[XXVI]

149 6 0
                                    

(Kuya ni Nia >>> multimedia) //Joshua Valkyrie Araña Salvador//

"Tulong!!!!! Tulungan niyo ako!!!!!" narinig ko habang naglalakad ako pauwi. Damn, sino yun?!

Tumakbo ako sa lugar kung saan naririnig ko ang isang sigaw ng babae. "Bitiwan niyo siya!" sigaw ko sa mga lalaking nakapalibot sakanya. "Tara! Umalis na tayo! Baka makita pa tayo nyan!" tumakbo papalayo yung mga lalaki.

"Miss, ok ka lang?" tanong ko. "Uy, ok ka lang ba?" Hindi niya ako sinasagot. Tumingin siya sa akin. Yung seryosong tingin. Ok, ang creepy na. "May ginawa ba ako?" Yumuko na siya this time. "Bakit ka ganyan? Tara, doon ka muna sa amin." tinayo ko sya at sumama papunta sa bahay namin.

"Sana hindi mo na lang ako niligtas.." sabi niya. "Huh?"

"Sana hindi mo na lang ako niligtas. Sana hinayaan mo na lang akong pagtripan nila." dagdag nya. "Magpasalamat ka dahil niligtas pa kita kundi anong mangyayari doon sayo! Tsaka bakit ka sumisigaw at humihingi ng tulong kung ayaw mo palang iligtas kita?" Hindi ko sya maintindihan. Anong meron dito? "Sinong tinutukoy mo?"

"Si Joshua. First boyfriend ko. Hindi niya ako ipinaglaban. Nabuntis ako pero hindi ako pinanagutan. Iniwan ako sa ere kasama ang anak ko. Di ko alam kung bakit pero mas pinili pa niya ang mga kabarkada nya over his girlfriend."

"Wait lang.. bago ka magkuwento? Sino ka muna?" tanong ko. "Mary Isavelle De Chavez. Isav na lang." wow.. Ganda naman ng name nya. "Ikaw?"

"Kim Seok Jin. Ah, korean ako."

"Halata nga sa mukha mo eh. Ilang taon ka na?"

"Bata pa ako. 18-20 age range ko. Ikaw?" tanong ko ulit sakanya. "Ganun ba. I'm already 22."

"Should I call you Ate?"

"Bahala ka. So, how should I address you?"

"Jin nalang, Ate Isav."

"Fine."

Nakarating kami sa bahay kakalakad at pinapasok ko ang bago kong kaibigan na si Ate Isav sa bahay namin.

Yung yaya ko nagtaka. "Ser, sino po sya?"

"New friend ko. Ipaghanda mo na po kami ng makakain."

"Sige po ser!" << Siya ang yaya ko na kilala ni Nia.

"Huy! Wag ka na maghanda ng kakainin, Jin. Busog pa ako."

"Ok lang yan." Iniwan ko si Ate Isav sa dining room at umupo ako sa may sala namin. Nagtetext ako kay Yeo Ji. Girlf ko.

Nakita ko namang papalapit si Ate Isav sa akin kaya umupo sya sa tabi ko. "Jin, salamat ha? Sorry pala kanina sa pagiging rude. Bitter lang talaga ako kay Joshua."

"Okay lang, Ate Isav. Ngapala, sorry ha pero gusto ko pa kasing malaman yung nangyayari sainyo nung Joshua na yun. Totoo nga? Na buntis ka?" Dami kong tanong ah.

"Okay. Gan'to, ako at si Joshua magkakilala na noong elementary. Sinagot ko nung Second Year HS, nagtagal kami hanggang sa tapos kami magaral. 6 Years ang tinagal namin pero dahil sa isang pagkakamali doon natapos ang pagmamahalan namin. At sa pagkakamaling yun ay may bata akong dinadala. After a year, nabuntis ako sakanya. At 2 weeks pregnant na ako. Pero nung sinabi ko ito sakanya, sabi nya sakin na ilaglag ko ang bata dahil mas nakakabuti raw iyon para sa'min dahil tapos na kaming dal'wa. Pero babae ako, hindi ako nagsawang mahalin siya at hinding hindi ako magsasawa. Lahat gagawin ko para sakanya. Bumitaw lang talaga siya. Ako ang naiwan. Mas pinili niya ang mga kaibigan nya kaysa sa girlfriend nya. E, mas nauna pa akong nakilala ni Joshua kaysa sa mga kaibigan niya. Yung mga sinabi ko kanina, naging bitter lang ako. I just lost my innocence. Pero, Jin, missing him is like hitting me a 45 calibre gun. Straight into my heart. It hurts so much. He was my world. My everything and the man who gave me strength and the man who became my inspiration. *huk* Sorry, ha! Umiiyak na ako. Nadala lang ako sa aking emosyon. Pasensya na." Ate Isav wiped her tears. Pinahiram ko sakanya yung panyo ko. Nakikita ko si Ate Isav in so much pain. Kaya kung sino ka mang Joshua ka, balikan mo na si Ate Isav!

𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓲𝓼 𝓪 𝓻𝓮𝓫𝓮𝓵.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon