chapter-26

1.6K 68 4
                                    

                    Chapter 26

Matapos akong ihatid ni Miguel kanina ay umalis din siya kaagad. Hindi manlang siya pinapasok ni tita nang bahay o kahit inalok manlang nang maiinom.. Hindi rin nga ako nakapag paalam sa kanya.

Nang makapasok na kami nang bahay ay diretso kaagad kami sa kusina.

“ma-upo ka na. kakain na tayo” utos niya sa akin habang kumukuha siya nang pinggan sa lalagyan nito.

Sinunuod ko nalang ang utos niya. Busog pa ako. Pero dahil wala sa mood si tita ay kakain ako kahit na kunti lang.

Nilagay na niya ang pinggan na may laman nang kanin sa lamesa pero agad din siyang bumalik sa pinnggalingan niya kanina upang kunin ang ulam.

Pag balik niya ay may dala na siyang dalawang mangkok. Umuusok pa ito pareho. Natakam ako nang makita ang laman nang isang mangkok na inilapag niya sa kanyang harapan. mechado . Amoy na amoy ko pa ang bango nito. Mukhang mapaparami ang kain ko nito, hehe.

Ngunit agad akong nanlumo nang makita ang laman nang mangkok na inilapag niya sa harapan ko. Hindi iyon katulad nang sa kanya.

Agad na bumagsak ang mga balikat ko at naglaho na parang bula ang gana kong kumain ulit ngayun gabi. Alam niyang hindi ako palakain nang gulay ngunit ito ang ibinigay niya sa akin, chop sui.

Gusto kong tanungin si tita kung bakit ganito ang ibinigay at ipapakain iya sa akin gayung alam naman niyang hindi ako palakain nito.

Pero agad kong naalala na may kasalanan pala ako sa kanya kaya mas pinili ko nalang ang manahimik at titigan ang pag-kaing nakahanda sa harapan ko.

“ta-“

“ubusin mo yan” hindi ko pa naisasatinig ang gusto kong sabihin ngunit agad na siyang sumagot.

Mukhang nalaman niya yata na mag rereklamo ako.

“ta-“

“ang sabi ko ubusin mo yan” sa ikalawang pag kakataon ay hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko sana.

Hindi niya manlang ako tinitingnan. Focus lang siya sa pag kain.

“tita naman” nag paawa effect ako sa kanya. Nag babakasakaling tumalab. Nag babakasakali lang naman.

Bago siya sumagot sa akin ay inilapag niya muna  ang hawak na kutsara’t tinidor bago ako tingnan.

“parusa mo yan sa hindi pag papaalam sa akin. Alam mo namang hindi ako sanay na madilim na ngunit wala ka pa sa bahay. Hindi ka manlang tumawag o nag text sa akin kung nasaan ka. Anong silbi nang selpon mo kung hindi mo rin lang naman ginagamit.”

Napayuko ako nang marinig ang sinabe niya. Tama siya, noon kasi ay maaga ako palaging umuuwi at kung gagabihin naman ako ay tumatawag ako sa kanya at nag papaalam.

Ngunit kanina ay never pumasok sa isip ko na tawagan siya at mag paalam sa kanya.

“Sorry po ta”

“sa susunod kung may lakad ka or kayo at kung gagabihin naman ay mag paalam ka naman. Nang sa ganun ay hindi ako sobrang mag alala at hindi ko rin kayo ma-isturbo.”

Napangiti nalang ako dahil sa huling sinabe niya.

“Okay po ta, promise, sa susunod po ay mag papalam na ako sa’yo.”

“mabuti naman. Sige na, ubusin mo na yang pag kain mo.” Ngek, akala ko pa naman ay nakalimutan na niya ang tungkol sa parusa sa akin, hindi pa pala.

“ta, pwede pahingi nang ulam mo.”

“hindi” diretsong sagot niya.

“ta, kunti lang po. Promise uubusin ko po itong ulam ko.”tiningnan niya lang ako. Yung tingin na para ang binabasa niya  ang laman nang utak ko. “kunti lang ta, sige na” nginitian ko siya pag katapos. Yung ngiti kong worth 1000000000000000000000000 pesos.

…..

Buong mag hapon kaming di nag kita ni Miguel. parehas kasi kaming tutok sa pag review para sa darating na med-term examination.

Tanging sa text lang kami nag uusap na dalawa, at kung minsan naman ay kung may oras kami pareho ay nag tatawagan kami.

Matapos kung ibalik ang
accounting na libro sa pinag kuhanan ko nito kanina ay sunod ko namang inayos ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa nang library.

Hindi muna ako nag re-review sa mga minor subject ko. Mas focus ako ngayun sa mga major subject ko. Okay lang kasi sa akin na mababa ang mga grado ko sa mga minor subject wag lang sa mga major subject ko.

Pero so far ay magaganda rin naman ang mga grades ko noong first year.

Nitong mga nakarang araw ay mas naging kampante narin ako na mag pag-isa wala na rin naman kasi yung lalaking sumusunod sa akin. Napagod na ata kaka-istalk sa akin haha.

Papalabas na ako nang library nang bumagsak ang napakalakas na ulan. Waring galit na galit ito dahil sa sobrang lakas nang tunog nito kapag bumabagsak at tumatama na ito sa bubong nang library.

Hihintayin ko nalang muna na humupa ang ulan bago ako umalis. Wala kasi ako dalang payung, at isa pa, ayaw ko rin mabasa nang ulan. Mabilis kaya ako mag ka sakit.

Ilang minuto pa ang hinintay ko subalit hindi parin tumitigil ang malakas na ulan sa pag buhos nito.

Nangangalay narin ang pareho kong paa sa pag tayo nang ilang minuto. Naisip ko na lang na bumalik nalang muna sa loob nang library at doon nalang muna hintayin na tumigil ang ulan.

Mag aalasingko palang naman nang hapon kaya okay lang.
Nang makapasok na muli nang library ay muli kong kinuha ang accounting na libro at pinag patuloy ang pag babasa niyon.

Ngunit ilang pahina na nang libro ang natapos ko ay hindi parin tumitigil ang pag patak nang malakas na ulan. Medyo madilim narin sa labas kaya naman napag disesyunan kong umuwi nalang kahit na umuulan pa, bahala na kung mabasa man.

Muli kong ibinalik ang libro sa lalagyan nito at bago lumabas nang library ay nag paalam muna ako kay maam librarian.

Kakalabas ko palang nang library nang may makita ako sa di kalayuan. Nag sitayu-an ang balahibo ko nang makita at makilala ang lalaking nakatayo sa kabilang department. Biglang pumasok sa isip ko ang mga lalaking binubugbog noon nina Miguel sa hideout nila (yung sa unang chapter) at ang lalaking ito ay isa sa mga lalaking iyun.

Shit, bakit ngayun ko lang siya nakilala. Gusto kung mag mura.

Nag tama ang mga mata namin kasabay noon ang pag silay nang nakakatakot na ngiti sa labi niya.

Nag simula akong mag lakad nang mabilis. Sa kabilang corridor ako dumaan patungo sa BSBA department. Mas malayo ito sa gate kumpara sa HM department na kinakatayuan nang lalaki ngayun.

Ang pag lakad na ginagawa ko kanina ay biglang naging takbo nang makita ko ang lalaki na naka sunod sa akin.

Bigla akong sinalakay nang matinding kaba, mag isa lang ako at wala akong kalaban laban sa kanya pag nag kataon. Wala na gaanong estudyante kaya naman wala ako mahingian nang tulong.

Biglang pumasok sa isip ko si Miguel.

Miguel, tulong. Tulungan mo’KO.

……..

Sorry if wala masyadong nangyari. Hehe, sorry din dahil sa sobrang tagal na update.





Vote……&…..comment

Notorious Bad Boy (MxM) (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon