Chapter 12

1.8K 80 3
                                    

LIKE

Hindi makatulog at paulit-ulit na nagrireplay sa utak niya ang paghalik ni Evelyn sa pisngi niya.

He was off guard. Kung alam lang niya gagawin iyun ng makulit na babaeng yun nunca na hayaan niyang mangyari yun!

That's so rude!

Marahas na napabuga ng hangin si Alazis. Bakit ba hindi mawaglit sa isip niya ang eksena yun?!

Kasi gusto mo isipin!

Naikuyom niya ang mga palad. Iritadong lumabas siya sa balkonahe ng silid niya. Ramdam niya ang panatag na pagtulog ni Evelyn sa kabilang silid.

Hindi ba siya naguilt sa ginawa niya at nakakatulog siya ng ganun kapanatag?!

Kasi siya aminadong gusto ka niya kaya--

Inangilan niya ang sarili sa naiisip na iyun.

Hindi!

Hindi siya tutulad kay Constell at sa iba pang bituin.

Kinaumagahan,natigilan si Alazis ng makita na nakahanda na ang almusal sa kusina at kasulukuyan nagkakape ang dalaga.

Nanatili siya nakatayo lang sa bukana ng kusina at pinapanuod ang pag-inom nito sa baso na may umuusok na kape.

He just staring at her habang pinapakiramdaman ang sarili.

Umawang ang mga labi niya ng maramdaman ang pagtibok ng puso niya. Hindi iyun normal at tila ba sinisigaw niyun ang pangalan na Evelyn.

I like her...anang ng puso niya.

Admit it! usog ng utak niya.

Bago pa man siya makita ng dalaga roon mabilis na nakalabas siya ng bahay. Napauklo siya at sinapo ang nanakit na dibdib.

Mariin na umiling siya.

Hindi..hindi..

"Kailangan ko ng bumalik sa Templo..mahal na Hari at mahal na Reyna,payagan niyo ko na makabalik ng maaga sa templo," mariin na nakapikit na anas niya.

Alam niyang batid iyun ng Hari at Reyna ang kahilingan niya pero hindi siya tiyak kung posible siyang pagbigyan sa kahilingan niyang iyun lalo pa nga kailangan maubos muna ang araw niya sa pananatili niya sa lupa bago siya makabalik sa templo.

Ibig sabihin niyun maraming araw ka pang titiisin na makasama siya!

Pero..

Umayos siya ng pagkakatindig. May pumasok na ideya sa isip niya. Sa oras na makabalik na sa dating buhay si Evelyn iyun na rin ang pagkakahiwalay nila.

Habang naghihintay na makabalik siya sa templo maglilibot siya kung saan may magagandang lugar.

Tama!

Makakalimutan rin niya kung anuman ang namumuong emosyon sa dibdib niya.

"Aalis ka? Lalamig ang almusal,"pukaw sa kanya ng dalaga na kinakuyom ng mga palad niya.

Heto na naman ang kabog sa dibdib niya!

Hindi niya nilingon ang dalaga.

"May pupuntahan ako.."malamig niyang saad at agad na tinungo ang big bike niya na nakaparada sa hindi kalayuan sa kanya.

"Ganun ba..sayang hinintay pa naman kita para sabay na tayo mag-almusal," may lungkot at pagkadismaya sa tono nitong saad.

Bago pa man siya pangunahan ng emosyon niya binalewala niya iyun at mabilis na pinaandar ang sasakyan at walang lingon-lingon na iniwan niya sa labas ang dalaga.

Pero bakit ganun? Masakit sa pakiramdam.

Kasi nga GUSTO mo siya!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon