Napalingon si Nia sa akin, noong sinabi lang ni Jungkook na nakibahagi ako sa monthsary surprise sakaniya. Okay, umaamin ako. Although it's painful for me, mas pinili ko pa rin ang kasiyahan ni Nia na si Jungkook. Okay lang naman sa akin, I am almost close to tears now, pero ang importante sa akin ang kasiyahan ni Nia. Dahil gusto ko siya.
Magkapulong pulong kami nina Jimin, Rap Monster, at si Taehyung. Magkakatabi kami habang nagiihaw kaming tatlo ng marshmallow sa siniga kong apoy.
"Jin, sure ka bang lagi mo nang tutulungan si Jungkook sa pagsorpresa kay Nia?" Taehyung
"Eh mahal mo si Nia, diba?" Jimin
"Oo nga." Rap Monster. "Tumigil nga kayo. Oo, gusto ko nga si Nia pero kung anong happiness niya edi happiness ko rin."
"Hmmm," lumalakad ng pabalik-balik si Taehyung, "sure ka ba...na happiness mo pa din kung ikasal na si Nia kay Jungkook?"
Pffft, nakakatawa naman yang sinabi nya. "Hahahaha, syempre, HINDI. Ibang usapan na yan."
"Ayun naman pala! Hindi lahat magiging happiness mo! Ihinto mo na yan!" Napagsabihan pa ni Taehyung. Akala mo kung sinong love expert. Tch, alien.
"Kami na nagsasabi sayo, Jin! Wag mo nang ituloy yan, tino-torture mo lang ang sarili mo sa mga bagay na alam mong patuloy na wawasak sa puso mo." Jimin
"Wow ah, mas mukhang may experience pa kayo kaysa sa akin, ah." Sabi ko kina Taehyung at Jimin
"Haha, concerned lang naman kami sayo." Ngiti ni Jimin sa akin, "..at tsaka ikaw rin magiging kawawa sa huli pag di mo hininto yang pinaggaga-gawa mo."
Siguro nga tama sila, paano kung si Nia ikasal kay Jungkook? Tangina, mukhang tinatakot pa ako ni Taehyung, e! Ayoko naman ng ganun, sabi ko nga sakanila: ibang usapan na yan.
"Eh! Mga nananakot ba kayo!?" Pagalit kong tanong kina Taehyung at Jimin. "Hindi nga, concerned lang kami."
"Yan lang masasabi namin sa'yo, sige, magsisisi ka kapag pinagpatuloy mo yan." Singit ni Rap Monster.
Ngayon pa lang, ganyan na sila. Ako lang siguro yung hindi aware sa mga sunod pang mangyayari.
"Tingnan mo kung gaano ka-sweet 'tong dalawang 'to! Baka langgamin na kami! Hahahaha." Asar ni J-Hope kina Nia at Jungkook na naglalambingan.
Nakita kong tumawa si Nia kay J-Hope. It means, kinikilig siya.
P*tragis naman. Control yourself, Jin. Hindi ka mabilis masaktan sa mga ganito. Kunwari, wala kang pakialam. Kunwari, hindi mo alam yung nangyayari. Kunwari, wala. Wala lang talaga. "Jin." Lumapit si Suga sa akin, "oh, bakit?"
"Ayos ka lang? Mukhang hindi ka palangiti ngayong gabi, ah." Buti alam niya. Kasi mahirap talagang ngumiti kapag nasasaktan ka.
"Ahh.. ayos lang ako. Hehe, minsan na nga lang ngumingiti. Ngiti ngiti na lang sa mga problema pag may time!" Nag-fake smile ako. Best actor, right? "Wag mo nga akong niloloko. Hindi ka okay."
"Alam mo naman pala, e! Nagtanong ka pa?" Nagsuplado ako. "Aysus, ikaw nga ay magkwento. Bakit ka ba ganyan? Kanino ka ba nagkakaganyan? Bigat ng problema natin, pre."
"Mabigat talaga," bumulong ako. "...kanino pa ba ako magkakaganito, kay Nia lang naman diba?"
"Hay buhay," umupo si Suga sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Di ka ba napapagod?"
"Hindi. Bakit ako mapapagod, anong tanong yan?"
"Wala lang. Masasaktan ka naman sa huli, bakit kailangan mo pang umasa?" Napatingin ako sa cellphone ko at bigla akong tumawa. "Yoongi naman. Haha, nakakatawa naman yang tanong mo. Hahahaha. Alam mo kasi, diba marami ako naging girlfriend? Kanino ba ako bumagsak sa huli, kay Nia lang. At ngayon, kahit masaktan pa ako sa huli hangga't hindi ko nakukuha si Nia, hindi ako hihinto sa kakaasa."
BINABASA MO ANG
𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓲𝓼 𝓪 𝓻𝓮𝓫𝓮𝓵.
FanfictionIn love, there are many challenges you have to take just to get the love of your life. You have to sacrifice, and be hurt at the same time. We can't avoid the twin of love, being hurt. You can't love all the time, you can't call yourself being a lov...