Badboy-13

3.4K 115 4
                                    

                    Badboy-13

                    Badboy-13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Ilang metro nalang ang layo ko sa kanya nang tumigil ako sa paglalakad. Muling sumagi sa isipan ko ang mga katanungan na kanina ko pa naiisip. Iiwan niya rin kaya ako, iiwan niya rin ba ako at mag hahanap nang taong tunay na makakapag bigay sa kanya nang pamilya?. Natatakot ako na dumating ang araw na'yun.

Simula nang maging kami ay never kong naisip ang mga bagay na sinabe sa akin ni Janine kanina. Para akong sinampal nang ilang beses at nagising sa makamundong katotohanan.

"Hey babe, what happened? Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Hindi ko manlang namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Agad na bumalik ako sa aking katinuan. Tiningala ko siya at ilang sandali na tinitigan ang gwapo niyang mukha. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na yakapin siya nang mahigpit. Agad na nanubig ang aking mata. Niyakap din niya ako nang mahigpit habang inaalo.

"Ssshhh.... Everything gonna be okay babe. Nandito lang ako sa tabi mo no matter what happen."pang aalo niya.

Mas hinigpitan ko pa ang pag kakayakap sa kanya. Nababasa at nalulukot na din ang kanyabg uniform.

Matapos ang pag uusap namin ni Janine ay ngayun lang ako nakaramdam nang matinding takot. Natatakot na mangayari nga ang lahat nang sinabe niya. Isang araw palang na mag-on kami ni Miguel ngunit sobrang mahal ko na siya.

Naramdaman ko sa aking likod ang pag hagod nang kamay niya dito. Unti-unti akong lumayo sa kanya at muli siyang tiningala.

"Hindi mo'ko iiwan ha!" Parang bata na saad ko sa kanya. "Mag promise ka!" Itinaas ko ang aking hinliliit na daliri sa harap niya. Natawa naman siya sa tinuran ko.

"You're so cute babe. Haha" natatawa pa siya bago siya nag patuloy sa pag sasalita. "I won't promise, because promises are meant to be broken, babe. But! I will do my best ma protektahan at makasama ka lamang habang buhay" seryusong saad niya. Bakas ang sisiredad nang sinabe niya sa kanyang mukha. "I love you. Always remember that"

"Lablab din kita" at muli ay niyakap ko siya.

"So, shall we?" Tinuro niya ang kanyang sasakyan. Dun ko lang din naalala na nasa gate pa pala kami nang university at maraming estudyante ang dumadaan papasok at palabas nang campus.

Nagpatangay nalang ako sa kanya nang hilahin na niya ako papunta sa kinalalagyan nang kanyang sasakyan. Hindi ko mapigilan mapatingin sa mga estudyante na nadadaanan namin. Bakas sa kanilang mukha ang pag tataka.

'Si Miguel Cruz yan di'ba? Anong ginagawa niya dito?"

"Hala, si Cruz oh"

'Diba dito din yan nag aaral ang kasama ni Cruz, sa pag kakaalam ko BA student yan. Bakit kaya mag kasama sila.'

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon