Badboy-7

4K 156 4
                                    

                      Badboy-7

Nag didiscuss ang prof. namin sa unahan samantalang ako ay naka yukyuk sa aking upuan. Ang bigat bigat nang pakiramdam ko. Gusto kong humiga at matulog dahil sa sobrang sakit nang ulo ko. Nilalamig din ako samantalang ang init-init naman nang katawan ko.

"Ma'am" natigil sa pag didiscuss ang propesor nang tawagin nang isa kong ka-klase ang pansin niya.

"Yes Mr. Saga?"

"Si Aian po  ang init. Nilalagnat po" saad niya. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman na masama at mainit ako kasi hindi ko naman sinabe sa kanya. Hindi rin niya ako nahawakan.

Narinig ko ang mga yabag nang kung sino man papalapit sa akin. Natigil lang ito nang nasa harapan ko na siya. Nagitla pa ako nang may maramdamang kamay na dumampi sa leeg ko.

"Okay ka lang ba Mr. Santos. Gusto mo bang umuwi o pumunta nang clinic!" Tanong nang propesor namin.

Dahan-dahan akong nag angat nang tingin sa kanya bago sumagot.

"S-Sa cli-nic nalang po" magalang na sagot ko. Ayaw kong umuwi. Waka dun si tita. Mag isa lang ako doon.

"Mr. Saga. Ihatid mo si Mr. Santos sa clinic." Utos na sa kaklase ko.

"Yes ma'am" tumalikod na ang propesor at pumunt na sa unahan para ituloy ang na udlot na klase.

"Kaya mo bang tumayo. Gusto mo buhatin kita?" Tanong niya. Namula pa ang kanyang pisngi nang tingnan ko siya.

"Kaya ko namang tumayo. Salamat" inalalayan niya ako sa pag tayo. Inilagay niya ang aking kamay sa kanyang leeg.

Sobrang nang nanghihina ang mga paa ko. May kalayuan pa naman ang ang campus clinic kaya nasisigurado kong hindi na ako aabot pa doon.

"Aian. What happened to you" wika nang boses na nasa likod namin. Sabay pa kaming napalingon ni Saga sa nag salita. Ang kamukha pala ni Shownu. Ano kaya ang ginagawa niya dito?.

"Ako nang bahala sa kanya" hindi mabali na saad niya. Tiningnan ko si Saga. Parang maiihi na ito sa kanyang pantalon. Ramdam ko rin ang panginginig nang katawan niya. In-short natatakot siya. Bakit kaya?.

"A-ah, Oo. I-ito oh" dahan-dahan niya akong iniabot sa kamukha ni shownu.

"Thanks sa pag hatid Mike"ngiti lang ang isinagot niya sa akin kasabay nang pamumula nang kanyang pisngi.

"Go back to your class" wika nang kamukha ni shownu sa kay Saga. Kumaripas naman nang takbo ang lalake na para bang hinahabol siya nang sampong dimonyo. "Do you want me to carry you?" Maingat na tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot.

"Wag na, kaya ko pa naman eh" nakangiting sagot ko. Gusto ko na talagang mahiga at matulog.

"Patay kami nito kay Miguel pag nalaman niyang nag kasakit ka eh" mahinang usal niya kaya naman hindi ko na masyadong naunawan pa iyun.

Mahigpit ang hawak nito sa aking bewang. Akala niya naman eh matutumba na ako.

Pag dating namin sa clinic ay agad akong inasikaso ni Nurse M. Ako lang ang natatanging pasyente ang naroroon. Pinahiga niya ako sa isang higaan doon. Si Kamukha naman ni Shownu ay lumabas muna dahil may tatawagan daw siya.

Matapos akong painumin nang gamot ni Nurse M ay iniwan na niya ako. Matulog daw muna ako, at yun naman talaga ang gusto ko, ang matulog.

Promise, hindi na ako mag papa-ulan. Nakakainis kasi sa tuwing nag kakasakit ako ay hindi ako kumakain. Gusto ko namang kumain pero lahat nang kinakain ko ay isinusuka ko rin. So useless lang din. Naulinigan ko ang papalapit na boses ni Kamukha ni Shownu. May kausap pa rin ito sa kanyang telepono at mukhang ayaw niyang iparinig sa akin ang kanilang pinag uusapan dahil sa sobrang hina nang boses niya.

"Nasa school clinic. Yes. .....okay okay. Bye." Pinatay na niya ang kanyang telepono. Hindi ko na rin siya pinansin dahil nga sa antok na antok na din ako.

......

Miguel POV.

Matapos akong tawagan ni Kyle at sabihing may sakit daw si Aian ay mabilis akong bumalik sa room ko. Kinuha ko ang aking mga gamit at basta nalang inilagay sa aking bag. Wala na akong paki kong may klase man ako. Ang gusto ko lang ay ang mapuntahan agad si Aian.

Ilang beses na tinawag nang prof ko ang aking pangalan subalit hindi ko iyun pinansin. Nag mamadali ako so bakit ko pa siya papansinin. Isa pa ang boring din niyang mag klase.

After kong ilagay ang mga gamit ko sa backseat ay agad ko nang pina karipas nang takbo ang aking sasakyan. I want to see him. At walang sino man ang makakapigil sa akin.

Ilang minuto lang ay narating ko na ang iskwelahan nila. Hindi ko alam kung nasaan ang clinic nila kaya naman nag tanong tanong ako sa mga taong nakakasalubong ko.

"Do-doon po. Diretso l-lang po kayo" nahihintakutan na sagot sa akin nang lalaking pinagtanungan ko.

Mabilis na tinakbo ko ang daan na tinuro niya.

Campus Clinic.

Ito na nga ang hinahanap ko.  Bukas ang pintuan kaya pumasok nalang ako.

"Hey Mr. What do you need?!" Tanong sa akin nang babae. Maybe she was the nurse here.

"I'm looking for Aian Santos."

"Ah si Aian. Bakit ano ka ba niya?" Mataray na tanong niya.

"I'm his boyfriend. And I want to see him right now"

"Ito naman. Masyadong mainit ang ulo mo. Hehe. Nasa ikatlong higaan po ang boyfriend mo sir, nag papahinga. Masama kasi ang pakir--" hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita. Tumalikod ako sa kanya at tinungo ang kinahibigaan ni Aian.

May apat na higaan doon. At tanging mga asul lang na kurtina ang nag sisilbing divider nang bawat kama.

Hinawi ko ang kurtina. And I saw him. Sleeping peacefully. Lumapit ako sa kanya at tahimik na pinag masdan ang mala anghel niyang mukha. He's so beautiful. Namumula ang kanyang pisngi at maputla ang kanyang labi. I brush my thumb finger in his lips. Napaka lambot non.

"Uhmn" ungol niya. Mabilis na nabawi ko ang aking kamay. Natakot na baka magising siya sa kanyang pag tulog.

Ngunit makaraan ang ilang sandali ay nananatili parin siyang tulog. Hinubad ko ang aking sapatos at polo bago sumampa sa higaang kinahihigaan niya. Nahiga ako sa tabi niya. Inilagay ko sa aking dibdib ang kanyang ulo. Ipinayakap ko sa aking hubad na katawan ang kanyang kamay. Hindi ko na kinailangan pa na i- adjust siya dahil siya na mismo ang nag adjust nang kanyang katawan. Ma's sumiksik pa siya sa akin. Ma's idiniin niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at mas humigpit pa ang kanyang pag kakayakap sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapa ngiti.

Bago ako makatulog ay hinalika ko muna siya sa ulo.

"Sleep well, babe" mahinang usal ko.

......

Lame. Sorry. Babawi ako sa susunod na chapter. Hehe

Vote......&.......Comment.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon