Chapter 7

1.7K 74 4
                                    

BREAKFAST

Hindi pa man sumisikat ang araw nasa kusina na si Evelyn para magluto ng almusal.

Naiexcite na sya matikman ni Alazis ang niluto niyang specialty  garlic fried rice niya na sinamahan niya ng hotdog,bacon at omelet with onion.

Naghanda rin siya ng kape,sana lang mahilig siya sa kape pero buti na lang kumpleto sa stocks ng pagkain ang kusina nito. Nakakamangha,kahit mag-isa lang ito ang dami nitong nakaimbak na pagkain!

Sinilip niya ang salamin bintana. Papasikat na ang araw.

Gising na kaya siya? Maaga ba siya gumigising o tanghali?

Well,natutulog din ba siya tulad ng mga tao?

Evelyn,he's not a vampire! Bituin! Bituin! Bituin ng buhay nga!

Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi pa rin naman siya makapaniwala sa nangyayari eh. Pero nagpapasalamat siya na buhay pa siya. As in alive na alive!

Agad na bumalik sa alaala niya ang nangyari bago siya nahulog mula sa bangin!

Her stepsister let her die!

Noon lang nabuhay ang galit,dismaya at poot niya para kay Bianca. Mariin niyang naikuyom ang mga palad.

Sigurado siya alam ng mga ito na patay na siya!

Pwes! Iyun ang akala ng mga ito!

"Anong ginagawa mo?"

Agad na napukaw siya sa nagsalitang iyun. Mabilis na napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyun. Ang nakakunot na nuo ni Alazis ang nalingunan niya.

"Ha?" wala sa sarili niyang saad.

Bumaba ang mga mata nito na agad naman sinundan niya ng tingin.

"Oh shit!!!" bulalas niya ng makitang natapon ang laman ng ketchup sa lalagyan niyun na gawa sa plastik na bote. Hindi  niya namalayan nakahawak pala siya roon habang inaalala ang nangyaring masama sa kanya.

Tarantang naghanap siya ng basahan para punasan iyun. Nagkalat kasi iyun sa counter ng lababo.

"Uh,pasensya na..di ko namalayan nagkakalat na pala ako,sayang tuloy," aniya habang nililinis ang natapon na ketchup sa counter.

Nang matapos siya muli siyang humarap rito. Tahimik lang ito at matiim na nakatitig sa kanya. Bigla tuloy siyang nailang. Bakit hindi? Kung makatitig ito para hihigupin ang kaluluwa niya!

Hindi,Evelyn,binabasa niya lang ang nasa isip mo,alam mong kaya niya yun! Kontra ng isip niya.

Agad na nag-iwas siya ng mga mata rito. "Naghanda ko ng breakfast mo,ahm,sana..kumakain ka ng mga ito," untag niya rito.

Nakahalukipkip na sinulyapan nito ang mga niluto niya.

Kinabahan tuloy siya baka hindi nito gusto ang ginawa niya! Saka baka hindi ito kumakain!

"Hindi ba sasakit ang tiyan ko kapag kinain ko mga yan?"

Mabilis na napatingin siya rito.

Ano raw?!

Awang ang mga labi na napatitig siya sa seryoso nitong mukha.

Iniisip ba niya na hindi siya masarap magluto?!

Napakurap siya ng magkibit ito ng balikat. "Hindi ako basta kumakain ng pagkain na hindi ko luto.. Pero utang mo ang buhay mo sakin siguro naman walang masama mangyayari sakin?" saad nito sa seryoso pa rin anyo.

Imbes na mainsulto si Evelyn isang malakas na tawa ang kumawala sa mga labi ng dalaga.

"W-wait! Of course not! Grabe ka naman sakin,syempre hindi noh,masarap kaya akong magluto!"saad ni Evelyn sa pagitan ng pagtawa niya.

Seryoso lang ang mukha ni Alazis habang salubong ang kilay nito nakamasid sa kanya.

Napapahiyang tumigil siya sa pagtawa.

" Sorry..alam kong hindi yun Joke pero promise! Makakain mga yan!"aniya na pilit na hindi matawa muli.

Sumulyap muli ito sa island counter kung nasaan ang mga niluto niya.

"Nagluto ako para magpasalamat sayo," seryoso na niyang untag rito.

Nginitian niya ito ng tumingin sa kanya.

"Napakaswerte ko dahil nabigyan pa ko ng pangalawang buhay..at dahil iyun sayo,Alazis..salamat ng maraming-marami," matiim niyang saad.

"Instrumento lang ako para buhayin ka...sa Kanya ka magpasalamat," anito sabay upo sa harapan ng mga niluto niya.

Napangiti siyang muli.

"Oo..gusto ko magsimba para magpasalamat sa Kanya.." aniya.

"Mabuti kung ganun," tugon nito na hindi tumitingin sa kanya .

Nanatili ang ngiti sa mga labi niya habang pinapanuod ang pagkain na nito sa mga niluto niya.

Hay...sana matagal ko siya makasama!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon