chapter-33

1.1K 54 23
                                    

SA isang open Seafood Restaurant na malapit sa dagat dinala ni Miguel si Aian. May kalayuan ito sa kanilang lugar ngunit hindi nila ito alintana.

Napaka romantic nang lugar. Maliwanag ang dalampasigan dahil narin sa mga heart shape lanterns at mga Christmas lights na nakasabit sa mga puno.

Matapos makapag paalam ni Aian sa tita nito ay agad na silang umalis papunta sa nasabing kainan. Hindi narin sila nagpalit pa nang damit kaya naman pareho pa silang naka uniporme.

Pulos magkasintahan din ang kumakain sa nasabing restaurant, bukod kasi sa masasarap ang pagkaing inihahanda nila ay perpekto din ang lugar para pag-date-an. Malayo sa bayan, walang polusyon at preska ang malinis na hangin na nanggagaling sa dagat.

Sa pinakadulo nang restaurant ay may isang maliit na stage kung saan kumakanta ang banda. Mga lumang lovesong na awitin ang tinutugtog nila kaya mas lalo pa na nagiging romantic ang ambiance nang lugar.

Nagsimula nang kumain ang dalawa. Malalaking hipon, alimango, at mga shellfish ang kanilang in-order. Ito rin kasi ang pinili ni Aian kaya wala nang nagawa si Miguel kundi ang sundin ang utos nang maliit na lalaki.

Ito ang unang beses na makita ni Miguel na ganito kagana kumain si Aian. Madalas kasi ay pili lang ang kinakain nito lalo na sa mga gulay. Hindi mo rin ito mapapakain nang marami kahit na gaano pa kasarap ang pagkain, hindi kagaya ngayon na para bang ilang araw itong hindi nakakakain sa uri nang pagsubo nito, tig dadalawang kamay pa ang gamit nito sa pagsubo.

Nakangiti lamang si Miguel habang tinitingnan ang kasintahan sa pagkain, siya rin ang taga-balat nito.

"hey babe, dahan-dahan lang sa pag subo" aniya sabay lapag sa plato nito nang nabalatan na niyang hipon.

"Gutom ako" ani naman nang isa sabay subo sa hipon na inilagay nito sa kanyang plato. "Hindi ka ba kakain?" tanong nito kay Miguel nang makitang wala pang laman ang plato nito.

"Later okay. For now ay ikaw muna ang pakaka-inin ko." sagot naman nang isa sabay subo sa kanya nang kakabalat palang nito na hipon.

"Bahala ka pag naubos ko ang lahat nang 'to"

Natawa nalang ang isa dahil sa isinagot niya. Panay parin ito sa pag aasikaso sa kanya.

Nitong mga nakaraang araw ay napaparami na kung kumain si Aian, tapos may mga pagkain din siya na gusto niyang kainin. Sa hapon naman ay tamad siyang gumalaw at gusto nalang matulog. Madalas ding pulikatin ang binti niya at pananakit nang kanyang likod lalong-lalo na sa umaga paggising niya.

Minsan ay nawi-weirduhan din siya sa sarili, may mga bagay kasi na gusto niyang gawin na hindi naman niya ginagawa at hindi niya naisip na magagawa. Katulad na lamang ngayun, gusto niyang himasin ang abs ni Miguel habang kumakain siya, at nang mag angat ang binata nang tingin sa kanya ay gusto niya ring tusukin ang mata nitong hindi pareho ang kulay. Talaga ngang ang weird niya.

Matapos nilang kumain ay naglakad lakad muna sila sa dalampasigan. Bitbit ni Miguel ang bag nilang pareho habang siya ay bitbit ang sariling sapatos. Aliw na aliw siya sa panonood sa alon nang tubig, pati narin sa tuwing lumulubog ang maliit niyang paa sa basang buhangin. Para siyang isang bata na first-time nakapunta sa dagat.

"Miguel gusto kong maligo!" aniya.

"No babe, gabi na. Hindi ka marunong lumangoy, wala tayong dala na pamalit at baka mag kasakit ka" tutol naman nang isa.

Napa pout siya dahil sa sagot niya.

"Sige, pero pahawak muna nang abs mo" nakangiting saad niya. Kanina pa niya itong gustong gawin subalit pinigilan lang niya ang sarili, marami kasing tao at baka kung makihimas din ang mga ito kung du'n niya iyun gagawin. Nagiging madamot narin siya. At isa ang abs ni Miguel sa mga bagay na gusto niyang ipagdamot.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon