chapter-34

1.1K 50 17
                                    

⚠ WARNING⚠ A LOT OF TYPOS AND WRONG GRAMMAR ALERT! if may mabasa or makita kayong wrong grammar ay paki-comment nalang po nang sa ganun ay ma-edit ko. thank you.

....

Magkahawak-kamay na lumabas sa isang fast-food chain sina Miguel at Aian. Hindi nila pinapansin ang masasamang tingin nang iba at dini-dedma lang ang masasamang bulungan nang mga ito tungkol sa kanila.

Palabas na sila nang mall nang alukin siya ni Aian nang iniinom nito. Itinapat nang maliit na lalaki ang dulo nang straw nang iniinom nito sa labi ni Miguel.

Ang ibang nakakita sa kanila ay para bang nandiri ngunit meron namang kinikilig. Ang iba pa nga ay kinukunan sila nang litrato.

Mula sa mall ay pumunta sila nang parke upang lumanghap nang sariwang hangin kahit na hapon na. Kung kanina ay Milktea ang hawak ni Aian, ngayun naman ay burger, at fries na sinasawsaw nito sa medyo tunaw na niyang sundae.

Wala gaanong tao sa park. Mabibilang mo nga lang sa daliri nang kamay mo ang mga nandoon. Nakakapanibago dahil sa palagi itong dinadagsa nang mga tao upang mamasyal o kaya ay magliwaliw, ang iba pa nga ay dinadala ang mga alaga nilang hayop upang ipasyal din sa parke. Ngunit ngayon...

Naglibot-libot muna sila bago nag aya si Aian na umupo at magpahinga, nananakit daw kasi ang binti niya. Ang totoo ay hindi talaga nananakit ang mga binti ni Aian, tinatamad lang talaga siyang maglibot.

Unti-unti nang nawawala ang mga tao sa parke hanggang sa dalawa nalang sila ang natira. Alas-sinco palang nang hapon, wala pa si Tricia sa bahay nila dahil may date ito kaya naman mas lalo pang tinamad si Aian na umuwi.

Naglalandian sila ni Miguel sa bench na kinauupuan nila kaya naman hindi nila namalayan ang paglapit nang hindi bababa sa kinse na mga lalaki sa pwesto nila. Naagaw lang ang atensyon nilang dalawa nang mag salita ang pinaka pinuno nang grupo.

"It seems that the both of you are having a good time, can I join?!" nakangising ani nito. Nakatutok lamang ang malisyusong mata niya kay Aian at sa maputing hita nito na hindi na abot nang suot nitong short.

Agad na tumayo si Miguel. Itinago si Aian sa kanyang likod at iniiwas sa paningin nang lalaki. Kilala niya ang mukha nang lalaki pero hindi ang pangalan. Inilibot niya ang tingin sa mga lalaking naroon din. Katulad nang lalaking pinuno nila ay kilala din niya ang mga mukha nito ngunit hindi ang pangalan.

Paano niya nga ba makakalimutan ang mga mukha na kanyang binasag at muntik nang mapatay?.

"Anong kailangan niyo?" Mahinahon na tanong niya. Pilit na pinapakalma ang sarili.

Humakbang paabante ang lalaki kaya naman mas lalo pa niyang itinago si Aian sa kanyang likuran.

"Ano sa tingin mo ang kailangan namin Cruz, ha?" Tanong pabalik nang lalaki sa kanya sabay tawa. Nakakapangilabot ang uri nang tawa nito, tawa na may binabalak na masama. Kahit si Aian na nasa likuran ni Miguel ay nangilabot din sa uri nang pagtawa nito.

Tumigil siya dalawang dipa ang layo mula kay Miguel. Nilalabanan ang nakakamatay na tingin ni Miguel.

Napakapit si Aian sa likod nang suot na T-shirt ni Miguel. Wala siyang kaide-ideya sa nangyayari ngunit natatakot siya. Lalo na nang makita niya ang mga bitbit nang mga lalaki na baseball bat at mga putol na bakal.

"Binibisita ka lang namin Cruz. Masama ba 'yun?. Matagal-tagal na rin kasi n'ung huli nating pagkikita. Hindi mo ba kami na-miss? kasi ikaw sobrang na-miss namin." sabay silang lahat na napatawa dahil sa sinabe nang kanilang leader.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Aian sa suot na damit ni Miguel.

"Miguel" aniya at isiniksik ang sarili sa likuran nito.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon