Ichi

21 0 0
                                    

Maraming taong nagkukumpulan sa Harap ng School, Pinaguusapan nanaman ang Bagong Update ni Momo-senpai.

"Ang ganda ng mga Plots niya, Nakakaiyak nga kasi nakakarelate ako" sabi ni Girl with curly Hair.

Nakipagapir siya dun sa kasama niyang, ano .. uhm Cute ? okey Cute

"Yes Girl, Trueeeee , Its about friendship kaso maganda sana kung magkaroon ng konting love story. Para naman may Twist" sabi ni Cute

Ang hirap naman kasi ng Pinapagawa nila , how could I possibly do such thing kung hindi ko pa naranasang mainlove.

Anyway, ako pala si Xena Titania "Momo" Zarzuela, Grade 11 sa Malancio National High School. Oo sa Public School ako nagaaral hindi naman sa mahirap ako, Basta Trip ko lang dito.

Nang Dumaan na ako lahat sila tumabi at pinandidirihan akong lapitan just because of my Eyes na namana ko ata sa Papa ko.

Hindi naman sa nakakaintimidate yung Mata ko, Creepy lang siguro dahil mahilig akong magstare.

Mahilig akong magobserve ng mga bagay-bagay dahil ito ang nagiging inspirasyon ko upang makagawa ng Plots sa bawat Chapters ng Story ko.

Ako yung pinaguusapan nila, But they dont know na ako yun dahil baka pag nalaman nila, baka hindi lang sila maniwala.

Masaya na kong tinatangkilik nila ang Story ko, Hindi lang nila alam na sila mismo ang nagiging Inspiration ko Hihihi.

"Ohayoo Guzaimas Mina-san" Pagpasok ko palang bumulantang na ang Mukha ni Aloise Ciel Erl aka 'ACE' daw.

Lahat naman sila binati siya, kasunudan ko lang pala siya kaya dumeretsyo na akong umupo sa pinakadulo ng classroom kung saan makikita ko silang lahat.

Magaapat na buwan na kaming magkakasama pero wala pa rin akong kaibigan dito sa classroom na to.

Everytime na may ipapagawa sila by Group eh mas prefer kong gumawa nalang ng Special project.

I dont hate them, Sila ang may problema saakin. Ayoko namang problemahin pa nila ang existence ko kaya umaalis nalang ako sa grupo ko.

Wala pa naman ang Teacher namin for our First class so tulad ng kinagawian ko, I look at them one by one.

"Hayan nanaman si Ms.Creepy Eyes, Nakakatakot talaga siya" sabi nung isang babae Liana ata pangalan niya.

Kumuha ako ng Libro sa bag at kunwari binuklat ko ito.

Ayaw ba nila sa akin, Ganun na ba talaga ako ka Creepy ?

Lumabas muna ako sandali at dumeretsyo sa Comfort Room, Wala namang Tao kaya tinitigan kong mabuti ang sarili ko.

I have Very thick, Straight, Long Hair na hanggang Bewang ko na ata, May Bangs di ako na matatakpan na ang mga Mata ko.

Kaya naman nakakapagtaka na nakikita pa nila ang Mata ko diba ? Weird.

May Glasses rin ako, hindi yung parang uso ngayon kundi parang ganun kay Harry Potter. Medyo malabo kasi ang Paningin ko kaya naman nagsalamin na ako.

Magkaparehas kasi kami, May Scar din ako sa Noo kaya Tinatakpan ko ito ng Bangs ko.

My Skin is Pale as White, malamig rin ang mga kamay ko dahil sa may sakit daw ako.

Hindi ko na alam kung ano yun kasi hindi naman ako nakikinig sa Doctor ko. Sayang lang ang Pera.

I think Im Normal naman but for them Im like Super Duper Freak.

Okey lang naman eh. Its no big deal. I like being alone naman.

Palabas na ako ng Comfort Room ng may narinig ako.

"Uhmm .. Ace I know na your popular among Girls at alam ko rin na maraming nagcoconfess sayo" Ace Again ?

Ilang beses ko na ata tong naririnig, mga Ganitong Confession. Dami talagang nahuhumaling sa Taong to.

"Ano ba ang gusto mong sabihin ? Is there any problem ?" Asus parang di pa alam, Memoryado ko na ang mga Linya mo Ace.

"Way back then, nung Freshmen's palang tayo Gusto na kita and now na nabigyan ako ng opportunity para makausap ka .." Pasweet na sabi nung babae.

Hala ! eto nanaman ako , Nageeavesdrop ! Sus Ginoo.

"I really really like you Ace, I really do" nagkaroon ng moment of silence.

"Sorry pero wala pa kasi sa isip ko ang pumasok sa isang relationship. You deserve someone better kaya Okey lang yan" sabay naming sabi ni Ace pero ako mahina lang.

Sabi sa inyo alam ko na Linya ni Ace eh, Natatawa tuloy ako sa sarili ko.

"Let's go back na. Baka andun na si Sir." Yaya naman sakanya ni Ace.

"O-okey .. " nanginginig na boses nung babae. Naiiyak na ata siya. Oh BUSTED !!

Nung narinig kong palayo na ng palayo ang tunog ng mga yapak nila. Umalis na rin ako at nagpunta na sa Classroom.

Habang nagsstart na ang discussion ni Sir, Dahil sa Observer ako nakita kong may kinuha siyang Gold at Black na maliit na Notebook.

May Crinoss Out siya, at napaGrin ng konti, Pagkatapos binalik na niya ulit sa Bag niya.

Lagi ko yung nakikita everytime na may nagcoconfess sa kanya. Ano kaya yun ?

*Lunch Break*

Nilapag ko na ang Pagkain ko at sinimulan ng Magpray, pagkatapos eh Kumain na ako.

Kung saan walang tao at wala akong maiistorbo. Sa isang Condemned Classroom ng School namin.

Sira sirang Bintana, Maruming mga sahig at Mapanghing amoy sa Loob nito. Gustong-gusto ko talaga dito.

Kasama ko naman si Yale, Childhood Friend ko na Otaku. Parehas kaming Grade 11 pero magkaiba ng Section.

"How was your Story ? Ilang Million nanaman ba ang bumasa ?" Exag. niyang tanong.

"OA ka talaga Yale. Pero may problema ko." napa'Huh' nalang siya.

"Marami na kong readers na rerequest na magkaroon ng Love Scene ang Story ko which is not my Forte." sabay subo ng Chicken.

"If you love your readers so much, then Gagawin mo yung gusto nila whether Forte mo yan o hindi."

"Wala naman kasi akong experience sa Love na yan eh." sagot ko naman sa kanya

"Sa Science una mo munang Gagawin is to Observe , Know the Problem , Have a Hypothesis and to do an Experimentation." Talino masyado di ko na mareach.

"Anong connect nun sa Problema ko ?" napailing naman siya

"Nasa state of Knowing the Problem ka na, Kailangan mo nalang magkaroon ng Hypothesis." wala akong naintindihan sa sinasabi niya.

"Kailangan mong magkaroon ng experience sa Love na yan, kaya ngayon maghanap ka na ng pwede mong Magustuhan." Nilamon na niya yung pagkain niya.

At Saan naman kaya ako pwedeng maghanap ? Ni wala nga akong napupusuan dito ay.

"Wala naman kasi akong matipuan dito, Ikaw nalang kaya." Biro ko sa kanya.

"Pwede rin kaso pag ginawa mo yun wala ka ng magiging Bestfriend." Oo nga nho , Hindi siya pwede.

"Experimentation, Xena Experimentation".

Matapos naming kumain, ay pumunta muna ako sa Second Floor ng English Building upang humiram ng Libro sa Libraby.

Ngunit bago pa man ako mapasok eh heto nanaman ang isang Babaeng nagcoconfess kay Ace nakoo naman.

Paulit-ulit na mga linya, nakakasawa. Sawang sawa na ako.

After 30 mins. umalis a rin sila ni hindi siguro nila napansin ang Presence ko eh.

Napansin kong may 2 maliit na notebook na nasa Lapag.

Kinuha ko ito at naalala kong kay Ace ito, out of curiosity binuklat ko iyon at nagulantang sa nalaman ko.

The Chary SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon