Badboy-17

2.5K 104 9
                                    

                     Badboy-17

"Ta, san yung mas maganda. Ito o ito" pinakita ko sa kanya ang dalawang damit ko na naka-hanger pa.

Tiningnan lang ako ni Tita. Punong-puno ang bibig nito nang tsokolate. Nakalagay sa hita niya ang kahon habang naka upo siya sa kama ko kasama nang mga damit na kanina ko pa pinag pipilian.

"Ta! Wag mong ubusin yan. Bigay sa akin ni Miguel yan eh" saway ko sa kanya.

"Tatlo pa nga lang ang nakain ko. Ang damut mo naman."

"Tulungan mo nalang kaya ako dito. Nandiyan na mamaya si Miguel pero hindi pa ako handa."

"Dapat bhe, you should look presentable. Para maganda yung first impression nang family ni Miguel sayo. Wait lang" inilagay niya sa mesa na nasa gilid nang kama ko ang kinakan. Lumapit siya sa kabilang drawer ko at may mga hinalungkat doon. "Ito, mas maganda sayo to Bhe." Ipinakita niya sa akin ang isang amerikana at barong na parehong naka hanger at nababalot pa nang plastic.

"Seryuso? Ta, hindi ko lamay at wala akong meeting na a-attend-an. Para naman akong tanga niyan eh." para namang patay ako kung yung barong ang susuotin ko. Tapos kung yung amerikana naman ay masyado namang pormal yun.

"Ang arte mo talag-- o baka siya nayan. Ako na ang mag bubukas." Mabilis na lumabas siya sa kwarto ko at bumaba para pag buksan ang taong nag doorbell. Basta nalang niya inihagis sa higaan ko ang mga damit na hawak niya.

Sa huli ay tanging isang plain gray v-neck shirt ang isinuot ko. Tinirnuhan ko nalang ito nang isang black ripped jeans at isang high-cut black converse shoes. Okay naman na siguro to no?.

Humarap ako sa salamin upang ayusin ang buhok. Nag spray ako nang perfume pag katapos.

"Bhe, bilisan ko naman diyan. Nakakahiya sa bisita mo." Sigaw ni tita.

Hindi kona niligpit pa ang mga damit na nakakalat sa Kama ko. Kinuha ko ang kahon nang tsokolate at tuluyan nang lumabas.

"Oh, andiyan na pala siya." Sabay na tumayo sina tita at Miguel. "Dadalhin mo?" Tukoy niya sa tsokolate.

"Hindi. Ilalagay ko lang sa ref. Basta mo nalang kasing iniwan."

"Aw sorry naman. Nakalimutan ko. Akin na yan. Ako na ang mag lalagay" kinuha nito ang tsokolate na hawak ko at siya na ang nag dala nito sa ref. Sakto namang paglingon ko ay nasa harap ko na si Miguel.

Bakit ba ang gwapo niya kahit sa simpleng damit lang ang suot niya!?.

Miguel POV...

Matapos kong ihatid si Aian sa bahay nila ay dumiretso na ako sa hideout. I feel so  exhausted. Sunod-sunod ang mga exam na kinuha ko ngayung araw. Kaya naman halos naubos ang lahat nang lakas ko.

Hinubad ko ang suot na damit at pantalon at tsaka padapa na nahiga sa kama. Ine-set ko muna ang alarm clock bago umidlip.

Saktong 6:30 ako nagising dahil narin sa ingay na nilikha nang alarm clock. Hinubad ko ang suot na boxer at hubad na pumasok nang c.r.

Alam kong masyado pang maaga para ipakilala si Aian sa pamilya ko. But, I don't have a choice. Dalawang linggo palang kaming mag-on ni Aian ay alam na nila agad. Kung paano nila nalaman ay yun ang hindi ko alam.

Masyadong makulit si papa. Tatawag siya sa akin kung kailan ko daw ipapakilala sa kanila ang taong mag papatino sa akin. Kung uuwi naman ako nang bahay ay ganun din ang topeko, kailan ko ba daw dadalhin ang malas na nilalang na pumatol sa akin. Dapat ay noong nakaraang araw ko pa siya ipapakilala pero nabusy ako sa pag rereview kaya naman hindi ko na siya nadala sa bahay. Pero ngayun ay wala na akong idadahilan pa. Tapos na ang mga exam ko na siyang ginanagawa kong palusot. Don't get me wrong, ipapakilala ko naman siya sa pamilya ko pero yung alam kung handa siya hindi yung biglaan nalang kagaya ngayun.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon