni Maryan sa loob ng sako.
"Tumigil ka diyan. 'Yan ang parusa sa 'yo at alam ko ring nagsisinungaling ka!" pasigaw na sagot ni Rojz.
Pagkababa niya ay nakalabas na siya sa lumang barko. Hindi siya nagkamali sa kanyang inaakala patungkol sa lugar kung saan siya dinala ni Maryan kasama ang goons.
Nagtago muli siya nang mapansing may paparating na kotse ng mga goon. Ginulat niya ang mga ito ng putok ng baril. Inagaw niya ang kotse at sumakay agad doon hanggang sa nakatakas na siya kasama si Maryan na nasa loob pa rin ng sako.
Habang nagmamaneho si Rojz ay tila nanibago siya dahil kanina lang ay madaldal ang dalaga ngunit biglang tumikom na ang bibig nito.
"Maryan! Maryan! Ano'ng ginagawa mo diyan sa loob ng sako? Sumagot ka!" sigaw niya.
Wala pa ring sumasagot. Inulit na naman niya ang sinabi niya ngunit wala pa rin kaya kinabahan na siya at ipinark niya saglit ang kotse. Lumabas siya at sumugod sa backseat para buksan ang sako. Nagulat siyang nagpi-freeze na si Maryan habang unti-unting nawawalan ng malay kaya natakot siya.
"Pa-pa-paano mo . . . mo . . . a-a-alam ang panga-ngalan . . . ko . . . ?" Iyan lang ang lumabas sa bibig ni Maryan habang nangingig sa ginaw dahil winter sa Japan at hubo't hubad pa siya. Bigla siyang nawalan ng malay kaya't nagsisi si Rojz at nag-aalala. Buti na lang at may isang motel sa lugar kung saan siya naka-park kaya't binuhat niya muli ang sako kung saan naroon si Maryan at nag-check-in sa motel.
Makalipas ang dalawang oras ay nagising na lang si Maryan na nakahiga sa malambot na kama at nakasuot ng mahabang polo. Ito yung polo na suot ni Rojz. Ngunit ganoon pa rin, wala pa rin siyang panty at bra.
Dahan-dahan siyang bumango't umupo sa kama nang biglang mabuksan ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang matipunong katawan ni Rojz. Basang-basa ito ng tubig na dahan-dahan pang pumapatak sa katawan at tanging tapis lang ng tuwalya ang tumatakip sa pagkalalaki nito. At may six-pack na abs at malalaking braso. Maganda at alagang-alaga ang katawan ni Rojz, isama mo na ang itsura niya kaya't maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.
Nakatitig na lang si Maryan at natulala dahil maugat-ugat pa ang kamay ng binata nang biglang tinapunan siya nito ng tuwalyang suot-suot kaya't nakahubo na si Rojz sa harapan niya.
Nanlaki mata ni Maryan pagkatapos tumama sa kanya ang tuwalya ni Rojz at makita ang pagkalalaki nito na seven inches.
"Oh! Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan? Nase-seduce ka, 'no? Patay pa lang 'yang seven inches na nakikita mo!" ani Rojz habang binubuksan ang cabinet ng motel.
![](https://img.wattpad.com/cover/172778251-288-k681132.jpg)
BINABASA MO ANG
Gold Digger
Romance{Fancy Girls Series Part 2 ~ Maryan Lioness ~ } Isang napaka-mayaman na maganda at sexy na dalaga o Rich and Famous. Sosyal, habulin ng lalake. Matalino at higit sa lahat ang socialite fuckgirl ang magbabago ang buhay pagkatapos niyang malaman na am...