chapter-28

1.5K 74 7
                                    

                   Chapter-28

“What!!? Matagal kana palang sinusundan nang lalaking yung pero never kang nag sabe sa akin” Hindi makapaniwalang saad niya. Nakatayo siya sa harapan ko habang ako naman ay naka upo sa isang mahabang sofa.

Matapos ang nangyari kanina ay dito niya ako dinala sa hide out nila. Medyu natakot pa ako dahil hindi katulad nang unang punta ko dito na tanging dalawa lang kami ang tao, ngayun ay marami, pulos mga lalaki pa. tinawagan ko lang saglit si tita at nag paalam na male-late ako nang uwi. Ayaw ko namang umuwi nang bahay ganito ang sitwasyun ko, ayaw ko na mag alala pa siya sa akin.

“h-hindi ko naman kasi inaasahan na aabot sa ganito ang gagawin niya. N-nang una kasi ay hindi ko siya nakilala kaya naman pinabayaan ko lang siya, hinayaan ko lang na sumunod sa akin hanggang sa mag sawa siya at tumigil na sa ginagawa niya.” Nakayukong sagot ko. Natatakot ako na harapin siya.

“Yan, I’m your boyfriend, and as your boyfriend it is my duty to protect you, to keep you away from danger, to keep you safe. So pa’no ko matutugonan ang responsibilidad ko ung ikaw mismo ay hindi nag sasabi sa akin, nagtitiwala sa akin? I feel so useless” hindi ko halos magawang tingnan siya. Nakokonsensiya ako.

Pakiramdam ko tuloy ay napaka inutil ko, napaka inutil ko in a way na pinag mukha kong walang kwenta ang taong labis na nag aalala sa akin, ang taong labis na nag mamahal sa akin maliban kay tita. Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya niya dahil sa tinawag niya ako sa aking pangalan.

“Sorry” iyan lang ang tanging naisagot ko. nananatiling nakayuko habang nasa ibabaw nang hita ko ang dalawa kong kamay. Pinipigilan na huwag pumatak ang mga luha.

Naramdaman ko nalang ang paggalaw nang sofa sa may gilid ko, tanda na umupo siya. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakapatong sa tuhod niya ang dalawang siko habang ang mukha naman niya ay nakasubsub sa kanyang mga palad.

“pa’no kung late ako dumating, kung hindi ako dumating, kung hindi ko nasagot ang tawag mo?” halos hindi ko na maintindihhan ang mga sinasabe niya dahil sa kanyang palad na nakatakip sa kanyang mukha at sa sobrang hina na rin nang pag kakasabi niya. “Yan hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayu, hinding-hindi.”kasabay nang huling salita na sinabe niya ay ang pag yugyug nang kanyang balikat tanda na umiiyak siya.
Mas lalo pa akong kinain nang aking konsensiya, nang dahil sa akin ay umiiyak ngayun si Miguel, umiiyak ngayun ang lalaking mahal na mahal ko.

Hindi ko alam kung paano siya papatahanin kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

“Sorry, sorry…sorry” paulit-ulit na saad ko habang nakayakap sa kanya.

“No, I should be the one who is apologizing here, not you babe. Hindi manlang kita nabantayan, at nang dahil sa akin ay muntik ka pang mapahamak. Ako ang rason kung bakit ka sinusundan nang lalaking yun, dahil alam niyang malapit ka sa akin ay mas naisip nila na ikaw nalang ang gantihan imbes na ako. Promise, hahanapin ko ang lalaking yun.” Umayos siya nang upo papaharap sa akin at saka ginantihan din ang mga yakap ko.

Nang dahil sa ginawa niya ay isiniksik ko ang aking sarili sa dibdib niya. Medyu gumaan narin ang pakiramdam ko dahil sa tinawag na niya ako sa endearment naming dalawa.

“Wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan kung ganon ang takbo nang utak nang taong iyun na imbes na ikaw ang gantihan ay ako. Promise, pag nakita ko ulit ang taong iyun ay ikaw ang unang taong pag sasabihan ko. At, hindi ka useless, tandaan mo yan.”

“I love you babe, I love you so much.”

“mahal na mahal din kita”

Nag tagal pa kami sa posisyung iyun. Mag kayakap habang dinadama ang init nang pag mamahal nang bawat isa.

“ihahatid na kita sa inyo. Sigurado akong nag aalala na sayo si tita tricia.”

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay sabay na kaming lumabas nang hide out nila. Naabutan pa namin sa baba ang ilang myembro nang gang nila. Nang makita nila kami ay sandali silang tumigil sa kani-kanilang ginagawa at saka tumango sa amin- kay Miguel lang pala. Ang iba naman ay tinatawag na ‘kapitan’ si Miguel. Sa anong kadahilanan ay hindi ko alam.

Kumain muna kami nang hapunan sa nadaanan naming restaurant bago tuluyang umuwi. Ang tatlong minuto na beyahe namin papunta sa bahay ay naging tahimik lamang, kumportableng katahimikan na kung saan ay habang binabagtas naming ang kahabaan nang kalsada ay magka hawak lamang ang aming mga kamay.

…..

Kinaumagahan ay maagang-maaga akong sinundo ni Miguel. kahit na nakapag almusal na ako sa bahay ay nag almusal kami ulit sa isang pancake house na ayun sa kanya ay paborito niyang kainan. May kalayuan ang nasabing pancake house sa pinapasukan kong university kaya naman medyu may katagalan ang beyahe.

Hindi naman ako nag-sisi nang matikman ko na ang kanilang ipinagmamalaking ‘blueberry pancake’ idagdag mo pang masarap itong ibagay sa isang mainit na kape.

Matapos naming mag almusal ay inihatid na rin niya ako sa uni pabalik.

“By the way babe, may pinadala pala akong dalawang myembro nang gang upang mag bantay sayo. Okay lang ba yun?”

Medyu nagulat pa ako dahil sa sinabe niya. Kailangan ba talaga na may mag babantay sa akin? I mean, hindi na ako bata para bantayan, kaya ko naman na ang sarili ko.

“Miguel wag nalang siguro. Kaya ko na naman ang sarili ko eh, promise walang may mangyayaring masama sa akin.”

“Babe please, it is the only thing that I can do for you. Wala ako palagi sa tabi mo upang bantayan ka kaya naman pababantayan nalang kita sa iba nang sa ganun ay mapanatag ang loob ko. Please.”

Wala na akong nagawa pa kaya naman tumango nalang ako. At kagaya nga nang sinabe niya ay may naghihitay na sa akin sa labas nang gate nang uni ko. Isang lalaki at babae. Bale ka-schoolmate ko sila base narin sa sinabe ni Miguel.

Matapos naming mag paalaman ay isang mabilis ngunit puno nang pag mamahal na halik ang iginawad niya sa akin bago siya sumakay sa kanyang itim na sasakyan at umalis na.

Pumasok na ako sa uni kasama ang mga bago kong kaibigan na siyang mag babantay sa akin.

Labag man sa loob ko ang ‘bantay-bantay’ thingy na to ay tatanggapin ko nalang, kung yun lang naman ang tanging paraan upang mapanatag ang loob nang taong mahal na mahal ko. Sana lang ay hindi sila maboringan sa akin.  Haha.

…..

Advance Merry Christmas and happy New Year guys. Ngayun ko na kayo babatiin dahil I’m pretty sure na hindi ako makaka update sa mga araw na iyan. Haha. Love you guys.

BTW, thanks pala para dun sa mga bomoboto at nag kokomento sa istorya kong ito. I’m hoping na sana ay wag kayong mag sawa at patuloy na suportahan ang story nila Miguel at Aian. Thank you guys!!!

Vote…..&….comment

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon