Badboy-3

5.7K 186 10
                                    

                      Badboy-3

Pag katapos maligo ay bumaba na ako para mag almusal. Gumising na ako nang maaga ngayun. Takot ko lang ma drop, accounting pa naman ang subject nayun.

Naabutan kong nag kakape si tita Tricia habang nag babasa sa kanyang hawak na diyaryo.

"Gising ka na pala. Maupo ka na at mag almusal." Iniabot nito sa akin ang pinggang may kanin, at tsaka ulam. Palagi niya akong inaasikaso sa pag kain, kulang nalang na siya ang mag subo sa akin. Umalis siya sandali at pag balik niya ay may dala na siyang mug na may laman nang tinunaw na tsokolate na umuusok pa at marshmallows.

"Salamat Ta" nag umpisa na akong kumain nang may maalala akong itanong sa kanya. "Anong oras po kayo naka uwi kagabi?"

"Mag aalas-nwebe na ata y-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil may bigla nalang bumusina sa labas. Sa una ay hindi namin pinapansin iyun ni Tita, patuloy lang kami sa pag uusap. Ngunit patuloy parin iyung bumubusina. "Sino ba yun?" Iritang tanong ni tita.

"Ako na po ang titingin" pag prisinta ko subalit ay pinigan niya ako.

"Ako na, kumain ka na lang diyan." Tumayo na siya para tingnan kung sino ba yung tao sa labas.

Pag balik niya ay sakto ding katatapos ko lang kumain. Ililigpit ko na sana ang pinag kainan ko subalit pinigilan na naman  niya ako.

"Ako na diyan. Bilisan mo na diyan at kanina ka pa hinihintay nang kaibigan mo sa labas" aniya.

"Si Janine po?" Tanong ko sa kanya. Si Janine lang naman ang kaibigan ko.

"Ha? Hindi. Miguel daw eh. Ang gwapo nang kaibigan mo ha. Pinapasok ko nga pero ayaw pumasok. Sa labas ka nalang daw niya hihintayin."

"Miguel ho?" Nag tatakang tanong ko kay tita. Wala akong kilalang Miguel.

"Oo, bilisan mo na diyan at baka mainip na yung tao kakahintay sayo." Pag tataboy sa akin ni tita.

Wala na akong nagawa. Kinuha ko na ang aking bag sa sofa at lumabas na nang bahay.

"Ta, aalis na ako. I love you" ako.

"Mag iingat ka, love you too." Sagot niya mula sa kusina.

Nang makalabas na ay tumambad sa akin ang isang napaka gandang tanawin. Napaka gwapo nitong tingnan habang nakasandal sa isang  metallic grey color na Toyota vios. Naka bukas ang tatlong butones nang uniporme nito. Busy ito sa hawak na cellphone.

Bigla itong nag taas nang tingin mula sa kanyang hawak na  telepono papunta sa akin. Bigla itong umayos nang tayo at parang isang modelo na nag lalakad papunta sa akin. Teka lang bakit bukas ang gate?! Ugh, nakalimutan sigurong isara ni tita.

"Bat ang tagal mong lumabas,? Kanina pa kita hinihintay dito ha" reklamo nito nang makalapit sa akin.

"Bakit, sino ka ba ha?! At sinong nag sabi sayong hintayin mo'ko?" Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Kilala ko lang ang mukha niya dahil sa siya ang lalaking akala kong papatay sa akin kahapon.

Biglang nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa aking tinanong.

"You don't know me?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Mag tatanong ba ako kong kilala na kita ha?!. Tinatanong kita kahapon kong ano ang pangalan mo pero hindi ka sumasagot. Alis nga diyan ma li-late na ako eh."

Hahawiin ko na sana siya sa aking daraanan subalit hinawakan nito nang mahigpit ang aking braso at dinala sa kanyang sasakyan.

"Get in" aniya pag katapos niyang buksan ang pintuan sa may passenger seat. Wala na akong nagawa pa nang itulak na ako papasok at ikabit ang aking seatbelt. Umikot siya at pumasok na nang sasakyan.

"Teka lang, sino ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo talaga ako kilala, Aian?" Nagulat ako nang banggitin nito ang aking pangalan.

"Kilala mo'ko"

"Yeah, by the way I'm Miguel" aniya nang hindi manlang tumitingin sa akin. Tutok lang ito  sa kalsada. Hindi na ako nagulat nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Kahapon ko pa naririnig ang pangan na iyan.

"Miguel...?"

"Cruz. Miguel Cruz is my complete name." Aniya.

Tumigil na ang sasakyan. Hindi ko namalayan na nasa university na pala kami. Mabilis na lumabas ito nang sasakyan at binuksan ang pintuan ko.

"S-salamat"

"You're always welcome, babe" tama ba ang narinig ko.

"Ha?" Ako

"Nothing, umalis ka na. Mag uumpisa na ang klase mo?" Aniya.

"O-okay, salamat ulit. Ingat ka" pag papaalam ko sa kanya.

"Yes, I will" aniya. Pumasok na ito sa sasakyan at pinaandar na ito.

Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay pumunta na ako sa aking unang klase.

Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang bigla nalang may tumawag sa pangalan ko.

"Aian, friend..na miss kita" bigla akong sinalakay nang yakap ni Janine. "Gosh na miss kita. Marami akong chika sayo."

"Mamaya na yang chika. Bilisan na natin. Mag uumpisa na ang klase natin." Ako.

"Yes. May kailangan kang sabihin sa akin."dagdag pa niya.

Hindi ko na siya pinansin pa.

Nag tataka siguro kayo kung paano ako nakauwi kahapon. Well, hinatid ako kahapon ni Miguel. Matapos niyang umalis at iwan ako sa office niya ay mahigit dalawang oras akong nag hintay.

Akala ko talaga kahapon ay papatayin na niya ako para hindi na ako makapag sumbong pa sa pulis dahil sa aking nakita, pero hindi, kinalas niya ang mga lubid na nakatali sa parehong kamay at paa ko at tsaka inakay papuntang sasakyan niya. Hinatid niya ako sa bahay. Nakakapag taka lang dahil alam niya yung address ko kahit na hindi ko naman sinabe sa kanya.

Matapos ang klase ay agad akong hinila ni Janine papuntang cafeteria.

"Bakit mo kasama si Miguel kanina?" Maotoridad na tanong niya. Nakakapanibago dahil ngayun ko lang siya nakita na ganito ka seryuso.

"Ha? Bakit kilala mo si Miguel?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Gaga ka ba?!!, paano ko hindi makikilala ang taong yun, eh kilalang basagulero yan doon sa eskwelahan niya at sa barangay namin. Kung hindi nga anak nang mayor yan tiyak na matagal na yang nakakulong. Pasalamat siya sa kanyang ama at kapatid na pulis."

"Basagulero?"

"Oo, pag hindi niya nagustuhan or kung may atraso ka sa kanya tiyak na bugbug sarado ka. Isang beses nga ay muntik na yang makapatay" aniya "Marami yan sila eh, di lang ako sure kung ilan sila." Dagdag pa niya.

Hindi ko alam ang sasabihin matapos kong marinig ang kwento ni Janine. Oo, nakita kong may binubugbug sila pero hindi ko alam na kilala pala siya dahil sa ganyang gawain.

Hindi mo mahahalata na ganyan siyang klaseng tao. Malayong malayo sa kanyang itsura ang kanyang ugali. Pero bakit ganon,? Bakit pilit na tinatanggi nang isip ko na ganong klaseng tao si Miguel.

"Layuan mo ang taong yun, Yan, habang maaga pa at hindi ka pa gaanong involved sa kanya. Dahil sa huli, pag hindi ka parin lumayo sa kanya ay ikaw lang din ang masasaktan. Kaya habang maaga pa ay layuan mo na siya." Aniya sa tunong nag uutos.

.......

Vote.....&.....Comment.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon