STARRY STARRY TEMPLE
Pagkalabas ng pagkalabas ni Alazis mula sa tore at matapos siyang kausapin at salubungin ng Hari at reynang bituin agad na nasalubong niya sa labas ang walong bituin na naghihintay sa kanya.
"Alazis?!" alangan at manghang turan ng pinakapasaway sa kanilang sampu na si Wendel.
Titig na titig naman sa kanya ang iba na tila bang may kung ano nagbago sa kanya.
"Anong nangyari sa buhok mo?!"
Saka lang niya naalala ang bagay na yun. Agad na may kung ano kirot na kumudlit at pangungulila sa dibdib niya ng maalala ang dahilan kung bakit pinagupitan niya ang kanyang buhok.
"Hindi ka namin nakilala ah! Mas kuminang ang kagwapuhan natin ngayon sa bago mong buhok ah!" patuloy nitong pamumuna sa anyo nya.
Nanatili lang sya tahimik.
"May isa pang nabago sa kanya mga kaibigan kong bituin," untag ng isang bituin na siyang sumunod sa pagiging maloko ni Wendel.
"Ha? Talaga?" si Wendel.
Hinayaan niya ang mga ito na tumitig sa kanya. Ngumisi sa kanya ang nagsabi iyun na may nagbago pa sa kanya.
"Yung ekspresyon niya. Hindi siya masaya sa pagbabalik niya rito," anito na may malalim na kahulugan.
"Tss,hindi na kayo nasanay,eh ganyan naman na yan!" si Wendel.
"Kayo,Oo..pero ako hindi," makangisi nitong turan. "Maligayang pagbabalik,kaibigan.."
Nagkakasiyahan ang lahat sa pagbabalik niya pero pinili niya na mapaisa. Kung nakikita lamang niya si Evelyn mula sa kinaroroonan niya hindi siya ganito kamiserable.
"Napaibig ka ba ng isang tao?"
Napabaling siya sa nagtanong na iyun. Si Wendel,sa seryosong anyo. Isa sa gusto niya rito nagiging seryoso ito kung kailan kailangan.
Hindi na niya ikinaila rito ang katotohanan. Hindi maikukubli ang totoong nararamdaman niya.
"Pinili mong panindigan ang binitawan mong salita kaysa ang maging masaya ka...sa piling niya," anito.
Nanatili siyang walang imik.
"Kung ako sayo sana pinili mo siya..kung ganyan din naman mararamdaman mo,huwag kang magagalit pero gusto kong sabihin na napakatanga mo.."
Kung hindi lamang siya guilty malamang sa malamang nagkasakitan na silang dalawa. Minsan masakit talaga ang marinig ang katotohanan.
Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi pipiliin ni Constell ang tagalupa kung hindi siya magiging masaya. Nawala man sa kanya ang lahat hindi naman siya naging miserable gaya mo ngayon," anito na mas nagpaguilty sa kanya.
"Nandito lang kami. Hindi man kami sapat para makalimutan mo siya atleast may pwede kang kausapin kahit anong oras," anito sabay iwan sa kanya.
Bawat oras na lumilipas lalo lamang siya nahihirapan. Lalo lamang siya nangungulila sa dalaga..nasasaktan.
"Mahal na bituin," anang ng Haring bituin na hindi niyang inaasahan na pupuntahan siya nito.
Agad na yumukod siya rito.
"Mula ng makabalik ka. Hindi na kasingningning ng dati ang iyung bituin,Alazis.."
Agad na napayuko siya hindi niya gugustuhin na makita nito ang katotohanan sa mga mata niya.
"Alam ko iyang nararamdaman mo,mahal na bituin. Umibig ka sa taga-lupa at iniwan para lamang sa isang paninindigan," anang ng Hari.
Agad na lumuhod siya sa Haring bituin. Hindi na niya kaya pang tikisin ang sarili.
"Nakikiusap po ako,Haring Bituin..kung maaari niyo sana akong pagbigyan..makabalik sa lupa," puno ng pakiusap niyang sabi.
Naikuyom niya ang palad na nasa magkabilang hita niya habang nakaluhod pa rin.
"Tumayo ka at mag-angat ng iyong mukha," utos nito na agad niyang sinunod.
Masuyo itong nakangiti sa kanya.
"Hindi ko gugustuhin na makitang ang isa sa mga bituin ko na tilang walang buhay na naririto sa templo ko. Hahayaan kita makabalik sa lupa sa kondisyon na mawawala ang kakayahan mong bilang isang bituin ng buhay..lalo na ang walang-hanggan na buhay. Gaya ni Constell magiging ordinaryong tao ka na lamang pero..masaya at payapang mamumuhay kapiling ang taga-lupa."
Acceptance is the best way to move on..tama nga naman yun pero kung hindi mo naman gugustuhin talagang makukulong ka sa nakaraan. Isang taon na mula ng bumalik si Alazis sa pinagmulan nito pero siya hanggang ngayon nanatili siya sa mga alaala na iniwan nito.
"Tita Eve..sino tinitingala mo dyan?" pukaw sa kanya ng isang taon gulang na lalaki na anak nina Constell at Rhoda.
Mula ng umalis si Alazis dumating si Constell para gabayan siya at ganun din ang asawa nito na tinuring niyang kapatid dahil pareho silang umibig sa hindi nila kauri.
Bumisita siya sa tinitirhan ng mga ito ng makabalik siya sa bansa mula sa business trip niya sa ibang bansa.
Nginitian niya ang inaanak. "May bituin kasi na paborito ko.."
"Hmm..sabi ni daddy. Totoo daw na may buhay ang mga bituin," bibo nitong sabi na agad niya sinang-ayunan.
"Totoo yan..at nagmamahal din sila," aniya.
"Evelyn.."si Constell.
Nginitian niya si Constell at hinalikan naman niya sa ulo ang inaanak bago ito pumasok sa kusina.
"May ipapakiusap sana ako sayo," anito.
"Sure,ano yun?"
"Nakalimutan ko kasi sa may Hardin yung flower na pinatanim mo kay Emily na ibibigay niya sayo,pakikuha na lang," anito sabay ngisi sa kanya.
Natawa siya. "Okay,ako na kukuha,"tugon niya.
Hindi niya mahanap kung saan roon ang bulaklak. White roses yun kaya madali niya makikita sa ilalim ng maliwanag ng buwan.
" Saan yun?"bulalas niya.
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Marahas siyang napapihit ng marinig ang pamilyar na boses na iyun.
"A-alazis..?" hindi makapaniwalang saad niya at namalayan na lamang niya na lumuluha na siya.
Ngumiti ito at umihip ang panggabi-hangin at mabining tinangay ang mahabang buhok nito na kasingputi ng Rosas.
"H-hindi naman a-ako n-namatay ulit di..di ba?"umiiyak niyang saad.
" Hindi.. magkakasama na tayo hanggang sa kamatayan,Evelyn.."
The end.
Salamat po talaga sa mga bumasa nito !
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...