[XXII]

148 8 3
                                    

Narrator (POV)

After 6 days, September 11 na, 4 days na lang at iniwan na ni Jin ang Chevrons University, hiniwalayan si Lara, hindi pumayag sa marriage arrangement para sakanya, at siyempre....kinalimutan na niya si Nia.

Si Nia ay tinurukan ng anesthesia at malapit nang matapos ang kanyang surgery ng biglang ayaw niyang magising at nasa comatose situation siya. Kapag hindi siya nagising within 5 days, ay babawian na siya ng buhay.

Nasa ospital ang Ate ni Nia na si Yenli, umiiyak na naman siya dahil ayaw magising ni Nia at parang sa tingin niya ay nagpaalam na daw si Nia sa kaniyang mga kapatid na si Kyri at Yenli.

Hindi na niya alam ang gagawin niya. Kaya nama't biglang dumating si Hongbin at tinignan si Nia na ayaw magising.

Hongbin

"Yenli? S...si Nia, na-comatose? Dahil sa lintik na surgery na yan, na-comatose siya?" tinanong ko ang nakakatandang kapatid ni Nia. "*huk* Siguro hindi successful ang surgery niya kaya bigla siyang na-comatose."

"Ugh! Sabi ko na nga ba. Tsk, don't worry, Yenli. Babantayan ko si Nia para sainyo. Hihintayin ko siyang magising within 5 days."

"Grabe. Ang swerte pala ni bunso sa'yo......."

"Yenli. Sabi nila swerte si Nia gawa ko, pero malas din ako kasi hindi ako ang mahal niya. Si Jin."

"Dati, boto kami kay Jin para kay Nia pero nung nalaman namin na malakas magpa-asa si Jin kay Nia.....well....wala na. Medyo may galit na ako kay Jin ngayon, dahil mas inosente ka...mas gusto na kita para kay Nia." ngumiti si Yenli sakin pagkatapos nun ay tumalikod na siya at lumabas ng pinto sa kwarto ni Nia.

I feel bad for her siblings. And, I feel bad for myself, too. Mahal ko si Nia pero bakit ang bilis mangyari ng lahat ng 'to?

Bakit feeling ko parang ang malas kong lalaki?

1.) Binusted ako ng niligawan ko ng 2 years.

2.) Pumiyok ako sa performance namin sa korea.

3.) Nadulas gawa ng balat ng saging na tinapon ni Ravi sa sahig.

At ngayon, minahal ko si Nia at nasa comatose siya?

WHY ARE YOU GIVING ME THE LIFE THAT I DO NOT DESERVE? PLEASE TELL ME, LORD. WHY?!

Siguro kailangan kong ipakita kung gano ako kalakas at kailangan ko rin sigurong makita ang weak spot ko.

Tumabi ako kay Nia. Hawak hawak ko ang kamay niya. Umiiyak na ako kahit hindi kailangan.

Ganito talaga pag nasasaktan. "Nia..

Kamusta ka na?

Iniwan na ni Jin ang Chevrons University...baka pag gising mo within 5 days, ang una mong hanapin ay si Jin. E, nandito ako.

Mahal na mahal kita, Zephania. Wag kang magpapaalam sakin kagad. Ikaw na lang natitira naming pag-asa.... Lumaban ka Nia. Lumaban ka para sakin, para sa pamilya mo, para sa kahit kanino man, o kahit para sa daga mo na kinatatakutan ko o kahit sa aso ko... lumaban ka, Zephania. I love you."

Habang sinasabi ko ang mga salitang yan.. nakikita ko si Nia. Tulog. Napakaganda. Nagtataka ako dahil napakaganda niya para magkaroon ng leukemia at nasa comatose.

Hirap na hirap siya sa sitwasyon niya siguro.

Nia, please gumising ka na.

Damn, I miss you.

May plano ako kapag nagising ka na.

Ha? Nia? Nakikinig ka ba? Sana naririnig mo ako kahit tulog ka. SANA KASI AKO YUNG NASA SITWASYON MO, DIBA. SANA AKO YUNG NAHIHIRAPAN. NIA NAMAN KASI NAIIYAK NA NAMAN AKO.

𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓲𝓼 𝓪 𝓻𝓮𝓫𝓮𝓵.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon