First Two.... talk
🌸Angela
Ayuko naaahhhhh, makatulog na nga lang Yumuko na ko sa arm chair ko. Ilang minuto pa lang.
"Ano ka ba, mamaya ka nang matulog, may gagawin pa tayo sa Science"Bakit ba ang sisipag ng mga ito.
"Ano bang gagawin" sabi ko kay Mercedelle Primo (aka. Nanay)"Wala susulatin lang natin to, mahaba ito kaya mag simula na tayo" sabi naman ni Khacel Medel (aka. Tita)
"Mamaya na lang" tapos bumalik na ko sa pagkayuko. Ayoko nga.
Tinatamad pa ko.Ng maramdaman kong hinihila ng kung-sino-man ang buhok ko. Kaya mabilisan kong hinarap ito.
"Ano ba yon?! Siguradohin mong maayos yan-""Sa integrity daw tayo, ah ayaw mo sige, tulog ka ulit." Tapos kuha ng notebook niya sa bag.
"Ah, ganon ba" kanina pa kasi akong kinukulit nito. Tapos inayos ko ang buhok ko. Tska sumabay sa kanila kasama ang bag ko.
Pagkalabas ko nakita ko ulit siya.
Sumasayaw.
Kyaahhhh, ang gwapo niya...
Tapos ang galing niya.
Dancer yata ito.Hindi ko kasi nakikitang mag practice.
Siya na...,
Bakit hindi rin ako magkaroon ng galing sa pagsasayaw. Another level na siya eh. Di ko napansin si ma'am.
Ngayon katabi na ako.
"Angela pasok na sa integrity"Okay. Umupo ako sa dulo sa makikita ang mga practice. Karamihan nasa likod naka upo ay ang atensyon sa labas.
"Sino yan?" Bigla napunta ang atensyon ko sa nagsabi non. Si Mercedelle. eto na sya ulit..
Salodo na ko sayo. Wag mo lang ako abalahin pag sya sumasayaw. Nangasim ang mukha ko.
Katabi ko lang si Mercedelle kaya tinanong ko sya."Sino ba tinutukoy mo? Sino ba? si Edison ba--"
"Sinagot mo na, tama na, so? siya pala ang kanina mo pang mundo, wala ba si ma'am sa harapan? Nabingi at nabulag ka o Puso't isip mo'y sa kanya at nabihag ka?"
Tinignan ko ulit si Edison.
Okay. Tama siya. Pero hindi ko na talaga kaya.
"Ang gwapo talaga niya. Ang galing din niyang sumasayaw, grabe talaga pag dancer" habang pinag hahampas si Mercedelle. #Katabihasbeenslain. Lumipat din sa tabi namin si Khacel."Anong nanyayari dyan" sabi ni khacel. Hawak ang dalawang notebook. Mukhang nag pa check.
"Nasapian ng masamang ispiritu" mabilis na pag sabi ni Mercedelle.
Habang kinuha ang notebook niya kay Khacel."Hindi ah, ano bang gagawin sa T.L.E.?"
Tumingin ako sa harapan.
Ah, may pinapakupya. Bakit Di ko na pansin. Tinanong ko agad si ma'am.
"Ma'am, ano po yan"Tumingin sa akin si ma'am na para bang may kung ano sa akin.
"Hindi ka ba nakikinig. Yan ang bagong lesson natin. Iluluto natin yan next week. Kupyahin mo sa notebook"Tapos tinuon ni ma'am ang atensyon niya sa mga lalaki sa likod nakaupo. Ang iingay kasi sila. Pero mas attentive ang mga yan. Mapalabiro lang.
Sa totoo lang kung di lang si Edison sumasayaw.....Matutulog na lang ako. Kainis. Ang hirap maging working student. Sa umaga nag aaral ako. Sa hapon nag tra-trabaho ako. Sa weekend umuuwi na ako samin sa Villa Castillo. Don kasi ako nakatira. Nan doon ang mga ka pamilya ko. Unti lang ang nakaka alam nito."Uy, mag sulat ka muna. Nga pala kanina ka pa in daze dyan. Baka nabihag ka na talaga. Baka... Sumakabilang buhay ka na... Buhay, Buhay" habang inaalog ako.
Sira talaga to si Mercedelle. Kaya binatukan ko.
"Aray, biro lang, pero seryoso para di ka mahalata umayos ka. Kasi nakaka turn off yan" sabi niya at tinuloy ang pakikinig kay ma'am.
- nakaka turn off yanBigla akong umayos at nakinig sa lesson..
Kainis ka...
Ramdam ko pa rin ang pagka gustong tumingin sa kanya. Kaya no choice.
Pero pag ka lingon ko. Wala na sya don. Pa ulit ulit ko naririnig yong kanta nila.The greatest show at come alive ang maririnig na ipinapatugtug. Hindi pa sila tapos.
"Okay, Bravery, mag group na kayo. At ibagay sa akin ang listahan ng mga members niyo sa akin" tska umalis si Ma'am sa room. Lumapit si Jessica samin.
"Ano, tayo tayo pa rin?" Sabi ni Jessica
"Oo, para mapadali, yun pa rin ang group"
"Ilan ba tayo? Sulat na natin, San ba?"
At kinuha ang notebook ni Mercedelle.
"Sa likod mo sulat" sabi niya. Sumang ayon si Jessica."Jessica, alam mo ba may nabuhay sa pag-ibig?" Sabi ni Mercedelle at tumingin sa akin. Kaya napatingin na rin si Jessica.
"Ano yon?" Napatingin naman sila sa labas.
"Ah alam ko na"sabi ni Jessica.
"Alam mo kahapon pa yan, para nga yan na love at first sight eh"Lah, ano ba naman yan. Alam ko na.
"Mercedelle, complete ba ang notes mo. Pahiram ako." Tumungo siya at ibinigay sa akin."So ano na? Punta na tayo sa room"
Kinuha na namin ang mga bag namin ang mga ibang section unti unti dumadating. Wait parang hindi ito mga integrity. Hindi ko na pinansin.
Hindi ko namalayan na...."Woaahhh, sorry"
"okay ka lang"
napatingin ako sa kanya. biglang tumaas ang dugo ko. Nasa taas ako niya. As in nasa ibabaw niya.
"Wow"
"Nice One"
"Galing ng huli"
"Masarap ba?"Natapilok kasi ako, ng papunta na ko ng room. Tumayo na ko at tumayo na rin siya.
Ngumiti siya sa akin at umalis. Na lalo ikinapula koSa lahat pa talaga ng tao siya pa.
Nakita ko na pumunta sa kanya ang isang magandang babae.
"Okay ka lang, love?""Yup"
Wwwhaattt, sino kaya siya. Please no.
Basta. Pero....
Grabe lang ang bango niya.
Nilapitan ako nila Jessica. At hinila ako sa room, ang mga kaklase ko naman naghi-hiyawan.Huh? Anyare.
"Okay ka lang, Buhay/Bunso?" Sabay nilang sabi sa akin."Oo, ahm, masaya na ewan basta"
Tumingin sila sa akin na para bang ng aasar. Ah alam ko na.
"Ayyyiiee, pumapag ibig" sabi sa akin ni Mercedelle at bumalik nasa upuan niya.Samantala sila Jessica e na e habang sinusundot ang tagiliran ko. Kaya umupo na ko. Kainis naman.
- "okay ka lang, love"
Ang sakit pakinggan. Bakit ganon... Parang ayaw paniwalaan ng puso ko. Pero nasasaksaktan, gento pala pag Love. Love hurts you more than you know.
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
Salamat sa mga nagbasa...
Dapat kahapon pa yan pero nagabihan na at medyo antok na ko non.
Kaya buong puso po akong nagpapasalamat. Kahit pagod pa rin.
😅Elle_Mercia

BINABASA MO ANG
A Bitter Sweet Love
Teen Fiction"woaahhh, sorry" "okay ka lang" napatingin ako sa kanya. biglang tumaas ang dugo ko. Nasa taas ako niya. As in nasa ibabaw niya. "Wow" "Nice One" "Galing ng huli" "Masarap ba?" Natapilok kasi ako, ng papunta na ko ng room. Tumayo na ko at tumayo na...