XXXI

79 3 1
                                    

J-Hope

"Namjoon!" narinig kong pumiyok pa si V nang isigaw ang pangalan ni Rap Monster.

"Bakit?" Pagtanong ni Rap Monster. "Nakita mo si Jin?"

Lumapit naman si Jimin kay Suga. "San si Jin?"

"Nakita niyo rin ba si Jin?" tanong din ni Jungkook.

Oo nga, nasaan si Jin?

"Ay oo nga, ano. Asan nga yung lalaking yun?" Tanong ko naman sa kanila

San na naman kaya nagpupupunta yun. "Akala ko kasabay natin kagabi umuwi?"

"Oo nga!" -Suga. Baka hindi sumabay?

"Dami yatang nainom nun kagabi. Tinira lahat ng shots na nandoon sa table e." Jungkook

"Hala. Hanapin niyo tumawag kayo! Sabihin niyo nawawala si Kim Seok Jin!" V

Binatukan ni RM si V. "Bobo, ano ka ba. Madaming Kim Seok Jin dito! Hindi lang siya! Sabihin mo yung particular place kung saan nakatira! Tanga!"

"Hoy, ang init na naman ng mga ulo niyo." Akmang sabi ni Jungkook na bagong dating

"Paanong hindi iinit ang ulo, e nawawala nga si Jin!" Sabi ni V

"Malaki na si Jin-hyung. Kaya na nya ang sarili niya." kalmadong pagkakasabi ni JK

"Hmmm. Eh ikaw, Jungkook, saan ka galing? Ba't bagong dating ka?" Taehyung

"Hinatid ko si Nia. First day niya as college. At ako rin, ay aalis na dahil may pasok din ako. Ciao!" pa-cool na pagkakasabi ni Jungkook

Akala mo kung sinong gwapo. May ciao pang nalalaman. Ay nako, baka bantayan lang niya si Nia.

"Malaki na si Nia. Kaya na niya ang sarili niya." sabi ni RM

Tumawa si Jimin, bumalik kay Jungkook yung sinabi niya tungkol kay Jin. "Oh ano na, hanapin na natin si Jin para makapasok na din tayo." Jimin

Umayos na kaming lahat at nagsimulang hanapin si Jin.

Nia

Nakaka-conscious naman 'tong maikling palda, long-sleeved polo at long black socks. May kasama ding vest.

Kaya naman pala ganito uniform nila, malamig nga sa Korea. Naggagala ako sa may area na puno ng Cherry Blossoms, kahit pala dito may ganoong mga puno. Ang cute lang. Nakakita ako ng upuan. May nag-alok pa sa akin na umupo ako sa inuupuan nya. And I told him, "No."

Magagalit si Jungkook. Seloso pa naman siya. Napaka-clingy pa naman.

"Ya, is that Kim Seok Jin?" pinagbubulungan nila.

Kim Seok Jin as in Jin na ka-miyembro ni Jungkook?

Bakit parang papalapit siya sa akin? "Aaaaaah!" Napa-tagilid naman ako sa kinauupuan ko. Napalapit si Jin at sinabing, "Uy! Ano ginagawa mo dito? Nasaan si Jungkook? Hinahanap ba nila ako?" sabi niya habang nagaayos ng buhok na para bang walang nangyari kagabi sa dinner. Ganito pa siya sa akin, lakas magtanong. Ilang timba ng kakapalan ng mukha ang dala niya?  Bagong igib ba?

"Ewan ko. Saan ka ba galing?" I managed to say to him. "Ah, kina ano.. basta! Di mo kilala! Di mo rin naman makikilala eh bakit ko pa sasabihin sayo. Alis na ako bye!"

Hala! Ang high ni Jin, ano nangyari sakanya? Hmph.

SUGA

Tinatawagan ko si Jin, ayaw namang sumagot. Ano na kaya nangyari sa lalaking 'yon? San kaya sya galing?

𝓶𝔂 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓲𝓼 𝓪 𝓻𝓮𝓫𝓮𝓵.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon