Badboy-5

4.8K 162 1
                                    

                      Badboy-5

Kakatapos ko lang ilagay ang mga pinggan na nahugasan na sa lalagyan nang bigla nalang may nag doorbell, tinawag ako ni tita para pag buksan iyun.

"Bheee! Ikaw na ang mag bukas. Busy ako" aniya habang naka-upo sa sofa at titig na titig sa kanyang tablet habang pinapanood ang vedeo nang Exo na kaka-upload lang sa YouTube.

"Patingin ako" akma akong titingin sa screen nang tablet nang bigla niya itong ni-pause.

"Tingnan mo muna kung sino ang nag do-doorbell."

"Tita naman eh,"

"Bilis na. Ay naku bahala ka diyan." Aniya.

Wala na akong nagawa pa. Lumabas na ako nang bahay. Ala-7 na nang gabi pero medyu maliwanag parin kaya naman kitang-kita ko kung sino ang taong nag do-doorbell.

Parang napako ako sa aking kinakakatayuan nang makilala ko ang taong iyun. Naka tayo siya sa harap nang gate habang ang isang kamay nito ay nasa loob nang bulsa nang soot niyang pantalon. Nang nakita ako ay kumaway ito sa akin sabay ngiti.

"Bheee! Sino ba yan!?" Tanong ni tita.

"T-Teka lang po ta"

Dahan-dahan akong nag lakad papuntang gate, pilit kong pinapakalma ang sarili para hindi niya mahalata na nabigla ako nang makita siya.

"Hi, Good evening." Bati niya nang makalapit ako sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang tuluyan ko nang mabuksan ang gate.

"I'm here to visit you. Bakit, masama ba?"

"A-ano kasi.." Hindi ko alam ang idadahilan ko. Anong sasabihin ko, na iniiwasan ko siya, na kailangang layuan ko siya para mailayo ako sa gulo. Ah! Paano ako lalayo sa kanya kung siya mismo ang lumalapit sa akin.

"It seems that you are not happy na nandito ako." Aniya.

"Ano kasi... Marami akong ginagawa. Oo marami akong ginagawa na kailangan ko nang matapos ngayung gabi. Kailangan ko na kasing maipasa ang lahat nang iyun bukas." Pag papalusot ko. At sa nababasa ko mula sa mukha nito ay hindi siya naniniwala.

Ano ba kasi ang kailangan niya!?

"Hmn, okay. Babalik nalang ako sa susunod. Kung saan ay hindi ka na busy." Aniya. "I gotta go. Good evening again."

Hindi ko alam kung malungkot ba siya. Sa tuno kasi nang boses at tingin nang kanyang mga mata ay parang ganun. Na konsensiya tuloy ako. Tumalikod na siya at nag umpisa nang lumakad papunta sa kanyang sasakyan na nakaparada lang sa hindi kalayuan. Tinawag ko siya at agad naman siyang lumingon.

"Ah, Miguel. I-ingat ka, at... Good evening din." Tanging ngiti lang ang kanyang isinagot bago tuluyang pumasok sa kanyang sasakyan at umalis na.

Nang tuluyan nang maka alis ang kanyang sasakyan ay saka lang ako pumasok. Hindi ko alam kung bakit agad na nawala ang enerhiya na kani-kanila lang ay taglay ko pa.

"Sino yun Bhe?" Pang uusisa ni tita sa akin nang makapasok ako nang bahay.

"Ah, kaklase ko lang ta. Napa daan lang."

"Ganun ba. Halika na dito, sabay natin tong panoorin." Aniya sabay pakita nang panibagong video na naka pause pa.

"Ikaw nalang muna ta. Naalala ko kasing may gagawin pa ako."

"Ah, okay. Ikaw bahala"

Umakyat na ako sa aking silid. Agad kong ni-lock ang pintuan nito at pabagsak na umupo sa aking kama. Hanggang ngayun ay naaalala ko parin kung gaaano kalungkot ang mukha ni Miguel nang umalis ito. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako nang makitang hindi siya masaya.

Humiga ako sa aking Kama at tumitig sa kisame. Naalala ko nanaman ang paalala sa akin ni Janine na kailangan ko siyang iwasan para narin hindi ako masangkut sa ano mang kaguluhan na kinakasangkutan nang kanyang grupo.

Pero paano ako lalayo at iiwas sa kanya lalong-lalo na ngayun na nako-konsensiya ako dahil sa ginawang pag sisinungaling ko sa kanya. Kailangan kong humingi nang tawad sa kanya bukas.

......

Kinabukasan pag gising ko ay wala na si tita. Maaga na nanaman itong umalis. Inubos ko na ang aking inuming tsokolate na maraming marshmallow at tsaka niligpit na ang aking pinagkainan.

Plano kong mag lakad lang ngayun papuntang university dahil nga sa dadaan pa ako doon sa lumang bodega na pinagdalhan nila sa akin noon. Hindi ko inaasahan na maganda pala ang loob nang second floor. Malayong malayo sa pinapakita nito sa labas.

Bago umalis ay sinigurado ko munang naka lock ang lahat nang pintuan. Nang maisiguradong naka lock na ang lahat nang ito ay saka lang ako umalis.

Kasalukuyan kong isinasarado ang gate nang bigla nalang may bumusina sa aking likod. Saktong pag lingon ko ay siya ring pag labas ni Miguel sa kanyang sasakyan.

Napaka gwapo at napaka linis nitong tingnan sa kanyang simpling kasuotan. Tanging puting plain V-neck na t-shirt, itim na pantalon na hapit na hapit sa matipuno nitong hita, isang itim leather jacket at isang itim na sapatos lamang ang kanyang soot.

Lumapit siya sa akin.

"Good morning beautiful. Nandito ako para sunduin ka at ihatid sa school mo." Nakangiting sabi nito.

Parang kung may anong mga bagay ang nasa loob nang aking tiyan ang nag karambola nang marinig kong tinawag niya akong beautiful.

Since nandito narin siya ay hindi ko na kinakailangan pa na pumunta doon sa abandonadong building.

"Good morning din." Medyu nailang pa ako dahil sa grabe siya kung makatitig sa kin. "Ah, yung tungkol pala kagabe, gusto ko sanang humungi nang tawa--" agad na pinutol niya ang aking sasabihin.

"Forget that. You don't need to apologize to me. Ako nga tong dapat na humingi nang pasensiya sayo dahil inisturbo kita kagabe. I'm sorry Yan." Tinawag pa niya ako sa aking palayaw. "Let's go. Mag uumpisa na ang klase mo and I don't want you na malate sa klase mo."

Pinagbuksan niya ako nang pintuan at siya pa mismo ang nag kabit nang seatbelt ko. Sobrang lapit na nang mukha niya sa akin kaya naman kitang-kita ko kung gaano kakinis iyun. Ramdam ko rin ang mainit at mabango nitong hininga malapit sa tenga ko.

Hindi ko alam kung nahihirapan ba siya sa pag kabit nang seatbelt ko dahil sobrang tagal na niya sa ganoong pwesto. Yung kanyang mukha ay malapit sa aking leeg.

"Its done." Aniya sabay tingin sa akin.

Nagtama ang aming mata at para bang nahihipnotismo ako na huwag kumalas sa aming tinginan. Nakakaakit ang nga mata nito lalo pa't hindi pang karaniwang ang mga kulay noon. Sobrang lapit nang mga mukha namin sa isat-isa.

Dahan-dahang bumababa ang kanyang tingin mula sa aking mata papunta sa aking labi. Ma's lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukha dahilan upang maramdaman at maamoy ko ang mala mentol niyang hininga. Nakatitig lang siya sa aking labi kaya naman dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Hahalikan ba niya ako?!....

......

In-update ko na ang chapter na dapat sa susunod na martes ko pa ia-update. Kaso ay med-term exam ko na yun kaya ngayun ko nalang siya in-update.

What can you say?

Vote.......&.......comment.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon