[XXIII]

172 6 3
                                    

Jin

Pabalik balik ako sa hallway. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala si Nia sa tabi ko. Ito yata ang papatay sa akin e, ang pag-overthink at yung hindi pagtanggap sa kamatayan ni Nia.

"Uhhh.. Jin?"

Humarap ako sa taong yun. "Hi Ravi-sb."

"Umupo ka muna. Wag kang tense. Uhmm..." umupo kaming pareho at nakaharap sa dingding ng hallway. "Alam mo, Jin.. mahirap talagang mawalan ng taong mahal sa buhay.. lalo na't girlfriend mo or ka-close mo na babae sa buong buhay mo."

"Bakit? Na-experience mo na ba?" tinanong ko. "Oo. Mommy ko. She's in heaven na."

"Ahh...sorry. Tinanong ko pa."

"Ok lang yun, Jin."

Napatahimik kami nang biglang nagsalita ulit si Ravi, "....mahal mo ba talaga si Nia?"

"Sa tingin mo, hindi ba ako uuwi galing ng Korea kung di ko mahal si Nia? Hindi ba ako iiyak kung di ko siya mahal? Ravi, please...ayoko nang mapapagusapan pa natin 'to. Lalo lang akong nasasak..tan."

Napayuko ako at napahawak sa batok ko at umiiyak. Hindi ko kasi talaga kayang wala si Nia sa buhay ko. "Ravi, ayoko na. May iba pa bang paraan para mabuhay ko si Nia?"

"Hindi ko alam e. Ge, iiyak mo lang yan. Tatawagin ko lang kuya niya." umalis si Ravi at agad na dumating si Kyri..

"*huk* Jin...wala na si Nia."

Sabi ng kapatid ni Nia.

"Wala na si Nia."

"Wala na si Nia."

"Wala na si Nia."

"Jin wala na si Nia! Wala na ang kapatid ko!" sabi ni Kyri.

No, hindi maaari, hindi pwedeng mawala si Nia. Di ba pwedeng ako na lang sana ang namatay imbis na sya?

"NIA! NIA!" Sigaw ko habang tumatakbo papuntang room ni Nia, iyak ako ng iyak, wala akong pakialam sa mga nakakakita sakin, sa nababangga ko, basta kailangan kong makita si Nia ulit dahil hindi ko kayang hindi tumingin sa muka niya ng isang araw.

*crack*

"Ano yun?" tanong ko

Pumasok ako sa loob para makita kung ano yung nabasag.

"Hyuk! Ano ba! Yung cellphone mo nabasag! Loko ka talaga! naku kung nandito si Nia sermon aabutin mo dun!" sabi ni Hyuk sa sarili niya.

Pano kase, sa sobrang iyak ni Hyuk umitsa yung phone ni Hyuk. Talaga naman oh, balik tayo kay Nia.

"Niaaaaa! Wag kang umalis! Promise bibilhan kita lagi ng Kimchi pizza, dadayo pa ako sa korea para lang maibili kita! Wag mo kasi akong iwan...Please gising na Nia!" Habag na habag na sabi ni Hyuk.

Halos lahat ng tao dito sa kwarto ay umiiyak, lalo na ang Vixx, parang kapatid na ang turing nila kay Nia, naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Lalo na si Hyuk. At hindi ako makapaniwalang umiiyak si Ken.

"Guys let's give Jin some time with Nia." sabi ni N.

Lumabas na sila. Dahan dahan akong lumapit kay Nia. Naupo ako sa tabi ng kanyang kama at hinawakan ang kanyang magaganda't malambot na kamay.

"Nia, nandito na ako, umuwi ako dito sa Pilipinas para sayo, pasensya na at medyo matraffic, natagalan tuloy ako, Nia please, gumising ka na, miss na miss na kita, kahit paggising mo awayin mo ako ng awayin ayos lang, basta nakakausap kita. Hindi ko kasi kayang mawala ka sa akin, mahal na mahal kasi kita. Sobrang mahal, you're my whole damn sky Nia, nasayo na ang puso ko, at mamamatay ako pag nawala ka."

𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓲𝓼 𝓪 𝓻𝓮𝓫𝓮𝓵.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon