Simula

3.4K 110 12
                                    

Starry Starry Temple

Nakatanaw ang isa sa sampung prinsipe ng mga bituin ng buhay sa walang hanggan na kawalan.

Nakakalungkot isipin na nabawasan na sila ng isa dahil mas pinili nito ang manatili sa mundo ng mga tao dahil sa Pag-ibig.

Tss,ano ba ang meron sa dalawang pantig na yun?

Kung hindi rin naman pala kayang panindigan nito na hindi tutulad sa ibang bituin hindi na sana ito nagbitaw pa ng salita sa kanila na babalik ito.

Constell Uno,hibang ka talaga!

Agad na napalingon siya ng maramdaman ang paglapit ng Haring-Bituin.

Agad na yumukod siya rito para magbigay galang.

"Malayo ang iniisip mo,mahal na bituin?"kuryuso untag sa kanya ng Hari.

"Paumanhin,mahal na Haring-Bituin," aniya.

Ngumiti ito at tinapik siya sa balikat.

"Ayos lang,sana lang hindi masama ang loob mo sa hindi pagbalik ni Constell satin?" pananantiya nito.

Hindi kaagad nakatugon ang bituin.

Tumango-tango ang Hari pero may ngiti pa rin sa mga labi.

"Nauunawaan ko,isa siya sa may paninindigan na hindi siya tutulad sa iba na pinili ang buhay sa Mundo ng mga tao..ngunit alam kong iyun ang nagpapasaya sa kanya," masuyo nitong saad.

Walang komento na tumango na lamang ang bituin.

"Siyangapala,alam kong batid mo ng ikaw ang sunod na pababain ko sa mundo ng mga tao," anito.

Agad na humarap siya sa Hari mula sa pagkakayukod.

"Mag-iingat ka..at kamustahin mo na lang kami kay Constell," anito.

Agad na tumango si Alazis.

"Gagawin ko po,Mahal na Haring-Bituin," aniya at muli yumukod.

"Paano,kamustahin mo na lang kami kay Constell," anang ng isa sa sampung prinsipe ng mga bituin.

Gusto ng mga ito na magpaalam sa kanya.

"Oo nga,pakisuntok na lang ako sa kanya,umasa pa naman ako babalik siya! Wala na tuloy akong kasparring dito!" untag ng isa pa.

"Mag-ingat ka.."anang ng isa pa na may ibang pangkahulugan base sa pagngisi nito.

Hindi na lamang ito pinatulan ni Alazis,alam niyang mapang-asar ito.

Tinanguan na niya ang lahat bago siya lumapit sa Hari at Reyna ng mga bituin.

" Alazis,mangchicks ka lang ha! Huwag mo kaming ipagpapalit!"pahabol ng isa sa pinakapasaway sa kanilang sampu,hindi..siyam na lang pala.

"Sa pagbaba mo makilala mo agad ang iyong pagbibigayan ng pangalawang buhay,Alazis," anang ng Haring-Bituin.

Tumango siya at kinuha ang isang bagay na nagliliwanag.

Ang 'Star of Life'

"Paalam,mahal na Prinsipe ng mga bituin,mag-iingat ka..lagi ka namin susubaybayan ng Hari," anang ng Reynang-Bituin.

Yumukod siya bilang pagpapaalam hanggang sa balutin siya ng liwanag at gumuhit iyun sa kalawakan at bumulusok pababa sa lupa.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon