Badboy-1

7.1K 210 10
                                    

                      BadBoy-1

"We will meet every Monday and Wednesday. Don't forget to wear your uniform. Okay, class dismiss." Pag katapos sabihin nang professor namin yun ay isa-isa nang nagsitayuan ang iba kong mga ka-klase. "By the way, Mr Santos. Hindi ka na makakapasok sa klase ko sa susunod na ma-late ka pa." Pahabol pa nito.

"Yes sir." Ako.

First day of second semester palang ay late na ako. Nakakainis lang. Nang maala ang rason kong bakit ako nalate kanina ay bigla akong kinilabutan. Mabuti nalang ay hindi nila ako nahabol. Teka lang...hinabol ba nila ako. Parang hindi eh.

Mamayang hapon pa ang sunod na klase ko, kaya naman napag desisyunan kong sa library nalang tumambay. Maganda dun, maliban sa tahimik na, may free WiFi pa. Oh diba.

Teka lang, nakapag pakilala na ba ako?... Mukhang wala pa no?. Okay. I am Aian Santos, 18 years of age. First year college at Santiago University, taking Bachelor in Science in Business Administration in short BSBA.

Bago dumeritso sa library ay sumaglit muna ako sa canteen para bumili nang tubig. Nang makapasok nang canteen ay agad na akong bumili nang tubig. Every time na nasa mataong lugar ako ay naiilang ako. Yung ayaw na ayaw ko pa naman ay yung tititigan ako. Nakakailang kasi. At yan ang nangyayari ngayun, maraming nakatingin sa akin, mapa babae man o lalake. Okay lang sana kung simpleng tingin lang, pero iba eh, alam niyo yun. Yung titig na titig sila sa iyo na para bang isa kang karne at sila naman ay mga gutom na hyena. Yung ibang lalake pa ay sa pwetan ko nakatingin.

Matapos kong bayaran ang tubig na binili ko ay lumabas na ko nang canteen at dumiretso na sa library. Pag pasok nang library ay pumirma muna ako sa form kung saan kailangan mong pumirma bago ka makapasok nang library. Nginitian ko ang librarian bago ako dumiretso sa pepwestuhan ko.

Kumuha ako nang libro sa shelves na nadaanan ko. Kunyari ko iyung binuklat at kunyaring nagbabasa bago kinuha ang aking cellphone sa bag. In open ko ang WiFi at tadahh... Now connected na ako.

Hindi nagtagal ay lumabas na ako nang library para makapag-pananghalian na.  Absent ang kaibigan kong si Janine kaya naman mag isa akong kakain ngayun.

Nang makapasok nang canteen ay nandiyan na naman ang mga nakakailang na titig nila. Mabuti sana kung nandito si Janine, sana kahit papano ay mabawasan ang pag kailang ko. Sa lakas ba naman nang bibig nang babaeng yun ay siguradong hindi ka makakaramdam nang pagka bagot, pinapagalitan pa niya ang mga taong mahuhuli niyang nakatitig sa akin.

Kanin at Piniñahang manok lang ang in-order ko. Matapos umupo ay nag simula na akong kumain. Hindi ko na pinansin pa ang mga titig nila.

Napaka boring nang araw na 'to. Wala kang maka-usap. Tapos last period pa sa hapon ang klase mo. Nakakabagot mag hintay.

Patapos na akong kumain nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa bag at tiningnan kung sino ang nag message.

From: tita Tricia...
     -bhe, baka l8 na akong uuwi mamaya. Ikw nlang ang mag lu2 nang kakainin mo ha.

Agad akong nag reply nang matapos kong  mabasa ang mensahe niya.

To:tita Tricia
   - okay po Ta. Ingay po kayo. Love U...

Ilang sandali lang ang hinintay ko bago siya nag reply.

From:tita Tricia...
     -love U 2 din Bhe. Ingat ka diyan.

Napangiti ako sa mensahe niya.

To:tita Tricia...
    - ingat din po kayo diyan.

Si Tita ay kapatid ni papa. Simula nang mamatay sina mama at papa dahil sa isang car accident nung apat na taon palang ako ay si tita Tricia na ang kumopkup at nag alaga sa akin. Wala siyang asawa at ngunit tinuring niya akong anak niya. Hindi niya ako itinuring na iba. Ibinigay niya lahat nang gusto ko kahit na hindi naman kailangan. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para sa kanya.

Valedictorian ako nang elementary, at High School. With High Honor naman nang Senior High School. Ang lahat nang yan ay inaalay ko kay tita.

Wala akong tinatagong sikreto sa kanya, lahat sinasabe ko. Nung una ay natatakot akong sabihin sa kanya ang tungkol sa sekswaledad ko. Baka kasi hindi niya ako matangap. Pero taliwas sa iniisip ko ang nangyari. Tinangap niya ako open-arms at sinabeng kahit ano pa ako ay tanggap niya ako, at susuportahan ako sa ano mang gusto kong gawin, basta yung hindi lang makakasama sa akin.

Ganyan ako kamahal ni Tita, at mahal na mahal ko rin siya. Hindi niya pinaramdam sa akin na wala na akong magulang, dahil pareho niya iyung ginampanan, ang pagiging Ina sa akin at ama.

Inubos ko na ang aking pag kain at lumabas na nang canteen. Ayaw kong magtagal dito no. Ma's pipiliin ko pang sa library nalang.

Kung napapansin niyo ay nag iisa  lang ako at walang kasama. Hindi kasi talaga ako palakaibigan. Kung hindi nga ako pinag tangkaan ni Janine na bubugbugin kung hindi siya kakaibiganin ay sigurado wala pa akong kaibigan hanggang ngayun.

Habang nag lalakad ako papunta sa Department Building namin ay may naramdaman akong nakatitig sa akin. Dumako ang aking paningin malapit sa may gate pero walang tao doon. Matagal akong nakatingin sa gate at nananatiling nakatayo sa aking pwesto. Hindi alintana ang sakit nang init nang tanghali na dumadampi sa maputla kong balat. Ilang beses kong sinipat ang gate kung may tao ba dun pero wala talaga. Kaya naman nag simula na akong muli mag lakad sa paruruonan ko.

Ngunit nakakailang hakbang palang ako nang may isang pulang kotseng rumaragunos papunta sa akin. Muntik na akong matumba nang bigla nalang itong tumigil sa harapan ko, parang masasagasaan na ako nito dahil sa sobrang lapit nito sa akin.

Hindi pa ako nakakahuma ay may tatlong lalake ang lumabas nang kotse. Mabibilis ang mga hakbang nila papunta sa akin. Mag kabilaan akong hinawaka nang dalawang lalake habang ang isa naman ay siyang nasa may pintuan nang kotse.

"Bitawan niyo. Teka lang, anong gagawin niyo sa akin.?" Tanong ko ngunit walang may natanggap na sagot.

"Bilisan na natin. Kanina pa tayo hinihintay ni Miguel." Ani nang isa.

Nag pumiglas ako ngunit walang nangyari. Naisakay nila ako sa kotse at tuluyan nang umalis.

Gosh... Ano ang gagawin nila sa akin.? Isasalvage ba nila ako tapos ay ipapatapon ang aking katawan sa tubohan?. Hindi ko pa gustong mamatay. Marami pa akong pangarap. Paano nalang si tita? Sino mag aalaga sa kanya pag tanda niya.? Ayaw kong mamatay nang virgiiin...

At teka lang, sino si Miguel? Bakit niya kami hinihintay?. Siya ba ang papatay sa akin.?

.....

Aian and Miguel... What can you say.?

Vote&Comment.

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon