BadBoy-10

3.6K 134 5
                                    

                      Badboy-10

"Uhmn. Yan, I-i would like to apologize again from what you see a while ago. It jus-" aniya nang hindi nakatingin sa akin. Nakatutok lang ang tingin niya sa payong na dala niya.

"After niyong bugbugin ang tao san niyo to dinadala?! Pinapatay niyo ba sila at tinatapon na lang kung saan-saan?" Pag putol ko sa sasabihin pa niya sana.

"No, Yan. Hindi kami pumapatay at wala pa kaming napatay. We know our limitation. Pag katapos naming bigyan nang parusa ang mga taong tumatangkang banggain kami ay ang mga miyembro din namin mismo ang nag hahatid sa kanila sa hospital. And the guy na nakita mo kanina na pinaparusahan namin ay ang lalaking sumira sa sasakyan ko. He deserved to be punished." Mahabang litanya niya. At sa pag kakataong iyun ay tumigil siya sa pag lalakad at humarap sa akin para lang mag paliwanag.

"Paano ka nakakasigurado na siya nga ang lalaking sumira nang sasakyan mo?"

"May copy kami nang video nang CCTV sa parking lot nang school niyo. At ang lalaking yun ang nakunan sa camera. Kung paano niya winasak nang baseball bat ang mga bintana nang sasakyan at kung paano niya butasin ang mga gulong nito."

"Still, wala parin kayung karapatan na gawin yun. May ebidensiya na pala kayo laban sa kanya ide sana ay sinumbong niyo nalang siya sa mga pulis. Wag niyong ilagay ang batas sa kamay niyo Miguel." Hindi na siya naka imik pa. "Wag mo nalang ako ihatid, kaya ko naman yung sarili ko."

"No, ihahatid na kita" pamimilit pa niya. "Yan?" Tawag niya sa pansin ko.

"Ano?"

"Sorry again. Yan please. Were just doing that para protektahan ang grupo namin. Yan, please maniwala ka?" Pag susumamo pa niya. Halos lumuhod na ito sa harapan ko para lamang paniwalaan siya.

"Bakit ba kasi napaka big deal sayo ang paniwalaan ka?" Tanong ko ulit sa kanya.

"I already told you that I like you, I love you Aian. At hindi ko gusto na ang taong gusto at mahal ko ay natatakot at galit sa akin." Biglang kumabog nang mabilis ang dibdib ko na halos lumabas na ito sa aking rib cage. Hinawakan pa niya ako sa pisngi at hinaplos-haplos doon. Nang dumikit ang maiinit na palad niya sa aking balat ay nag dulot ito nang nakakakiliting kuryente na dumaloy sa buong sistema ko.

Pero agad ko ding hinawi ang kanyang kamay na nasa pisngi ko nang maalala ko na hindi pwede, bawal at Mali ang lahat nang ito. Mukhang nasaktan ito dahil sa ginawa kong paghawi nang kanyang kamay sa akin dahil sa lumungkot bigla ang mga mata niya.

"Miguel, hindi pwede. Pareho tayong lalake. Mali, mali ito."

"No Yan. Hindi mali ang pag pili nang kung sino man ang taong  mamahalin mo. My mind and heart choose you. At nagiging mali lamang ang lahat nang ito dahil sa mga saradong isip na mayroon ang ibang tao. At ang sinasabe mong mali ay nasa isip lamang yan nang mga taong nag mamalinis at never pang naka experience nang tunay na pag mamahal. Sa ayaw at sa gusto mo  Yan. Mamahalin kita. And I will do anything, everything maging akin ka lang." Puno nang detirminasyon na wika niya. "Mark my word Yan, magiging akin ka at pag nangyari yun. Hinding-hindi na kita pakakawalan pa."

.......

"Some more question about sa pina pagawa ko?!" Tanong nang teacher namin. "So wala na rin ba kayong reklamo sa mga kapares niyo?"

"No ma'am." Sabay-sabay din na sagot namin.

"Okay, dismiss" matapos sabihin nang prof namin yun ay agad na nag sipuntahan ang mga kaklase ko sa mga kapareha nila.

"Ah, hello Aian." Ani Jay sa akin. Siya ang magiging kapareha ko para sa activity na gagawin. Nag tataka siguro kayo kung bakit siya ang kapareha ko at hindi si Janine. Kanina kasi nung pinapapili kami nang pares namin ay siya sana ang kukunin ko, but sad to say may kapareha na pala siya. Tanging ako nalang at si Jay ang walang pares kaya kami nalang.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon