chapter-29

1.4K 69 8
                                    

Matapos ang pinaka huli kong klase ay napag desisyunan kung umuwi na. tinawagan kase ako ni miguel kanina na mauna nang mauwi dahil sa may kailangan pa daw siyang gawin kasama ang mga classmate niya.

kasama ko sa sinisilungan kong waiting shed ang itinalagang 'bantay'ni miguel sa akin. Si Ate Marie at Kai.

mag kaparehas lang kami nang pinapasukang unibersidad kaya naman hindi na sila nahihirapan na bantayan ako. actually hindi ko nga nararamdaman na binabantayan nila ako eh, dahil minsanan lang kami kung mag kita. hindi parehas ang mga kursong kinuha naming tatlo at talaga namang malayo ang mga department building nila sa akin. pero according sa kanikang dalawa, hindi man raw kami palaging nagkikita ay nababantayan parin nila ako. sa anong paraan ay hindi ko alam.

"you know what, ang swerte mo." sabi ni Ate Marie. napalingon naman ako sa direksyun niya nang marinig ko ang sinabe niya. subalit hindi siya nakatingin sa akin. nakatitig lamang siya sa daanan na kasalukuyang binabasa nang malakas na ulan.

"napaka swerte mo dahil napunta sa'yu ang nag iisang Miguel Cruz. ang lalaking pantasya nang lahat, ang lalaking pinapangarap nang karamihan. Alam mo ba na kayang isuko ni Kapitan ang lahat-lahat na meron siya maka piling ka lamang." natawa siya sa huling salitang sinabe niya. Hindi ako nag salita, nanatiling nakikinig lamang ako sa kanya. habang si Kai naman ay nasa hawak na selpon ang atensyun.

"alam mo ba, hindi na masyadong nakikipag away si kapitan, hindi na siya yung dating kapitan namin na sa tuwing mainit ang ulo ay basta na lamang susugod at makikipag bunu-an. napaka laki nang pinag bago niya. naging mahinahon na siya, at hindi na padalos-dalos kung mag disesyun. iniisip na niya ngayun kung ano ba ang mas makakabuti sa gang keysa sa kanyang sarili. kung may git-gitan naman na nangyayari sa gang namin at sa ibang gang ay mas pinipili niyang kauspin muna ito, nang sa ganun ay maiwasan ang gulo at pag danak nang dugo. ilan lang iyan sa mga ugaling nag bago sa kapitan namin, at dahil sa iyo iyun. kaya sana ay wag mong saktan ang kapitan namin." saka lamang siya tumingin sa akin. hindi ko tuloy maiwasan na mailang dahil sa tingin na ipinupukol niya sa akin.

Sa huli ay mas pinili ko nalang ang ngumiti at tumango kesa ang sumagot. tama siya, ang swerte ko dahil may nag iisang Miguel Cruz ang tumanggap at nag mahal sa akin.

ngumiti at tumango din siya pabalik sa akin.

"Alam niyo, napaka swerte din ni Miguel dahil may mga kasama siyang katulad niyo." parehas silang napatingin sa akin. parehas ko silang nginitian bago ko ipinagpatuloy ang aking sinasabe. "Napaka swerte niya dahil may mga kaibigan siyang katulad niyo, yung mapag kakatiwalaan at talaga namang tapat sa kaniya. Iyung nag aalala at nag mamahal sa kaniya." hindi ko pa sila gaanong kilala pero parang may nag sasabe sa loob ko na talaga namang mapag kakatiwalaan sila. "Sa panahon kasi ngayun ay napakahirap nang makahanap nang tunay na kaibigan. yung iba kakaibiganin ka lang dahil sa may iba silang motibo sa iyo, at iyun ang gusto nila at hindi ikaw. kaya salamat. salamat sa lahat-lahat nang ginagawa niyo para kay Miguel."

"obligasyun naming sundin ang lahat nang pinag uutos nang kapitan at maging tapat sa kanya dahil iyun ang sinumpaan namin." sa unang pag kakataon ay nag salita na si Kai. napa tango nalang ako dahil sa sinabe niya.

gusto ko sanang mag tanong nang tungkol sa gang nila pero nahihiya ako. hindi rin naman kasi nag kukwento si Miguel tungkol sa gang nila at never din akong nag tanong. nitong mga nakaraang araw ko nga lang nalaman na siya pala ang leader nang gang nila.

nang tumila na ang ulan ay sabay nila akong inihatid sa bahay. nag lakad lang kami kahit na basa pa ang daan. inaya ko silang pumasok nang bahay subalit pareho silang tumanggi may gagawin pa raw sila kaya kailangan na nilang mag madali. Matapos kong mag pasalamat sa kanila ay umalis na din sila pareho.

Wala pang tao ang bahay. for sure gagabihin na naman nang uwi si tita dahil may date sila nang ka MU niya. O di ba, sana all may ka MU haha.

Nag bihis na ako nang damit. Isang over size T-shirt na may naka print sa gitna na eat me ang aking isinoot, may kahabaan ito kaya hindi na kita ang soot kong short short na kulay itim. Sa loob lang naman ako nang bahay kaya okay lang iyun. wala naman nang makakakita sa akin.

matapos kumain ay inumpisahan ko nang gawin ang mga assignments ko sakto namang nag text si tita na baka hindi daw siya makaka-uwi ngayong gabi. sanay na rin naman na ako na nag iisa palagi dito sa bahay kaya okay lang yun.

talaga namang nag enjoy ako sa pag gawa nang mga assignments ko kaya naman hindi ko na napansin pa ang oras. mag aalas diyes na pala. dali-dali kong niligpit lahat nang gamit ko. tumungo agad ako sa banyo upang mag hilamos.

kakalabas ko lang sa banyo nang may nag doorbell.

agad akong napangiti nang makita ang taong nakatayo sa labas nang gate namin. nililipad nang hangin ang kanyang buhok at ang gwapo niyang tingnan sa soot na itim na t-shirt at pantalon.

"good evening babe, gosh I miss you so much" mabilis na hinalikan niya ako sa labi. halik na nakaka-ubos nang hangin. niyakap ko siya nang sobrang higpit habang nag hahalikan kami, dahil katulad niya ay sobra ko din siyang na miss. kaninang umaga lang kami huling nag kita pero para bang ang tagal na nun.

ako ang unang bumitaw sa aming halikan dahil sa kinakapos na ako sa hangin. Nag tama ang mga paningin namin at hindi ko mapigilan ang pamulahan nang mukha nang makita ko ang sobrang pag nanasa at pangangailangan sa kanyang nga mata.

"I miss you so much babe" bulong niya sa tainga ko na siyang nag patindig nang nga balahibo sa boo kong katawan.

"I-I miss you too"

isang halik pa ang iginawad niya sa akin bago siya dumistansya sa akin.

"for you" ini abot niya sa akin ang tatlong kahon nang doughnuts. shit bavarians my labs. "alam kong paborito mo'to kaya naman dinamihan ko na"

"eh, thank you"

"you are always welcome babe" naka ngiting tugon niya. "may kapalit ang mga iyan"  aniya sabay ang pag litaw nang pilyong ngiti sa kanyang labi.

........


sorry sa sobrang late na update.

vote..........&...........comment

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon