FRIENDLY KISS
May nakapaskil na ngiti sa mga labi ni Evelyn habang nililibot ng paningin ang kabuoan ng opisina na pag-aaari ng kanyang yumaong ama. Ito ang opisina na gagamitin niya sa oras na magpakita na muli siya sa lahat..ng buhay pa.
Sa susunod na linggo ay ang anibersaryo ng kompanya nila at doon niya gagawin ang unang plano. Plano na bawiin ang dapat sa kanya.
"Ano kaya magiging reaksyon nila kapag nakita na nila ulit ako?" kuryuso niyang saad.
Pumihit siya paharap na pinaikot ang kinauupuan swivel chair sa kinaroroonan ni Alazis na tahimik lang na nakahalukipkip at nakaupo sa likod ng single sofa.
"Magugulat.."
Natawa siya. "Oo naman pero gusto ko yung matatakot sila?"
"Hmm,na multo ka," anito na muli niyang kinatawa.
Seryoso pa yun pero..nakakatuwa talaga siya!
Bakit ba ang gwapo niya?!
Tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan ito na kinataas ng kilay nito. Ngumisi siya ng huminto sa harapan nito.
"Gusto ko magpasalamat ulit sayo,Alazis..my hero!"aniya.
Mataman lang nakatitig sa kanya si Alazis.
" Kung hindi dahil sayo wala ako rito,salamat taLaga ng marami!"
"It's my mission," matiim nitong saad.
"Mission man o trabaho lang yun isang napakalaking bagay yun sa isang tulad ko..nagpapasalamat ako sa Kanya dahil may isang tulad niyo," sinsero niyang saad.
"Walang anuman," tila napipilitan na komento nito sa pasasalamat niya.
Magaan ang pakiramdam niya at ang saya lang ng puso niya marahil dahil sa lalaking nasa harapan niya.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Mabilis na nilapit niya ang mukha sa lalaki at pinatakan ng halik ang pisngi nito. Natigilan ito sa kabiglaan.
"Thank you!"
Ang balak niyang pagtalikod sana pagkatapos niyun ay natigil ng pigilan siya nito sa braso niya.
Agad na gumalabog ang puso niya.
"Hinalikan mo ako..." usal nito.
Napakurap siya. Hala ka,Evelyn!
Napalunok siya at napapahiyang nag-iwas ng tingin rito.
"U-uh,f-friendly kiss," nauutal niyang tugon.
Tumiim ang titig nito sa kanya na lalong nagpagabog sa dibdib niya.
"A-ahm,sorry..di ko na uulitin,promise!"saad niya na pilit na kinukubli ang pagkapahiya.
Lakas-loob na binawi niya ang braso sa pagkakahawak nito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag ng bumitaw naman ito roon.
Isang pilit na ngiti ang pinukol niya rito ng mag-angat siya ng paningin rito. Lalo lamang siyang kinabahan ng makita kung gaano kalalim ang pagkakatitig nito sa kanya.
Walang makikitang emosyon sa mga mata nito.
" Uwi na tayo!"aniya sabay talikod na rito.
Naipikit niya ng mariin ang mga mata pagkalabas niya ng opisina iyun.
"Lukaret ka,Evelyn!" pabulong na saad niya.
Sana hindi siya magalit sa ginawa mo!
Friendly kiss lang yun,masama ba yun?!
Pero friend ba kayo?
Napangiwi si Evelyn sa sinabi ng isip niya.
Friend nga ba sila?
Hindi ba?
May gusto ka kaya sa kanya,so..hindi friend yun!
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasíaAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...