Chapter 24

1.7K 70 4
                                    

FRIENDLY DATE

Naningkit ang mga mata ni Alazis habang nakikipag-usap si Evelyn sa counter ng sinehan.

Ang sabi nito nagugutom ito pero sa sinehan siya nito kinaladkad. Malamig na tingin ang pinukol niya rito ng makalapit na ito sa kanya. Masaya na winagaywag nito ang dalawang ticket sa harapan niya.

"Last showing na nito! Gusto ko talaga panuorin 'to eh!"

"Pwede mo naman panuorin yan sa bahay,Evelyn.." tugon niya na kinasimangot nito.

"Tsk,mas okay dito panuorin. Saka.."bitin nito sa sasabihin sabay ngisi sa kanya.

"Date natin 'to!" pagtatapos na nito sa sasabihin.

Napaawang ang mga labi ni Alazis sa sinabi nito.

Tumawa ito sa nakitang reaksyon niya.

"Don't worry,friendly date lang 'to,ikaw naman. Alam ko naman off limit ka na kasi di ba nga..iba ka," paliwanag nito.

Sa sinabi iyun ng dalaga may kung ano guilt siya naramdaman..may pagkadismaya din.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Yeah,friendly date,Alazis!

"Ang dami mong alam," komento niya na kinangisi lang nito.

"Oo naman noh..lika na para makaupo na tayo,uh,wait bili muna pala tayo ng makakakain sa loob," paghila na naman nito sa kanya.

Agad na binawi niya ang braso na hawak-hawak nito na kinatigil ng dalaga.

Bago pa man ito makapiyok. Inabot niya ang palad nito at hinila na ito dahil bigla ito nawalan ng pagkasaltik.

Wala naman masama kung hahawakan niya ang kamay nito. Friendly date lang naman ito,so,friendly touch lang din ito!

Ha-ha,marunong ng magpatawa ang bituin!

Agad na sinawata niya ang isip. Nang makaupo na sila sa loob ng sinehan agad na napuna niya na giniginaw ang dalaga sa tabi niya. Nakayakap kasi ang mga braso nito sa harapan.

Nakatshirt lang kasi ito. Marahas siyang napabuga ng hangin. Hinubad niya ang suot na leather jacket niya at nilagay iyun sa harapan nito na kinabigla nito.

"Alam kong alam mong malamig dito sa loob hindi ka man lang nagdala ng jacket," sita niya rito.

Walang imik na inayos nito ang pagkakatakip ng jacket sa harapan nito.

"Suutin mo,wag mong gawin kumot.." komando niya rito.

Nakita niya ang pagnguso nito pero agad naman sinunod ang suhestyon niya.

Napailing na lang siya at tinuon na ang atensyon sa harapan ng malaking screen. Nagsisimula na ang palabas.

Grabe,akala ko naman aakbayan niya ko..binigyan lang ako ng jacket.

Pinigilan agad ni Alazis ang mapangiti ng marinig ang bulong ng dalaga. Hindi niya alam kung sadya ba nito iparinig sa kanya o talagang kinakausap lang nito ang sarili.

Malapit na rin ata siya mahawa rito!

Oo..kasi ngumingiti ka mag-isa eh!

Agad na sumeryoso siya at hindi na pinansin ang katabi niya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon