chapter-30

1.5K 57 7
                                    


Author POV.

Sobrang higpit nang pagkakahawak ni Miguel sa kanyang telepono habang pinapakinggan ang nag sasalita sa kabilang linya. He already know kung sino ang taong sumusunod kay Aian, alam na din niya kung sa anong grupo ito nabibilang.

"I want you to get him as soon as possible." he said. Nananatiling nakatutok ang paningin sa labas nang bintana.

Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Alam niya ang rason kung bakit nila pinapasundan si Aian. Plano nila itong kidnapin nang sa ganun ay may pang blackmail sila kay Miguel.

"Yes boss. Makaka asa ka" sagot naman nang kausap niya sa kabilang linya.

Hindi na siya sumagot pa at tuluyan na ngang pinatay ang tawag. Sunod naman na tinawagan niya ay si Roy, ang isa sa pinadala niya upang bantayan si Aian.

"Hello Cap!" masiglang bati sa kanya ni Roy.

"How is he?" tanong niya.

"Nasa room pa nila Cap, hindi pa ata tapos sa kanyang exam." ngayung araw pala ay ang midterm examination nila. Hindi na niya ito nahatid kanina dahil nga maaga rin ang start nang klase niya.

"Bantayan niyo siya nang maigi. Kung may makita kayong kahinahinala na tao ay agad niyo itong ipaalam sa'kin. Are we clear?"

"Very clear Cap." agad na sagot nito.

"Good" at agad na nga niyang pinatay ang tawag. Napangiti na lamang siya nang makita ang wallpaper nang kanyang telepono.

It was Aian. Smiling in the camera wearing his t-shirt. Lumalabas ang isang dimple nito dahil sa sobrang pag ngiti at naka peace sign pa. Naging mas maliit pa itong tingnan dahil sa over size na t-shirt na suot nito. He look so very vulnerable and fragile at the same time.

Hindi niya napigilan ang sarili na himasin ang mukha nito sa screen nang kanyang cellphone. Ini-imagine na nasa tabi niya lamang ito at wala sa screen nang kanyang telepono.

" No one can hurt you as long as I'm alive babe. And no one can take you away from me, no one"

Niligpit na niya ang lahat nang kanyang gamit na nakakalat sa kanyang mesa. Isa-isa niya itong nilagay sa kanyang bag at lumabas na nang kanilang class room papuntang parking lot nang kanilang unibersidad upang kunin ang kaniyang sasakyan at sunduin ang kanyang pinakamamahal na Aian.

Hindi niya ito nahatid kanina kaya naman babawi siya ngayun sa pag sundo dito.

May kalayuan ang university na pinapasukan ni Aian sa university na pinapasukan niya, nasa kabilang munisipyo pa ito kaya naman medyu matatagalan siya sa pagsundo dito.

Hindi niya mapigilan ang sarili na ma excite. Palagi niya itong nakaka usap sa telepono at sa chat subalit palagi niya parin itong nami-miss. Tila ba isang oxygen si Aian sa kanya, na kahit sandali lamang itong mawala ay mamatay siya.

If only he could lock him up beside him ay gagawin niya nang sa ganun ay palagi niya itong mabantayan at nakikita. But no, ayaw niyang maging selfish. Baka sakaling pag ginawa niya iyun ay masakal niya si Aian at iwan siya nito at ipag palit sa iba.

"I don't want to see him givin' up on our relationship. And I would never ever want to see him together with another guy." aniya sa sarili. Mas lalong humigpit ang pagka kakapit niya sa manibela nang sasakyan.

"fuck! I will kill that bastard if ever that happen" dagdag pa niya.

Nang marating na niya ang uni. ni Aian ay hindi na siya pumasok pa sa campus nito. Ipinarada na lang niya ang kanyang sasakyan sa gilid nang kalsada at hinintay nalang na lumabas si Aian.

Agad na gumuhit ang isang napaka tamis na ngiti sa kanyang labi nang makita ang taong hinihintay niya. Agad na tumayo siya mula sa pag kaka upo sa hood nang kanyang sasakyan at sinalubong si Aian.

Nag tatakbo naman ang isa papunta sa kaniya nang makita siya nito. He look like a kid sa uri nang pag takbo nito. He's adorable, kaya naman hindi napigilan ni Miguel na tumawa. Mukhang ang sarap nitong ilagay sa loob nang bulsa at alug-alugin kasama nang mga barya.

Nang magkalapit na sila sa isat-isa ay agad na yumakap si Aian sa kanya. Isinubsub nito ang mukha sa dibdib nang nobyo at agad na sininghot ang kina a-adikan nitong amoy, yun ay ang amoy ni Miguel.

"How's your exam" tanong ni Miguel kay Aian na nananatiling naka subsub parin sa kanyang dibdib. "I miss you"

"Pamatay! kahapon lang tayo nag kita ah!" sagot naman nang isa.

"Bakit, hindi mo ba ako na mimiss?"

"Nami-miss syempre!" Mapupungay ang mga mata na sagot nito, dala na siguro nang subrang pagod at antok.

Hindi niya tuloy maiwasan na maawa kay Aian. Mukhang pagod na pagod nga ito.

"Gusto ma na bang umuwi? Ihahatid na kita"

"Pwede ba na sa hide out niyo na muna ako.? Wala kasi si Tita sa bahay. Wala akong kasama dun." nakalabing sagot nito.

Agad na ibinaba ni Miguel ang ulo para mag pantay ang kanyang labi sa naka ngusong labi ni Aian.

"Pwede kitang samahan dun if you want, you know"

"No, sa hide out niyo na ako mag e-stay ngayun."

"Okay, sabi mo eh. So lets go" hinila na niya ang isa papunta sa kaniyang sasakyan. Pinag buksan niya ito nang pintuan bago sumakay sa driver seat.

Kaka umpisa palang niyang mag maneho nang lingunin niya si Aian. Payapa na itong nakapikit. Malalim narin ang uri nang pag hinga nito. Nakatulog na siguro sa subrang kapaguran.

Inabot niya ang kamay nitong nakapatong lang sa kanyang hita at dinala ito sa kanyang labi. Dinampian niya eto nang mumunting halik at saka pinag siklop ang kamay nilang dalawa.

Dumaan muna siya sa drive-thru nang isang kilalang fast-food dito sa Pilipinas dahil sigurado siyang gutom etong gigising mamaya. Iinitin nalang niya eto pagkagising ni Aian.

Nakarating na sila nang hide out subalit tulog parin si Aian. Una niyang inihatid sa loob ang pag kain, sunod naman niyang binalikan si Aian na mahimbing parin na natutulog.

Sandali niya itong tinitigan. Bumilis ang takbo nang kanyang puso dahil sa kanyang nakikita. Talaga namang mahal na mahal niya ang taong natutulog ngayun sa loob nang kanyang kotse. Sandali niyang hinimas ang makinis at malambot nitong mukha bago gawaran nang isang napakatamis na halik ang mapupula nitong labi.

Dahan-dahan niya na itong binuhat, iniiwasan na itoy magising. Mabagal lamang siyang nag lalakad kahit na para sa kanya ay subrang gaan lang ni Aian.

Maingat na inihiga niya eto sa kanyang kama bago eto kinumutan. Muli niya etong hinalikan bago lumabas nang kanyang silid.

Agad na sinalubong siya nang dalawang pares nang mata. Mga nang uusisa.

"Sino yun?! Siya na ba? ipakilala mo naman kami" may kalakasan na sabi ni Lukas. Agad naman niya itong pinatahimik.  Bitbit ang paper bag na may laman na pag kain ay pumunta siya nang kusina.

"Para sa'min ba'yan?. Ang sweet naman" si Cole.

"No, hindi para sa inyo 'to. And, can you please lower your voice. May natutulog sa kwarto ko"

"Sorry po" sabay naman na sagot nang dalawa.

....

sorri sa mga wong gwammars diyan. hehe. 

Hi nga pala kay @msCharmyn hehe. Natawa ako sa mga comments mo gurl. 😂😂😂

vote.........&....................comment!

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon