| Nia |
Sh^^^t! Mauubusan na ako ng dugo sa katawan e! Lagi na lang nagdudugo! Lagi na lang! Bakit ba kasi palagi na lang ako nasasaktan?
"Huh? Miss? Bakit nagcu-cutting ka? Class hours ngayon, hindi ba?" sabi ng isang lalaking di pamilyar sa'kin...
Baka ito yung sinasabi ni June na substitute teacher? Or isa lang siyang student?
Ang cute. Parang pokémon.
"Hindi ako nagc-cutting class. Kakagaling ko lang sa ospital." suplada kong pagkasabi sakanya
"Ha? Anong nangyari? Bakit ganyan ang bewang mo? May butas ba sa tagiliran mo? Dalahin kita sa clinic, gusto mo?" ugh. Daming tanong.
"Ge." tas pumunta kami sa clinic at pinacheck ulit ako. Inalalayan niya ako pero bumitaw rin ako which is a wrong move. Matutumba na sana ako nang hinawakan niya ako sa bewang ko. Tapos ang muka namin magkalapit. Yung nakikita niyo sa drama? Yun ang itsura namin ngayon.
Ang lagkit ng tingin niya sa'kin. Lalo na sa mga mata ko. Kaya nama't umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Akala ko ba nasa clinic ka? Pupuntahan pa naman sana kita, kaso nandito ka, nakikipaglandian. Ok na siguro."
Napalingon ako sa likod. "Jin?" Bumitaw kami sa isa't-isa.
Ano? Naririnig niya ba ang sarili niya?
"Kapal rin ng muka mo, 'no? Ako, nakikipaglandian? Pwede ba, wag mong isalin sakin ang mga ginagawa mo. Really, Jin? Really?" Taas noo kong sabi habang tumitingin kay Lara na nakahawak sa kamay ni Jin.
"Bakit? Mali ba ako? Nakikipaglandian ka naman talaga sakanya! Pati yang lalaking yan di mo rin pala tinatantanan." sabay tingin niya sa katabi ko
Teacher? Ala! Kapal ng muka! Peste!
"Hey! Watch your words! I'm a tea--"
"Teka nga lang, Seokjin. Why do you care? Bakit mo ba ko kinakausap? Mind your own business na lang!" kahit kumikirot ang tagiliran ko ay pinilit ko pa ring lumakad. Hinila ko ang katabi ko.
"Hey, you need to go to the clinic." He said with a worried voice. "Hindi na. Uuwi na lang ako." Buti pa siya, nagaalala, samantalang yung hayop na yun inakusahan pa akong lumalandi. Walangya.
Pumunta ako sa clinic para humingi ng excuse slip at nagpunta ng toom para kunin ang bag ko. "I'll send you home. In that case, hindi ka makakarating ng gising sa inyo." Ay, may mokong pa pala dito.
"Wag na. Baka talagang hindi na ako makakarating sa'min pag sumabay ako
sa'yo. I don't ever know your name."
"Don't be stubborn. Di kita type. It's only my conscience who's begging me. Pag may nangyaring masama sa'yo dahil hindi kita hinatid, hindi ako makakatulog. Kaya TRUST ME. Please?"
Hay nako, trust, trust, trust. Mukang hindi naman magpapapigil 'tong isang 'to eh. "Sige na nga. Tara."
~~
Tahimik kaming pareho ni Jin sa sasakyan dahil sa nangyari kani-kanina lang.
*kring kring kring*
Kaninong cellphone yun? Hindi naman sa'kin...
Ah, baka kay Jin.
Nasa tabi lang niya yung cellphone niya at nakita ko ang caller ID. "Lara Ischel" Haha. Sakit diba?
Sarap pala umasa sa taong di ka gusto eh! HA HA HA HA HA! Lasang tanga. ./.
"Tumatawag girlfriend mo. Sagutin mo na. Magtatampo pa." sabi ko sakanya na nagfofocus lang sa pagmamaneho.
"Hmph. Ahhh, hello?" sabay tingin sa akin ni Jin habang kausap si Lara.
"Sure! I'll come later. See you." May date pa ata ang gago.
Siya na ang may date, Siya na ang may Lara Ischel Murphy! Sya na talaga! Tinry ko din siyang makipagdate sa akin ng isang beses, tapos binabaan ako ng telepono! Ang bad diba?!?!
"Dito na lang, Jin. Salamat." bumaba ako sa sasakyan niya habang namumuo ang luha ko sa aking mga mata.
"Wait. Yung lalaking kaharutan mo kanina, ang pangalan nun ay Park Sang Hyun or Thunder kaya kung gusto mo siyang landiin ulit, alam mo na ang pangalan niya." sabi niya sa'kin bago siya umalis
Thunder?!?! Edi siya yung substitute teacer?!?!?!
Malandi ba talaga ako sa paningin mo, Jin?
Kung malandi ako, bakit ikaw lang ang lalaking minahal ko ng husto? Ikaw pa lang ang mahal ko..
Matatawag mo ba akong malandi kung stick to one lang ako?
Jin, mahal kita at kung ano pang sabihin mong masama sa'kin, naiintindihan ko yun.
Malandi, peste, hayop, panget, tanga, o kahit anong masakit na salita ang ibato mo sa'kin, Seokjin,
Hindi nagbago ang paningin ko sa'yo.
"Bakit ganun si Jin..............." Na-trauma ako sa sinabi niya. Mahal ko naman siya ah?
Pupuntahan ko na lang siya sa condo niya.
"Aamin ako sa'yo, mamayang gabi, Jin. Humanda ka na."
Pumasok ako sa bahay at deretso sa kwarto. 5pm na at dederetso ako sa condo niya mamayang 8pm.
Nagbihis ako at nagsuot ng pull-over na jacket at nakaskater skirt na black at nakaleggings na white.
~~
"This is it, Zeph."
Pag-isipan mo ng mabuti 'tong ginagawa mo, Nia! Baka hindi ka niya pansinin. "Bahala na. Good luck sa pag-amin mo."
~~
Nandito na ako sa condo ni Jin. Ala. Ayoko yatang umamin pa sakanya. Masyado atang maaga.
Ughhh!
"Miss! Holdap 'to!" !!!!!!!!!!!!!!!!
"Hmmmm-----wag mo ako sasaktan!!" hawak ko yung doorknob ng pinto sa condo ni Jin
Sht, Jin!! Bahala na kung mamamatay na ako ngayon o mamaya...
"Sumama ka na lang sa'kin, Miss!!" sabi ng bandit
Sht ayoko na. :(
"Jin!!! Hmmmpp---tulong!!! Hmmm!!!!!"
-------------------------------------------------------
HELLOOOO. AFTER 103834726615 YEARS NAKAPAG-UD NA RIN AKO.
ANO MANGYAYARI KAY NIA :O
LILIGTAS KAYA SIYA NI JIN????
HUHUHU
-EYA SHIM
![](https://img.wattpad.com/cover/16065402-288-k922077.jpg)
BINABASA MO ANG
𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓲𝓼 𝓪 𝓻𝓮𝓫𝓮𝓵.
FanfictionIn love, there are many challenges you have to take just to get the love of your life. You have to sacrifice, and be hurt at the same time. We can't avoid the twin of love, being hurt. You can't love all the time, you can't call yourself being a lov...