Badboy-16

2.6K 117 7
                                    

                     Badboy-16

"Yan, pauwi ka'na?" Tanong sa akin ni Jay. Kakalabas ko palang sa Department building namin at ganun din siya.

Tumango ako bilang sagot.

"Ikaw. Hindi ka pa'ba uuwi." Tanong ko pabalik sa kanya.

"Pauwi na rin. Makikisabay na'ko sa'yu palabas, pwede?"

"Oo naman."

Sabay kaming nag lakad palabas nang campus. Natatawa nalang ako dahil sa mga joke niya. Ngayun ko lang siya naka usap nang ganito kaya naman ngayun ko lang rin nalaman na may pagka-kwela pala siya. Ang una ko kasing interaksyon sa kanya ay yung nagka pares kami sa business proposal. Which is hindi naman kami ang gumawa.

"Pansin ko lang, hindi na kayo mag kasama at nag uusap ni Janine. Samantalang noon ay hindi kayo mapag-hiwalay. Nag palit din siya nang upuan malayo sa'yu."

"Ah yun ba. Haha." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Anong sasabihin ko? Na nag away kami dahil hindi ko sinunod ang sinabe niyang layuan ko si Miguel?. Na nag away kami dahil sa boyfriend ko na yung lalaking gusto niya?.

Pagka tapos naming mag komprontahan nung isang araw ay minsan ko nalang siya makita. Papasok ito nang late at lalabas ito nang room na nauuna pa sa professor namin.

"Wag mo nang sagutin. Haha"

"Tsh. Bakit ba kas-" naputol ang sasabihin ko sana nang may tumawag sa pangalan ko. Ngayun ko lang din napansin na nasa gate na pala kami.

"Aian, babe!"

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang napaka-gwapo kong boyprend. Nakasandal ito sa kulay abo niyang sasakyan. Napansin ko lang, palagi bago ang sasakyan niya. Umayos siya nang tayu, nakasuk-suk sa bulsa nang soot niyang pantalon ang parehong kamay habang nag lalakad papalapit sa akin. Nakadag-dag pa sa appeal niya ang soot niyang sunglasses. Kaya pati tuloy ang mga kasabayan naming nga estudyante na palabas na rin ay hindi mapigilan na mapalingon, mapatingin at mapa titig sa kanya. Para siyang modelo na naglalakad sa gilid nang kalsada, ginawang runway ang maalikabok na kalsada.

Marami ang napapasinghap sa tuwing masisilayan siya. "Hala, ang gwapo talaga niya. Hindi mukhang kriminal" "gosh. Ang sarap namang magpa bugbug diyan"   ilan lang yan sa mga bulung-bulungan na naririnig ko. Ang sarap nilang hampasin, hindi dahil sa nag seselos ako kundi dahil sa mga pinagsasabe nila. Hindi ko sila masisisi kung ganyan ang mga pinagsasabe nila pero sana naman ay alamin muna nila ang tunay na istorya bago sila manghusga. Ang mahirap kasi ngayun ay masyado nang mga judgmental ang mga tao, nag co-conclude agad sila base lamang sa kanilang naririnig.

"Ah, Yan. M-mauna na ako ha." Nauutal pang paalam ni Jay sa'kin. Ang Mata ay nakatitig lang  sa papalapit kong boyprend.

"Ha?. Okay ingat" ang tanging sagot ko sa kanya.

Agad na tumalikod siya sa akin. Malalaki ang nga hakbang na ginawa niya makalayo lang agad. Ewan ko ba dun. Noong nag sorry ako sa kanya dahil sa ginawa ni Miguel sa kanya ay tinanggap niya agad. Ang sabi pa nga niya ay okay lang daw. Pero bakit ganun? Bakit parang ayaw niyang makaharap si Miguel?. Galit parin ba siya kay Miguel?.

"Bakit kasama mo ang lalaking yun?" Agad na saad niya nang makalapit na siya sa akin. Tinanggal pa niya ang kanyang soot na salamin at sinundan nang tingin ang daan na tinahak ni Jay kanina. Hindi yan ang reaksyon na inaasahan ko sa oras na mag kita kaming dalawa.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon